Prologue

5.6K 32 8
                                    

Nakilala ko sya sa isang party. Kaibigan nya yung may birthday na si Marco na pinsan ng best friend kong si Kate. Gulo ba? For short sinama lang ako ni Kate sa condo ng pinsan nya para makiparty. Kailangan ko daw kasi lumabas ng kwarto ko paminsan-minsan. Kakabreak lang kasi namin ng boyfriend ko 4 months ago, at ngayong araw na ito dapat 2 years na kami.

Anyway, kwento namin ito ni Xian at hindi ng ex ko.

9:00 pm pa lang pero gusto ko ng umuwi. 4:00 pa lang ng hapon nandito na kami ni Kate para maghanda eh. Tinatamad na din kasi ako, wala talaga ako sa mood. Kaya nilapitan ko na si Kate "Uuwi na ako".

"Ano? Maaga pa. Pinagpaalam naman kita ah, tsaka pwede tayong magovernight dito, kinausap ko na si Marco" Sabi ni Kate sa akin.

"Nakalimutan kong may kailangan pa akong gawin" palusot ko sa kanya.

"Anong kailangang gawin? Bakasyon kaya" Okay, hindi ako nakalusot kay Kate. Umupo na lang ako at uminom magisa sa isang lamesa. Umalis si Kate para ihatid yung mga bata nyang pinsan sa bahay nila. At yung bahay nila, malayo dito. At sure ako na traffic pa.

Hindi ko mahanap yung bag ko, uuwi na dapat ako. Cellphone lang yung nasa bulsa ko, walang wallet, wala kahit pamasahe. Tinext ko si Kate. "Anong oras ka naman makakabalik dito? Nasaan yung bag ko? Uuwi na ako"

Hindi sya nagrereply. Malamang busy sa pagddrive. Hinanap ko si Marco para magpaalam. Magtataxi na lang ako at nanay ko na lang pagbabayarin ko pagdating ko sa bahay.

Nung makita ko si Marco, may kausap syang matangkad na lalake, maputi pero hindi ko makita yung mukha dahil bukod sa nakadim yung mga ilaw, nakatalikod sya. Tinawag ko si Marco at nilapit sya "Marco!" Pero mukhang busy sya kaya bumalik na lang ako sa kinauupuan ko kanina.

Lumingon yung lalakeng kausap nya. At doon ko nakita ang pinaka gwapong lalake sa buong buhay ko, si Xian Lim.

Nung una nakatingin lang ako sa kanya dahil sobrang gwapo nya sa personal. Sa T.V. ko lang naman sya nakikita. Ngayon napapatulala na ako. Hindi ko inaasahan na makakakita ako ng lalaking ganito kagwapo.

Ang daming babaeng nagpapapicture sa kanya. Kasi naman, minsan ka lang naman makakita ng ganyang tao, sulitin mo na. Pero hindi ako ganong klase ng tao. Ayoko ng makipagsiksiksan sa iba lalo na't may na-una na sa akin. Ayoko din kasing gawin sa akin yun.

Napansin kong napapalingon sya sa akin, siguro napapansin na rin nyang grabe ako makatingin sa kanya. Kapag napapatingin sya sa akin, iniiwas ko na lang yung tingin ko. Tingin ko naman sanay na sya sa ganito, artista sya ehh. Kahit siguro nung hindi pa sya artista, sa gwapo ba namang yun talagang madaming babae ang mapapalingon sa kanya.

Hindi nagtagal lumapit sya sa akin. "Miss? Kanina pa kasi kita napapansin na nakatingin sa akin. Ako nga pala si Xian Lim". Sabay abot ng kamay nya para makipagshake hands.

 "Andi." Sabi ko, at nakipagshakehands din ako. Minsan lang to ehh at sya yung lumapit sa akin. Kaya lulubusin ko na.

"Oo, ako si Andy Wu sa My Binondo Girl" Sabi nya sa akin.

Napangiti ako at naalala, "Oo nga pala no, Andy yung pangalan mo doon"

Nakatingin sya sa akin na nagtataka at umupo sa tabi ko. "Anong pangalan mo?"

Doon pa lang feeling ko ang haba ng hair ko. Ilan lang ba ang babaeng tinanungan ng pangalan ng isang Xian Lim. "I'm Andrea Robles. Andi for short"

Napangiti sya sa sinabi ko na may halong gulat "Ahh! Andi. Kaya pala." Natawa sya, at hindi mo maikakaila na ang cute ng tawa nya. "Hi Andi, bakit magisa ka lang dito?"

"Iniwan ako ng best friend ko para maghatid sa mga pinsan nyang bata. Kanina ko pa nga gustong umuwi kaso dinala nya yung wallet at bag ko" Pagpapaawa ko sa kanya. 

"Ganon ba? Gusto mo samahan na kita? Ihahatid kita sa bahay nyo?" Alok nya sa akin.

"Weh? Nakakahiya. Wag na. Hihintayin ko na lang si Kate." After 4 months, ngayon lang ako kinilig ng ganito.

Itutuloy

My Famous BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon