CHAPTER 8

147K 3.1K 166
                                    

CHAPTER 8

NAGISING ako nang maramdaman ko ang paghigpit ng mga brasong nakapalibot sakin. 

Inaantok pa na napatingin ako sa clock na nasa bedside table. Ala-sais pa lang ng umaga. Sanay naman akong gumising ng maaga kaya lang, tatlong oras lang ang tulog ko.

I'm not used to sleeping with someone especially if that someone is a man. Idagdag pa na hindi kung sino lang ang katabi ko kung hindi si Dale na asawa ko 'kuno'. Ilang beses kong tinanggal ang mga braso niya sa katawan ko nang yumakap siya sa akin kagabi pero ibinabalik niya lang din yon kaya pinabayaan ko na lang siya.

My situation right now is frustrating and irritating and..exciting? No! Definitely not that. Just shut up brain.

Dahan-dahan kong inalis ang mga kamay ni Dale. Kinuha ko ang unan ko at inilagay sa tabi niya para may kayakap parin siya. Pumasok ako sa bathroom at nagsimulang maligo. I need to do some work anyway kaya mabuti nang nagising ako ng maaga. Alam kong makakakita ako dito ng impormasyon about kay Marga, after all, matagal rin naman silang nagkaron ng relasyon ni Dale. Kailangan ko lang kumilos agad hangga’t may pagkakataon ako.

Sabi kasi ni Mrs. Night nag-stay dito sa Marga nang mag live-in sila ni Dale. Ibig sabihin lang non may mga gamit pa siya dito. Hindi ko alam kung bakit pero parang kumukulo ang dugo ko kapag naiisip ko na ang kamang hinigaan ko kagabi ay ang kama rin na ginamit nila noon.

It doesn't mean anything. Contaminated lang kasi ang kamang yon kaya naiinis ako na doon ako kailangang humiga.

Tama, iyon nga ang dahilan.

I need to find any evidence against Marga dahil hindi din ako naniniwalang wala siyang kinalaman sa nangyari kay Dale. Kahit na ang plano ay paglayuin lang sila, part of my job is to find out the truth.

Nang matapos ako sa paliligo ay nagbihis na ako at pagkatapos ay lumabas na ng bathroom. Tulog na tulog parin si Dale. Kinuha ko ang cellphone ko at tahimik na lumabas ako ng kwarto. Habang naglalakad-lakad ay tinawagan ko si Kuya. He answered on the first ring.

"Hello, Mishy?"

"Hi, Kuya."

"How's the..amm..the.."

"What is it?"

"The honeymoon?" mahina ang pagkakasabi niya non kaya nag-isip pa ako kung ano ang sinasabi niya.

"Kuya!"

Naring kong napatawa siya sa kabilang linya. Alam ko namang alam niya na hindi ako papayag at basta-basta na lang susuko. Hindi ako titigil hanggat may alibi pa akong magagamit laban kay Dale. For now, I'm safe.

"Bakit ka nga pala napatawag?"

"I need to ask you something about Marga."

"Okay. I'm staying near her house by the way."

"Good. Pero nasaan ka ngayon, parang maingay?"

"HQ."

Napasimangot ako. Buti pa siya pwedeng umuwi sa BHO samantalang ako hindi ako basta-basta makakaalis. Unang-una hindi naman nagpapanggap si Kuya. Ako ang nasa mahirap na sitwasyon ngayon. I'm stuck in this place.

"So what do you want to know about her?" tanong niya sa akin. May pakiramdam ako na alam niya na in any moment magmamaktol na ako kapag hindi niya pa niligaw ang usapan.

"I just wanted to ask if naniniwala talaga kayong walang kinalaman si Marga sa bagong sindikato na itinatayo ng mga Smith. After all they're still her parents."

Saglit na tumahimik ang kabilang linya. Mukhang napaisip din si Kuya. Hinintay ko siyang sumagot.

"This is Poseidon, baby Mishy. You're on speaker."

BHO: His Secret Agent Pretend Wife (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon