CHAPTER 26

128K 2.7K 78
                                    

CHAPTER 26

Hindi ko alam kung bakit dito ako napadpad. Siguro masokista ako. Inilibot ko ang paningin ko sa lumang gusali na wala man lang nakaisip linisin. Katulad parin siya ng dati. Nangingitim na ang ibang parte ng lugar dahil sa pagsabog na naganap dito noon.

Nandito ako sa Davids Agency kung saan nagtatrabaho ang mga magulang ko noon. Kung saan namatay ang parents namin ni Kuya. Kung saan kahit katawan man lang nila ay hindi na namin nakita.

Naglakad ako sa hallway habang inaalala ko ang mga ngiti ng mga agents kapag nakikita kami noon ni Kuya. Kung paano kami salubungin ng yakap nila Mommy at Daddy. Ang ngiti ni Tito William kapag nakikita kami.

Ang aga silang kinuha samin. Dati lagi silang nandiyan para i-comfort kami ni Kuya. Pero ngayon hindi na nila magagawa iyon. Hindi ko alam kung bakit kami, bakit kami pa ang nawalan. I was too young to learn how unfair life is.

Bakit ba hindi na lang pwedeng maging saya? I keep on loving and treasuring them. Pero iniiwan lang nila ako.

"Mishy."

Napaangat ako ng tingin. May naramdaman akong pamilyar na mga braso na yumakap sa akin. Hindi ko na napigilan ang mga luha sa pagtulo mula sa mga mata ko.

"Kuya.."

"You don't need to do this, Mishy."

Alam ko ang ibig niyang sabihin. Na hindi ko naman kailangan iwan si Dale. Sa lahat ng tao, alam kong alam ni Kuya ang pinagdaraanan ko. Dahil minsan niya narin tong ginawa. Minsan narin niyang sinaktan ang sarili niya para protektahan ang taong mahalaga sa kaniya.

"You know I need to."

"You can always have the life you want. Hindi mo naman kailangan ipagpatuloy to. I can do it for you then you can be happy with Dale."

Napatingin ako sa kaniya. He's telling me...He's telling me to give up all this and be with Dale? Napailing ako at pinunasan ko ang mga luha ko. No. I can't do that. We're in this together. I won't give up, not now, not ever.

"No. I cannot change who I am, Kuya. Not even for him."

"Mishy-"

"Alam mo kung bakit ginagawa ko to. Pareho lang tayo, Kuya. Hindi tayo magiging kumpleto hanggat hindi natin to natatapos."

Bago pa makasagot si kuya ay may narinig kaming kung ano na bumagsak. Napatingin kami sa kanan namin kung saan may nahulog na kung anong lalagyan. Nilapitan iyon ni Kuya at kinuha habang hindi makapaniwala na nakatigin kami doon.

Paanong hindi nasama iyon sa pagsabog na naganap? Kung hindi man ay dapat nagupo na iyon ng apoy.

"Dating invention siguro ito." sabi ni Kuya na iniikot sa kamay niya ang stainless na bagay na kasing laki ng pencil case.

"Anong laman?"

"I don't know. May combination, pero hindi numbers."

Nilapitan ko si Kuya at tinignan ko ang hawak niya. May lalagyan nga doon ng combination. Pero hindi mga numbers kundi letters ang kailangan. May pakiramdam ako na kaila Mommy at Daddy to.

Naalala ko pa isang linggo bago ang nangyari kaila Mommy may narinig akong ibinulong siya sakin. Hindi ko alam kung totoo ba iyon o panaginip ko lang. Pero animo naririnig ko parin hanggang ngayon ang boses ni Mommy habang ibinubulong niya sakin iyon.

'Always remember we love you. Kahit ano pang mangyari, kahit ano pa ang matuklasan niyo. I love you sweetheart. Mahal na mahal ka namin ng daddy mo, kayong dalawa ng kuya mo. Catfight, remember Mommy's words sweeetheart, catfight."

BHO: His Secret Agent Pretend Wife (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon