CHAPTER 32

128K 2.5K 67
                                    

CHAPTER 32

Pakiramdam ko kahit anong gawing make-up sakin namumutla parin ako. Nahihilo ako na hindi ko maintindihan. Halos isang drum na ata ng tubig ang nainom ko pero hindi parin ako kumakalma.

"Ano ka ba Mishy? Kumalma ka nga." Sinimangutan ko si Kat na kasalukuyang inaayos ang dress na suot ko.

"I'm gonna pass away-...I mean out."

"Relax. Everything will be fine."

Tumili ako ng pagkalakas-lakas. Napapikit si Kat pero hindi naman siya nagreklamo. Alam kong naiintindihan naman niya ako kung bakit abot-abot na lang ang kaba ko. After all this is my...

Wedding day.

Yes. I'm getting married. Mishiella Greene who doesn't like commitments and anything that threatened her freedom is getting married.

"Oh My God, Kat! I'm getting married!"

Natatawang tinapik-tapik ako sa balikat ni Kat. "Yes, Mishy, I know. Ako kaya ang nag-ayos ng kasal mo, duh?"

Tinalo ni Kat ang pinakamagaling na wedding coordinator sa mundo. Siya na ata ang pinakamabilis na nakapag-arrange ng wedding. Hindi na kasi makapag-intay si Dale and neither am I. Besides, mabuti narin iyon since...

I'm pregnant.

I know, I know. I'm too young. But I think it's about time I think about my happiness first. And Dale is my happiness.

Hindi ko maiwasang hindi mapangiti ng maalala ko ang araw na sabihin ko kay Dale na buntis ako. Sa mismong araw din na iyon ay pinilit niya akong bumili ng mga gamit ng baby. Nag research na din siya ng school ng magiging anak namin. Advance, right? I know he's ecstatic and no one can doubt that once they see Dale's face whenever he talks about the baby.

"Dapat ikaw ang makasalo ng boquet ko mamaya ha? Para kayo naman ni PJ ang sunod na ikasal."

Nginisihan ko siya na kaagad ding nawala ng mapansin kong hindi siya sumagot sa sinabi ko. Kada kasi aasarin ko sila ni PJ lagi nilang itinatanggi na attracted sila sa isa't-isa.

"Wala akong pag-asa don. Ikaw ang maha-"

Nanglaki ang mga mata niya. Tinapan niya ang bibig niya. Kumunot ang noo ko. Anong ibig niyang sabihin.

"I don't understand..."

Alanganing ngumiti siya. "Wag mo na lang akong intindihin, Mishy. Medyo pagod lang siguro ako kaya kung ano-ano na ang nasasabi ko."

Tatanungin ko pa sana siya ng biglang may kumatok sa pintuan. Rumehistro ang lungkot sa mukha ni Kat bago nakangiting lumayo siya sa akin at naglakad papunta sa pinto. Binuksan niya iyon at bumungad sa amin si PJ. Tuloy-tuloy na lumabas si Kat ng hindi binabati si PJ.

"PJ?"

Ngumiti si PJ at lumapit sa akin. "You look beautiful, Mishy."

"Bolero. Wait. Diba dapat nasa simbahan ka na? At saka nag-away ba kayo ni Kat? Para kasing hindi kayo nagpapansinan."

"Wala naman kaming problema."

I doubt that.  Parang may kakaiba sa kanilang dalawa. Well, actually dati pang may kakaiba sa kanila. Mas lumala lang sila ngayon dahil imbis na mag-asaran ay hindi sila nag iimikan.

"I'm really happy for you."

Ngumiti ako. "Thank you, PJ. That really means a lot to me."

"Mishy..."

"Yes?"

""I just want to tell you something. Something that I decided before to hide from you. Pero naisip ko na kailangan kong sabihin sayo kesa buong buhay kong isipin na ano kaya ang maaring nangyari kung sakaling sinabi ko sa iyo."

"Kinakabahan naman ako sayo PJ. Ano ba kasi yon?"

"I love you, Mishy."

Napasinghap ako. Sunod-sunod na umiling ako na animo mabubura non ang narinig ko. Humakbang palapit sa akin si PJ dahilan para mapaatras ako.

No. This is impossible. Ni minsan hindi ko kinakitaan si PJ ng interes sa akin. Noon pa man close na kami but-

'Wala akong pag-asa don. Ikaw ang maha-'

Mahal? That's what Kat meant earlier. Ako ang dahilan kung bakit malungkot siya. Kung bakit iniiwasan niya si PJ. Bulag na lang ang hindi makakakita na may nararamdaman si Kat para kay PJ. But I never thought that I will be the cause of her pain.

"PJ..."

"Don't mishy....Don't be sad for me. Hindi ko to sinabi para manggulo. Gusto ko lang na malaman mo ang nararamdaman ko. I'm not asking for anything in return. For the last time I want to take a chance because maybe after this, I can finally move on."

"W-Why me?"

"I don't know, Mishy. I've been asking the same question over and over again. Basta ang alam ko, minahal na kita unang beses pa lang itang nakita. You're different from the others. You're a fighter. Kahit na ng mga panahong iyon ay kasalukuyan kang may tama ng bala dahil sa mission mo, nagawa mo parin akong ngitian at batiin. I don't know why of all people ikaw pa ang minahal ko when I know all along that you will never feel the same. I just fell for you. I just did, Mishy."

Huminga ako ng malalim at lumapit ako sa kaniya. Hinawakan ko ang mga kamay niya at naluluhang tumingin ako sa kaniya.

"You're a great person PJ. You deserve to be happy...but not with me. I'm in love with Dale. I'm bound to him. Mahalaga ka para sa akin but I'm not the woman meant for you. You will find her...I know you will."

Ngumiti si PJ at masuyong hinaplos ang pisngi ko. "Maybe."

She's right there beside you, PJ. Hindi mo lang siya nakikita dahil nakatuon ang atensyon mo sa akin. But soon I know you'll realize that she's the person that you will spend your life with. Soon, you'll both be happy. I'm sure of that.

BHO: His Secret Agent Pretend Wife (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon