CHAPTER 30

125K 2.5K 33
                                    

CHAPTER 30

TUMIGIL kami sa madilim na parte sa tapat ng bahay ng mga Smith. Napapailing ako kay Rome at Venice na parang mamatay na sa kaba para sakin. Hindi pa ba nila ako kilala? I'm the Queen of Catastrophe.

"Gotta go." sabi ko sa kanila at nagmamadaling bumaba na ako. Tumakbo ako sa lawn ng bahay ng mga Smith. Wala silang bakod dahil malakas ang loob nila na walang magtatangkang pumasok sa bahay nila. Sandamakmak ba naman ang mga security camera eh.

Nang makita kong umikot ang isang camera ay may pinindot ako sa suit ko para matakpan ang mukha ko ng mask at kaagad na dumapa ako sa damuhan. Dahil sa suot kong CBS ay kaagad na nagbago ang kabuuan ko.

"In position."

"Acknowledge." sagot ni PJ sa kabila ng listening device. Bahagya ko pang narinig si Dale na nag tanong kung sino si Strike. "Si Mishy yon, Dale." PJ patiently explained."Strike, sa gilid ng bahay ka dumaan. You need to climb up. The second window is open, pwede kang pumasok doon. I'll hack the security camera on that room but I can only hold it for ten seconds."

"Copy."

Nang makita kong gumalaw ang security camera ay mabilis na tumakbo ako papunta sa gilid ng bahay. I brace myself and place my hands on the wall. Nagsimula na akong umakyat. Madali ko lang naman iyong nagawa. After a few seconds I was already perched on the window.

"Compassed."

"Ten seconds starting."

Wala pang ten seconds ay nakatakbo na ako palabas ng pintuan. Tahimik at walang tao sa hallway. Tulog na ang mga tao. Good.

Nagsalita ulit si PJ. "Diretsuhin mo ang pasilyo kung saan ka naroroon. Then turn on your right. May tatlong kwarto doon. Nasa gitna ang hinahanap nating vault."

"Got it-"

"Danger ahead."

I let my body slide on the ground the moment the man saw me. I instantly pulled the Mist on my holster and pulled the trigger. Itinulak ko ang katawan ko para madali akong makatayo. I made it in time before the man crashed on the floor. I can't risk anyone to hear us. Maingat na ibinaba ko siya sa sahig bago ako tumakbo papunta sa gitnang pinto.

I yanked the door open. Yep, there it is. A vault.

"Combination needed." I whispered on my LD.

"Eight-nine-seven-three-four."

Hindi ko na kailangang magtanong kung paano niya nalaman. When it comes to PJ, you don't need to question anything. He's a genius, period.

Nagmamadaling kinuha ko ang mga dokumento na nasa loob ng vault at inilagay iyon sa itim na bag na nakasabit sa tagiliran ko. This is important. This might lead us to everything...everything we've been looking for.

My head snapped up when I heard footsteps. Tumingin ako sa gilid ko kung saan nandoon ang bintana. Mabilis kong inihagis doon ang bag na naglalaman ng mga dokumento ng may maaninag akong kung ano roon. Isinira ko ang vault at ang pinto, pagkatapos ay umatras ako ng ilang hakbang at naglakad papunta sa pinto na animong palapit pa lang ako roon.

"Tigil!"

Umakto ako na nagulat at humarap ako. I tried not to lunge at him when I saw the man in front of me. Bernardo Smith. He's one of them...The person who killed my parents.

I want to kill him at this very moment. But I can't. This is not the right time. I will have my chance, I know I will. I waited for so long and I won't screw this up. Just a little more time. Just a little more.

I made a fake attempt to kicked him, knowing that he will be able to dodge it. He grabbed the gun on my holster and...Shot me.

I grabbed for his neck, my fingers marking his skin. Narinig ko ang pag-aray niya ng tumusok ang mga kuko ko sa balat niya. Unti-unting nag-dilim ang paningin ko subalit bago tuluyang gumunin ako ng dilim ay sumilay ang ngiti sa mga labi ko.

A little more time and it will all be over.

I'll see you soon Dale.

BHO: His Secret Agent Pretend Wife (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon