CHAPTER 27

132K 2.6K 101
                                    

CHAPTER 27

BUHAY nga naman. Kuya and I just found ourselves in a major drastic change. Pakiramdam ko pinaglalaruan kami ng kapalaran. Ilang taong inisip namin ni Kuya na wala na kaming ibang pamilya. Iyon pala ay may mga natitira pa kaming pamilya na nasa malapit lang.

"The metal they used in this container was very rare. Masyadong matibay kaya hindi nasira ng sumabog ang lugar na iyon." paliwanag ni PJ sa amin.

Siya lang at ako ang nag-uusap habang tulala parin ang dalawa. Inuusisa ni PJ ang container kung saan nakalagay ang letter at manghang-mangha na iniikot-ikot yon sa kamay niya.

"Iba yung picture ni Mommy sa nag-iisang picture na ibinigay sa akin ni Daddy."

Napatingin ako kay Boss na ngayon lang nagsalita. Nanginginig ang boses niya at halata ang pagkabigla sa mukha niya. Nandoon din ang betrayal. Hindi ko siya masisisi dahil all this years, nagsinungaling sa kaniya ang father niya.

"Maaaring iba talaga ang ipinakita sayo." pabulong na sabi ko.

Kinuha niya ang nag-iisang picture ng nanay niya na nakaframe at nakalagay sa ibabaw ng lamesa niya. Inikot niya iyon at binuksan. Narinig ko ang paghugot niya ng hininga kasabay ng paghila niya ng isang papel na nakaipit doon. Lumapit ako sa kaniya at hinawakan ko ang kamay niya at sinabayan ko siya sa pagbasa.

'Son, If you're reading this it means, I'm no longer around to tell you everything. I lied about a lot of things. Like about your mother. I told you that she died after giving birth of your sisters. But that isn't the truth.

I know you know your Tita Michelle. She's your mother, son. Tinago namin lahat ng ito dahil hindi na namin ginusto na magulo ang buhay ng mga anak ni Michelle kay Michael. Michael knows about this. Wala namang problema sa kaniya, I think he's the most understanding person I've ever met. I really love you son and I'm gonna miss you. Take care of your sisters and your brother.

I'm sorry that this is the only way for me to say my goodbye.'

Mahigpit na niyakap ko si Boss ng nakita kong yumuko siya para itago ang pagluha niya. For men, crying brings downtheir dignity and pride,and makes them look weak. But for me, If he's man enough to cry, then he's man enough to know that crying doesn't make you less of a man. It only proves that you're confident enough to show what you really feel.

I cleared my throat. "Ganiyan na ba talaga kasama ang tingin mo sakin at ayaw mo akong maging kapatid, Boss?"

Nag-angat siya ng tingin at sinalubong ang mga mata ko. Tinaasan ko siya ng kilay at napangiti ako ng unti-unting sumilay ang mga ngiti sa labi niya.

"Kuya, Mishy." sabi niya at ginulo ang buhok ko.

"Ayoko nga."

Halos sabay silang bumuntong-hininga ni Kuya Ethan. Nagkatinginan sila at sabay na tumawa. Pagkaraan ay ibinalik sakin ni Boss ang tingin niya. It felt like his eyes can see pass through my soul.

"Let's talk about your problem." Boss gave me a knowing look.

"Wala akong problema."

"Meron."

"Wala."

Itinaas niya ang mga kamay niya tanda ng pagsuko. Napangisi ako, panalo na naman ako. I don't want to talk about it right now. I just want to be happy and forget about all my problems.

Akmang tatalikod na ako ng may maalala ako. May dinukot ako sa bulsa ko at ibinaba ko iyon sa desk ni Boss. Bago pa ako makapagsalita ay nanglaki ang mga mata niya.

BHO: His Secret Agent Pretend Wife (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon