Chapter 4: The Surprise

1.5K 12 3
                                    

"Aside from the things you said and I knew about you when you were drunk, I want to know you more. Yung aware ka naman na." Nakaupo kami sa isang picnik blanket sa ilalim ng puno. Habang kumakaen ng pagkaeng tinake out ko sa restaurant kanina at yung ibang hinanda nya para sa picnik namin.

Ngumiti ako sa kanya, gusto ko din syang makilala. Wala akong kaibaigang artista, sya lang. Magkaibigan na kami ngayon kahit papaano. Tinanong ko sya "Ano-ano ba yung mga alam mo na tungkol sa akin?"

Parang natawa pa sya sa tanong ko. "Well, actually that's all I know about you. Nothing else aside from your name, where you live, your favorite song, your exboyfriend, you like lasagna and oriental salad. Oh, and that you are easily distracted kapag gwapo yung kausap mo"

Natawa ako at napahinto agad dahil nakatingin sya sa akin. "Wag ka ngang tumingin ng ganyan. Sige ka, baka mainlove na ako sayo nyan"

"And that you don't want to be complimented. But I just can't help complementing you. You're amazing Andi and I really want to know you better" Nakatingin lang sya sa akin. Hindi ko nanaman alam ang sasabihin ko kasi sabihin ba naman sayo ng isa sa pinaka gwapong artista na gusto ka nyang makilala, compliment na yun diba? "Okay, sorry for the compliment. Pero I think kailangan mo ng masanay"

"Xian, I really like you. Sino ba namang hindi magkakagusto sayo, ang gentleman mo, gwapo pa, talented pa. Eh ako? Iniwan ako ng boyfriend ko para sa ibang babae, hindi pang-artista yung ganda ko, pangsimpleng tao lang. Wala pa akong talent na maipagmamalaki ko. Tsaka.." 

"Andi, I like you, too. From the first time I saw you at Marco's party. Napansin na kita. I am a happy person and meeting you was a challenge. I want to make you happy. But loving you isn't a challenge. Hindi ka mahirap mahalin, Andi. You're different from the other girls I know." Sa puntong yun, gusto kong maniwalang may lalake pa sa mundong hindi manloloko.

"Gusto kong makilala ka pa Xian, gusto ko ding makilala mo ako." Pero handa na ba talaga akong mainlove ulit? Artista sya, madaming magandang babae ang nakapaligid sa kanya. Ano ba namang laban ko sa kanila? Sa pagkakataong to, ako yung binibigyan ng chance para may mapatunayan sa kanya. Ewan ko, ayokong umasa sa ganito, mahirap.

"If you're worrying about my work.."

"No" Nabigla din ako sa sinabi ko.

"No?" Patanong nyang inulit yung sagot ko. "I was just about to say that you don't have to worry about it. Are you okay Andi?"

"Okay lang ako, Xian. Salamat pala." Sabagay, ano nga bang aalalahanin ko, magkaibigan lang naman kami, diba?

Nakangiti nanaman sya. Ibang klase talaga sya. Isang ngiti nya lang nakakabago na sya ng mood. "Wait, I have a surprise for you" Kinuha nya yung gitara nya

"Don't tell me pinagaralan mo pa yung chords ng favorite song ko?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Hm? Good idea but I'm sorry if this isn't your favorite song but I hope you'll like it."

At sinimulan nya na. Intro pa lang alam na agad yung kanta. One less lonely girl ni Justin Bieber. Yan lang yung kanta na gusto ko ni Justin Bieber. At isa yan sa mga signs na ginawa ko noon, para sa true love ko. Sa cellphone ko nakasave yung list ng 6 signs at sure akong hindi nya alam to. Maliban na lang kung hindi nya sinabi sa akin na sinabi ko yun sa kanya nung lasing sya.

Tumigil sya sa paggitara at pagkanta at nalungkot yung mukha nya, parang nagtatampo. "Hindi ka naman ata nakikinig eh"

"Sorry, may naalala lang ako. Tuloy mo lang" Nakangiti na ako ulit sa kanya. Sana magawa ko din sa kanya na isang ngiti lang ay magiging masaya na ulit sya.

"May problema ba sa kanta ko? Panget ba boses ko?" Tanong nya sa akin sa pinaka malungkot nyang boses.

Nakangiti pa din ako ulit sa kanya, "hindi, alam mo ba, yang One Less Lonely Girl lang yung gusto kong kanta ni Justin Bieber?"

Nakangiti na sya ulit, "Talaga? So makinig ka na ah" Tinuloy nya yung pagkanta at paggitara. At ng matapos, hinawakan nya ulit yung kamay ko, "Andi, I don't need other pretty faces like I need you, and when you're mine in the world, there's gonna be one less lonely girl. I can fix up your broken heart, I can bring you a brand new start. I can make you believe I just wanna set one girl free to fall with me. My heart's locked and nowhere that I got the key, I'll take her and leave the world with one less lonely girl" Ng matapos syang magsalita, kumindat nanaman sya.

"Hindi naman kailangan magmemorize ng kanta eh" Habang tinutula nya yung lyrics ng kanta natatawa ako sa kanya. Pero sweet sya. Hindi lang yung ginawa nya, pati na din yung message ng kanta. First sign, check! Pero aasa ba ako sa signs? Hindi telenovela ang buhay ko pero sa ngayon, yung mga signs lang na yun yung pinagkakatiwalaan ko.

Dalawang oras palang kami dito, 4pm pa lang pero kailangan na namin umalis kasi dumadami na yung taong lumalapit sa kanya at nagpapapicture, at naiilang ako. Kaya habang busy sya nagliligpit na ako.

Pagbalik nya sa picnik table namin, naayos ko na halos lahat. "Bakit nagligpit ka na?" Tanong nya sa akin.

"Kasi ang daming nagpapaautograph at nagpapapicture sayo. Kailangan na natin siguro umalis?" Tanong ko din sa kanya.

Mukhang nag-iisip sya. "Sige, kung yung sa tingin mo okay, pero maaga pa. Ah, alam ko na"

"Anong plano mo? Ayoko ng secret at wag mo na akong isurprise, please?" Sabi ko sa kanya.

"Masanay ka na, Andi" Bumalik na kami sa kotse nya. Pero wala pa din tigil yung mga taong lumalapit sa kanya. Nagmadali ako pumunta sa kotse at naghintay na lang. Sumunod naman sya agad.

"Ang hirap naman magkaroon ng kaibigang artista, napapagiwanan ako" Sabi ko sa kanya ng pabiro.

"Hindi naman palaging ganito, siguro ngayon lang kasi madami talagang tao. So tara na?" Binuksan nya ulit yung pinto ng kotse nya para sa akin.

"Salamat" sabi ko sa kanya.

"Hindi mo naman kailanganmagpasalamat palagi eh, gusto kong gawin to para sayo, Andi"

Itutuloy..

My Famous BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon