Chapter 2: Unexpected

1.3K 12 4
                                    

Sinundo ako ni Kate sa bahay para lang magpasama sya maglunch. Hula ko, nagbreak nanaman sila ng boyfriend nya.

"Anong order mo, Andi? Don't worry, this is my treat" Tama nga ako. Nanlilibre lang kasi sya kapag heartbroken sya. For short, gusto nya lang ng kasama.

"Hm? Lasagna na lang sa akin tsaka oriental salad"

Nakangiti si Kate. Weird, broken hearted na nakangiti? "Totoo bang pinagayos mo ng kwarto si Marco?"

"Madaldal din pala yung pinsan mo no?" Nakakahiya naman kung sasabihin ko ng diretso na oo, si Marco naglinis ng kwarto ko. Pero hindi nya pa din nakita yung bag na hinahanap ko. Baka naiwan ko sa taxi nung umuwi ako nung gabi ng party nya.

"Sorry guys, I'm late!" Isang lalake ang nagsalita galing sa likod ko.

"O, andito ka na pala, tagal mo ah" Sabi ni Kate. "Andi si Xian" Dikit na dikit si Kate sa kanya. Sya ba yung bagong boyfriend ni Kate? Nakakainis naman. Palagi na lang ako napapangunahan ng best friend ko. At ang malala pa sa lahat, yung dream boy ko pa.

Sumikip yung dibdib ko, gusto ko ng umuwi. "Ah, Kate? Pacancel na lang yung order ko. Hindi mo naman sinabing may date ka pala"

Nagtinginan silang dalawa, at sabay na tumawa.

"Anong Date?" Tanong sa akin ni Kate.

"Andi, you left your bag on my car. Sorry I didn't returned it agad, I was busy kasi eh. And I want to return it personally. So here. This is not a date with Kate"

This is not a date with Kate. Pero, yung bag ko? Nasa kanya? Akala ko ba si Marco yung naghatid sa akin? "Wait, sa car mo yung bag ko?"

"I knew you wouldn't remember anything. Lasing na lasing ka nun. Nakwento mo pa nga sa akin yung about sa ex-boyfriend mo..."

"Oh, my God. I did?" Nakakahiya. So totoo ang panaginip kong may kasama akong gwapo? At take note, artista.

"Sorry" yun na lang nasabi nya. Sabay tingin kay Kate.

Clue na ata ni Kate yun, "ahm? Sige, maiwan ko na kayo. May date pa kami ng boyfriend ko. Bye guys. Andi.." Sabay gesture na parang kinikilig sya.

"So, yung about doon,sorry" Sabi nya sincere. Pero sorry para saan?

"Sorry saan?"

"You really don't remember anything, no?" Nakangiti lang sya sa akin, "hm? I'll give you some time to try and remember it"

"Oh no! Did I? Did we? Shit!" Alam nyo na kung anong iniisip ko. Panata ko sa sarili ko na hindi ako makikipag you-know-what maliban sa asawa ko.

"Haha! You're really funny. That is something you retain when you're drunk. Haha." Napahiya ako doon ahh. "Your face is red, ang cute. Lalo kang gumaganda kapag namumula yung mukha mo"

Is this real life? So it doesn't matter kung mamula ako ngayon dahil kinikilig ako, napahiya na ako ehh. "Sorry, nakakahiya"

"Anyway" He's still smiling "I just told you na hindi ko kasi maibalik agad yung bag mo diba? Kaya I'm saying sorry"

"Ahh, sorry naman ah" Wala akong ibang maisip sabihin.

Nagiisip sya. Ano kayang nasa isip ng isang Xian Lim? "Hm? Waiter?"

"Order sir?" Tanong ng waiter.

"Oh, no. Patake out na lang ng order nya and here" inabot ang credit card "may emergency call kasi kaya we have to go. Pasensya na ah"

"Ah, naiintindihan naman po namin Andy" sabi ng waiter. Ngumiti lang sya sa akin.

"what's your plan?" tanong ko sa kanya.

"What's on your head right now? I mean, is there a place you want to to go, to do? Just tell me"

Actually wala, gusto ko lang matulog. "Anything, your choice"

"I know, I shouldn't have asked you. That was so ungentleman. I actually have a plan already" Ngiti nya ngayon parang pangasar. Pero ang gwapo talaga. "Let's go?" Nakita nya na kasing parating yung ipinatake-out.

"Okay" Nakakapagtaka. For someone so famous like him, going out with some average college girl like me?

Itutuloy ... 

My Famous BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon