CHAPTER 2

197K 3.5K 119
                                    

CHAPTER 2

"ARE YOU OUT OF YOUR MIND?!"

Napatakip ako ng tenga. Hinubad ko ang jacket na sinuot ko kanina nang lamigin ako sa kotse at inihagis ko iyon sa isang tabi. Nahahapo na umupo ako at itinaas ang paa sa lamesa na nandito sa laboratory ni PJ.

"Chill, I'm still in one piece. Stop whining dahil nagugutom na ako."

Naihilamos ni PJ ang mga palad niya sa mukha niya. Natatawang kinagat ko ang mansanas na nakita ko sa lamesa. He looks cute when he's like this. Namumula ang mukha niya sa inis sakin. Mamaya naman kakalma din yan. Hindi naman niya kayang magalit sakin ng matagal.

"One piece? That's great dahil kapag nalaman ng kuya mo ang ginawa mo, I'll be going home in little pieces."

Natawa ako. Hindi naman ganong kabrutal si Kuya. Masasabon lang kaming pareho. Lalo na kapag nalaman ng boss namin na si Poseidon. They still treat me like a baby kaya hindi malabong mapagalitan nga kami...o si PJ for that matter.

"Ano bang ikinakatakot mo? Nag enjoy pa nga ako ng lagay na yon. Medyo kinakalawang narin ako kaya kailangan ko din ng exercise." kumagat ako ulit don sa mansanas. This won't do, I need real food.

"First, I'm dead. Paniguradong lagot ako sa kuya mo. Pangalawa malaking gulo kapag nag sumbong ang lalaking naging apple of the eye mo ngayong gabi-"

Hindi na niya natapos ang sasabihin niya dahil nakalapit na ako sa kaniya para isubo sa bibig niya ang mansanas na hawak ko. Napaubo siya at nakangiti ng matamis na tinapik-tapik ko lang siya sa likod. Tinignan niya ako ng masama.

"Oh, come on. Akong bahala sayo kay kuya. Sa anghel- I mean sa lalaki naman na yon, hindi yon magsusumbong dahil wala naman siyang nakita. Nakaalis na siya nang nagkaron kami ng engkwentro ng mga gwardiya ni Mayor, at isa pa, he's drunk."

Which reminds me that I still need to look for him. Hinayaan ko siya na mag drive ng lasing and it's my responsibility to make sure na ayos lang siya.

Baka naman gusto mo lang siyang makita? Napasimangot ako sa itinatakbo ng endangered brain cells ko.

Dear Brain, wag ka nang usisera at wag ka nang masyadong mag-isip ng mga bagay-bagay dahil baka lalong umonti ang cell count mo.

Lumapit ako sa isang monitor sa isang tabi. Ang daming monitor dito pero stand out ang isang ito dahil may mga stickers ng kung ano-anong cartoon characters para alam namin na iba siya sa mga monitors dito. The stickers? Syempre ako ang magaling na nakaisip non. Once upon a time halos himatayin si PJ nang makita niya ang kinahinatnan ng invention niya.

"Anong gagawin mo diyan?" pinigil niya ang kamay ko nang akmang pipindot na ako. Pinunasan niya pa iyon dahil may bahagya pang juice ng apple.

"Hahanapin ko si Mr. Drunk."

"Bakit pa? You don't even know his name."

I look at him incredulously. "Okay ka lang? Ano pang gamit nitong invention mo kung hindi natin siya mahahanap?"

Umupo ako sa harapan non at nagsimula akong tumipa sa mga keys ng keyboard. Nasa likod ko lang si PJ at nakatingin sa ginagawa ko or maybe nagbabantay lang sya dahil baka kung ano na naman ang gawin ko. May 'Mishy Trauma' yang si PJ eh.

"And anyway friends don't let friends drive drunk."

"He's not your friend." sabi ni PJ na umupo na sa tabi ko. Binelatan ko siya at ibinalik na ang atensyon ko sa ginagawa ko.

This should be easy. Hindi ko pa nakakalimutan ang mukha ng anghel na yon. Bawat detalye sa mukha niya natatandaan ko pa. Nag simula ako sa buhok. Deep black hair, then fair skin, jet black eyes and kissable lips. Mabilis na nagpalit-palit ang mga iba't-ibang klaseng mukha sa monitor. Actually pwede naman kaming humanap ng ganitong gadgets sa kung saan, hindi narin naman bago ang ganitong gamit. Iyon nga lang mas gusto ni PJ ang sarili niyang gawa.

"Dale Edwin Night."

Napatitig ako sa mukha na nasa screen. Mayroon siyang tipo ng mukha na hindi ka magsasawa titigan. Para siyang galing sa isang magazine o ipininta ng pinakamagaling na pintor.

I found his contact number and address. Binalik ko ang tingin ko sa screen at napatitig na naman ako. Para akong inaakit ng mga matang iyon na wag kong i-alis ang tingin ko.

"Hoy!"

"What?! Sheesh! Makaalis na nga. Umorder ka ng pizza, kapag wala akong nakitang matinong pagkain pagbalik ko, kakain ako ng tao. At ikaw ang nasa top list." tumayo na ako at kinuha ang jacket ko. Wala akong balak manigas sa lamig.

"Sure thing, libre mo?" kinindatan pa ako ni PJ. Mahilig sa libre.

"No."

"Ginamit mo na nga ang invention ko eh. Idagdag pa na dahil sayo masasabon, makukusot, mababanlawan at maisasampay ako ng kuya mo."

"Fine, whatever. Gusto ko maraming pepperoni."

Sumaludo siya. Magkasundo kami pagdating sa pagkain niyan. I grabbed my keys at naglakad na ako papunta sa garahe na animo tindahan ng sasakyan sa dami ng mga kotse at motorcycle. Lumapit ako sa kotse ko...my baby. Porsche 911 GT2 RS. It's fast and can make you feel like flying in no time. Regalo sakin iyan ni Poseidon.

Naalala ko tuloy ang kotse ng anghel na yon, Jaguar XF-R. Pretty fast car. Sigurado ako na hindi lang iyon ang nag-iisang kotse ng lalaki na iyon. Ayon kasi sa nabasa ko kanina sa data niya he's the CEO of their family business, Night Corporation, kahit na twenty-two pa lang siya. The company focuses on expensive cars.

Sumakay na ako sa kotse ko. May pinindot lang ako na combination para makalabas ako ng garage, then I sped away.

Wala namang traffic at alam ko din na wala namang sisita sa bilis kong magpatakbo. Alam na ni PJ na si Baby Porsche ang gamit ko kaya panigurado na nakabantay na siya sa mga CCTV. He's a great hacker.

Nang makarating ako sa tapat ng malaking bahay na napakalayo sa mga kapitbahay ay inihinto ko ang sasakyan ko. Nag-angat ako ng tingin sa mala-palasyong bahay.

"Maybe he's okay."

Or not.

Naniningkit ang mga matang bumaba ako ng sasakyan. Naaninag ko na may tao pa sa kotse na siyang ginamit ni Night kanina. Mukhang hindi siya napansin ng mga gwardiya sa bahay dahil sa madalim na parte siya nagpark. Nakapamewang na tinignan ko ang bintana. Tulog na tulog, buti nakarating yan dito.

Bumuntong-hininga ako at nag lakad papunta sa tapat ng bahay niya. Alangan namang kargahin ko siya? Pinindot ko yung door bell ng paulit-ulit. Naiinip na ko at nagugutom. I need some food.

Bumukas ang pinto bigla. Akala siguro ng gwardiya ang amo niyang lasenggo ang nag do-door bell. Panigurado namang na sanay na sila sa kaniya na gabi lagi umuwi. Sa kakainom niya hindi na nakakapagtakang ilang taon mula ngayon para na siyang buteteng laot.

"Miss Ganda hindi laruan yang door bell."

"Alam ko. Anong akala mo sakin, alien? Nandon ang amo mo sa kotse niya. Kapag nagising yan nang masakit ang likod kayo ang mananagot."

Tumingin siya sa tinuro ko. Tumalikod siya at tinawag ang mga kasamahan niya. Napapailing na naglakad ako papunta sa kotse ko. Why did I even bother? Ang hirap maging mabait. Buti na lang hindi ko nakasanayan.

Napangisi ako sa naisip ko. Right, hindi naman ako mabait. Baka tinamaan lang ako ng pagiging good samaritan ngayong araw na to.

Makabili na nga lang ng ice cream baka sakaling dumapo na ulit sakin ang dating Mishy na wala ni katiting na interes sa mga pontio pilato na nagkalat sa contaminated nating mundo.

Right. Ice cream.

BHO: His Secret Agent Pretend Wife (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon