Chapter 6: Faith or Fate?

1.2K 11 7
                                    

Tatlong araw na pero hindi man lang sya nnagpaparamdam sa akin. Sa tatlong araw at gabing yun, wala akong ibang inisip kung hindi sya. Hindi makatulog, hindi makakaen. Wala namang balita sa kanya. Alam ko namang busy sya, pero kahit isang text lang wala. Hindi ko din naman alam yung number nya. Hindi ko na kinuha kasi nahihiya na ako sa kanya. Nakakainis naman. Siguro pang isang araw lang talaga yun. Wala akong sinabihan tungkol sa nangyari. Wala din naman akong proweba. Yung pictures namin nasa kanya lahat. Sayang, hindi man lang ako nakakuha ng kahit isang remembrance.

"Anak? May problema ka ba?" Bigla na lang dumating yung nanay ko sa kwarto ko. "Hindi ka kasi kumakaen ng ayos simula kahapon. May sakit ka ba Andrea?"

"Wala ma. Naiinis lang ako" Nakasimangot akong kausap yung nanay ko.

"Naiinis saan? Nung isang araw lang umuwi kang masayang masaya tapos ngayon naiinis ka naman" Dahan-dahan syang umupo sa tabi ko sa kama at humiga na din.

Hindi ko alam kung sasabihin ko sa kanya yung mga nangyari. Pero kung hindi ako magtatanong sa kanya, kanino pa? Kay Kate? "Ma? Sa tingin mo ba posibleng ma-in love ang isang artista sa isang normal na tao?" Hindi ko alam kung bakit, pero yan ang naitanong ko.

Mabilis na sumagot ang nanay ko, "normal? Normal din naman sila. Swinerte nga lang. Pero kaya mo din namang bilhin yung mga nabibili nila at makapunta sa mga lugar na napupuntahan nila. Bakit anak?"

"Naalala mo pa ba yung nakita natin sa TV na gwapong artista? Yung sabi mo gusto mong makita sa personal para lang tignan kung gwapo talaga sya. Tapos sabi ko sayo, kapag nakita ko sya yayakapin ko sya tapos kapag ako yung tinanong nya na maging girl friend nya sasagot ako ng oo agad"

"Si Xian Lim? Gwapo naman daw talaga sya" Pareho kaming nakatingin sa kisame ng kwarto ko. Iniisip ko kung ano pang sasabihin ko. Ayoko na din sanang pag-usapan, pero bigla nanaman syang nagsalita "Anak, kung maiinlove ka ulit, pag-isipan mong mabuti ha. Nakita na kitang nasaktan noon, madaming nangyari. Alam mo naman yung mga bagay na makakabuti sayo diba? At alam kong alam mo din yung mga bagay na nakakasakit sayo. Normal ang masaktan, lahat tayo dumadaan dyan. Ang hindi normal, yung umasa ka sa isang bagay na alam mong hindi totoo kahit na sinabi nya"

Tama sya, lahat ng sinabi nya. Kasalanan ba ang umasa kung hindi mo alam na niloloko ka? Kasi hindi ko alam ngayon kung ano yung totoo. Hindi ko alam ang isasagot ko sa mama ko. Naisip ko si papa. Siguro kaya nasabi ni mama yun dahil kay papa at hindi dahil sa exboyfriend ko. Kaya natanong ko sya "ma? May pinaghuhugutan ka ba?"

Hindi ko alam kung bakit pero natawa lang sa akin si mama. Tumayo sya sa kama at sinabi "Andrea, gusto ko maging masaya ka. Naging masaya naman kami ng papa mo, pero kung nasaan man sya ngayon, alam naman nating masaya sya, diba? Wag kang magmadali tulad ng ginawa ko, anak. Lahat ng bagay na gusto natin, dumadating sa takdang panahon. Matulog ka na anak. Malay mo, paggising mo, isa sa mga hiling mo magkatotoo na"

Napa-upo ako sa kama ko. Dati masaya yung pamilya namin. Dati hindi lang kami ni mama yung magkasama. Nakita ko ding nasaktan ang mama ko, mas madaming nangyari. "Ma?"

Bago pa sya makalabas ng kwarto, lumingon sya sa akin "Ano yun, anak?"

Wag na lang pala. Sasabihin ko din sana na ayoko din syang nakikitang nasasaktan pero parang awkward naman ata no? Kaya maggood night na lang ako. Tumayo ako sa kama ko at niyakap ko sya "Good night, mama. Thank you sa lahat. I love you!" Hindi katulad sa ibang pamilya, normal sa akin  na magsabi ng I love kay mama. Gusto ko kasing maramdaman at malaman nya na may nagmamahal pa din sa kanya.

"I love you too, anak. Matulog ka na ha. Late na masyado. Paano ka liligawan ni Xian Lim kung mukha kang lola? Good night na anak"

Si Xian...

Sinara na ni mama yung pinto. Kinuha ko yung laptop ko at bumalik na sa kama. Mag-oonline lang ako para magpaantok. At syempre, titignan kung may update kay Xian kung saan man. Wala, wala kahit saan. Hanggang sa antukin na ako. "Bukas", sabi ko sa sarili ko, yun din sabi ni mama sa akin e. "Bahala na paggising ko"

--------------------------------------------------------------------------------------------

Naggising ako na medyo malungkot. Kinuha ko ulit yung laptop ko, wala pa din. Hindi man lang sya magupdate. Kinuha ko yung cellphone ko. "Voice message from an unknown number?" Syempre napapaisip na ako. Binuksan ko yung voice message...

"Miss? Alam kong bagong gising ka, pero pagod ka na ba? Ilang araw ka na kasing tumatakbo sa isip ko" Sabi nya. Syempre kilig na kilig ako. Maikakaila ko pa ba? Halos hindi ako makapagisip. May kasunod pa, "Miss? Basketball ka ba? Kasi naglaro ako nung isang araw, namiss kita"

Kilig na kilig na to the highest level na talaga. Nasabi ko na lang sa sarili ko "Miss na miss na din kita , Xian"

"Ito last na. Hm? Miss? si Andi ka ba? Andi-watang nagpatibok ng puso ko. Ayiie. Hi Andi, it's me, Xian. Sorry I haven't called or messaged you. I was busy. I'm really sorry. Promise babawi ako if my schedule will allow me, or else I'll just do something about it. Hm? From the last time, Tagaytay and Enchanted Kingdom, thank you for everything, Andi. I never felt that so much happiness. I hope you're fine and don't worry about me, okay? Good morning, Miss gumising sa natutulog kong puso"

:">

Itutuloy...

My Famous BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon