CHAPTER 13

132K 3K 99
                                    

CHAPTER 13

NAPAPATINGIN ako kay Dale habang kumakain kami. Para siyang modernong anghel sa suot niyang three piece suit. Papasok na kasi siya sa opisina. Hindi ko mapigilan na hindi siya titigan. I don't like commitments but it doesn't make me blind.

Kinuha ko ang baso ko na may lamang juice at uminom. Nag dahan-dahan lang ako since baka matapunan ang uniform ko. Yes, uniform. Papasok narin kasi ako sa University na pinapasukan ko since tapos na ang maliligayang araw ko. Tapos na ang bakasyon.

Hindi talaga ako mahilig pumasok, kami ni PJ. Kadalasan lagi kaming absent pero hindi ibig sabihin non bumabagsak kami. Matataas ang grades namin at talo pa namin ang mga nangunguna sa ranking kung lagi lang kaming pumapasok. Since that's impossible because of our job, hinahayaan na lang namin. Ang mahalaga naman may natutunan kami.

MASCOM ang kinuha namin nila PJ at Kat. It's an interesting course pero talagang hindi lang ako yung klase ng taong makukuntento na umupo maghapon habang may klase. Kahit si PJ at Kat naiinip kahit na nasa Experiment Department naman sila at hindi sa Field. Gusto kasi ng dalawang yon na may ginagawa ang mga kamay nila kasabay ng pag-iisip nila.

"That uniform looks good on you."

Nginitian ko si Dale. Nakatingin na rin pala siya sakin. What I like the most sa Humming University ay ang uniform na suot namin. Black blazer, white blouse and black skirt. I love black. Mas madali ring magtago ng baril sa skirt kesa sa slacks. Kasalukuyang nakakabit ang maliit na baril ko sa itaas na bahagi ng hita ko.

"Thanks, honey." sabi ko sa kaniya.

"Ihahatid na kita."

"Wag na. Actually may susundo sa akin-"

Napatigil ako sa pagsasalita nang makarinig ako ng busina sa labas ng bahay. Tumayo ako at isinukbit ang bag ko. Nandiyan na si kuya. Susunduin niya daw ako dahil kailangan naming tatlong mag-usap nila Boss. Kay PJ na lang daw ako sasabay pauwi.

Bumuka ang bibig ko para magpaalam kay Dale ngunit tumayo narin siya at nakakunot ang noo na sinundan ako. Lihim na napabuntong-hininga ako at lumabas na. Tumuloy ako sa gate na may kalayuan din sa front porch ng bahay.

Naabutan ko si kuya na nakasandal sa hood ng kotse niya. Kumaway siya at nginitian ako. Ang gwapo talaga ng kuya ko. Kaya ang daming nagkakandarapa sa kaniya na mga babae. Kaso isa lang naman ang gusto niyang babae. Si Maries.

Tumakbo ako palapit sa kaniya at tinalunan ko siya and as usual sinalo naman niya ako. Lagi ko sa kaniya ginagawa yan kapag nakikita ko siya. Naalala ko pa noon sinubukan kong gawin ito kay PJ ang nangyari na-sprain lang ang paa ko dahil hindi naman niya ako sinalo at iniwasan lang ako.

Ang lupit talaga ng best friend ko. Oh, well that's PJ. Hindi siya si PJ kung magiging sobrang bait niya. Baka gumuho ang mundo kapag hindi na nagsuplado iyon.

"Missed me?"

"Yep." nakangiting sagot ko  sa kaniya.

Napatingin kami sa likod namin nang makarinig kami ng malakas na pagtikhim. Nakatayo doon si Dale na madilim ang mukha habang nakatingin kay Kuya at sa ayos namin. Bumaba na ako mula sa pagkakakarga ni Kuya at nakangiting hinarap ko si Dale.

"Dale this is Ethan, hindi ko na siya napakilala noon-"

"Should I know him?"

Napatigil ako sa tono ng boses ni Dale. Bakit parang galit siya? Nilingon ko si Kuya at nakita kong nakangiti nyang tinanggal ang suot niyang shades. 

" Are you jealous, Night?" tanong ni kuya.

Napatingin ako sa kaniya ng wala sa oras. Jelous? Si Dale? Tinignan ko ng masama si kuya na kinindatan lang ako at inakbayan. Tumingin ako kay Dale and I saw how his  jet eyes darkened habang nakatingin siya samin ni kuya.

"That's my wife you're touching, Mister-"

"Greene. Ethan Greene."

Nanglaki ang mga mata ni Dale nang mukhang naintindihan na niya ang ibig sabihin ni Kuya. Hindi ko siya masisisi. Higante si kuya at ako naman ay parang duwende kapag itinabi mo sa kaniya. Maputi ako at si kuya naman ay perfectly tanned. Ang nag-iisang parehas lang sa amin ay ang mga mata naming itim na itim.

"Damn, I-I ah-"

"It's okay. Hindi na bago samin ni Mishy na mapagkamalan na hindi magkapatid. Mas maganda kasi ang genes ko kesa sa kaniya."

"Dream on, Kuya." sabi ko na may kasama pang irap.

Lumapit samin si Dale at kinamayan niya si Kuya. Namumula ang mukha niya. He looks adorable. Parang hindi bagay gamitin iyon sa kaniya na description but he really looks like it.

"Aalis na kami Dale." paalam ko.

"Sure, baby. See you later."

Tatalikod na sana ako para pumasok sa sasakyan nang bigla na lang niya akong hinigit at hinalikan. Napasinghap ako at bago ko pa siya maitulak palayo ay humiwalay na ang mga labi niya sa akin.

"Later." he murmured.

Tinanguhan niya si Kuya at pumasok na sa loob ng bahay. Parang zombie na naglakad ako papasok ng kotse. Kahit ng nakapasok na si kuya ay nakatulala parin ako. Ang tanging gumising sakin ay ang malakas na pagtawa ni Kuya.

"That guy had jealousy written all over his face. Mukhang napaibig mo ang isang iyon, sis. And he called you baby."

"Stop it kuya, just drive."

Tumawa siya ulit at pinaandar na ang sasakyan. Tahimik lang ako habang iniisip ko ang halik ni Dale kanina. Saglit lang iyon ngunit alam ko ang mensahe na nakapaloob doon.

I'm his.

BHO: His Secret Agent Pretend Wife (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon