Chapter 13: Comparison

351 10 1
                                    

Matagal na din akong hindi nakapag-outing kasama yung mga kaibigan ko. Nakakamiss talaga yung high school. Nakakamiss yung kulitan at kalokohan.

"Tsaka yung nagcamping tayo!"

"Tsaka field trip sa Enchanted Kingdom!!"

"Bakit nga ba tayo nagfield trip sa Enchanted Kingdom?"

"Pero mas masarap yung ganito! Nasa may beach tapos bonfire kasama ang barkada! Kahit may kulang, naiintindihan naman natin kung bakit, diba?"

Masarap balikbalikan yung nakaraan. Pero hindi lahat.

Hindi lahat gugustuhin ko pang maalala. Kahit gaano ako kasaya na kasama ko si Xian, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko kapag nakita ko yung taong nanakit sa akin dati. Yun yung isang bagay na ayoko nang balik-balikan. Kung kaya ko langna kalimutan na lahat, na burahin lahat sa utak ko, matagal ko ng ginawa.

"Anong ginagawa ng lalakeng yan dito?" Narinig ko si Kate na sumisigaw sa loob ng bahay na tutulugan namin. Parang may kaaway ata sya.

"Sandali, pupuntahan ko lang si Kate. Dyan lang kayo" sabi ko sa kanila.

Pumasok ako sa bahay at nilapitan si Kate kausap si Andrew, kasama nya si.. Ethan.

"Andi? Andi, namiss kita" humakbang palapit sa akin si Ethan at humakbang ako palayo sa kanya.

"Kita mo na, Andrew! Hindi magandang idea na pinapunta mo sya dito. Alam mo naman diba?" Kitang kita ko yung galit ni Kate kay Andrew ngayon. "At ikaw naman Ethan? Kung may balak ka man wag mo ng ituloy kasi masaya na si Andi. May bago na syang boyfriend na hinding-hindi maikukumpara sayo"

Kung may gusto man akong balikan sa nakaaran ko, yun yung sana tinapos ko to ng maayos noon palang. Pero paano? Nagtiwala lang naman ako.

"Kate, akala ko okay na. Tulad ng sabi mo, okay na si Andrea, masaya na sya, may bago syang boyfriend. Aong masama kung andito si Ethan?" Pagtanggol ni Andrew sa sarili nya.

"Okay lang, aalis na lang ako" sabi ni Ethan.

"Dapat lang!" Sigaw ni Kate.

Hindi ganito yung naisip kong mangyayari sa pagkikita namin ulit ni Ethan. Hindi ko nararamdaman na nasasaktan ako. Hindi na ako galit sa ginawa nya. Hindi ako naiiyak. Tama sila, masaya na ako.

"Paumanhin sa inyo pero.." Pumasok yung care taker ng bahay. Akala ko dahil sa nagsisigawan "may gustong tumingin ng bahay"

Si Xian. Andito si Xian. Gusto kong tumakbo sa kanya at yakapin sya. Hindi ko alam kung bakit sya nandito pero masaya ako.

Tignan nya ako at ngumiti, "ikaw ba si Ethan?" Tanong nya sa lalaking kausap ni Kate. "Xian Lim nga pala" sabay abot ng kamay nya at nakipagshake hands sya. Hindi nagsalita si Ethan.

"And you are?" Tanong nya kay Andrew.

"Andrew" sagot nya. Bumulong sya kay Ethan, "kilala ka nya?" Umiling lang si Ethan dahil hindi nya din alam ang nangyayari.

"Are you, okay?" Tanong sa akin ni Xian. Hindi ako sumagot.

Masaya ako na andito sya pero naiinis ako kasi bigla-bigla na lang syang nagpapakita at sinabihan na sya ng hindi pwede.

"Ah, minsan lang kasi makakita ng artista yan" pasingit na sabi ni Andrew

Tumingin si Xian kay Andrew, "really?" Tapos tumingin sya ulit sa akin. Tinignan ko lang sya ng masama. Hindi ko alam kung dapat ba kong magsalita. Himala din namang hindi nagsasalita si Kate. Pareho ata kami g nagulat sa pagpunta nya dito. "So?" Patanong nyang sinabi sa akin na parang hinihintay akong magsalita.

Huminga ako ng malalim at napaikit sabay sabing, "anong ginagawa mo dito si, Xian?"

Nagulat ata si Andrew sa sinabi ko. "Close kayo? Kanina lang kinukumpara mo yung boyfriend mong kapangalan nya sa kotse ha!"

Nainis na siguro talaga si Kate sa kanya, "Andrew ano ba!? Anong gagawin ni Xian dito ng 11 ng gabi? Mag-isip ka nga! Si Xian Lim yung totoong boyfriend ni Andi! Yung kanina sa kotse, gawagawa lang namin yun kasi ayaw nyang pasabi!"

Natawa si Xian sa sinabi ni Kate. "Hi Kate! Long time no see, ha"

"Sorry, ganito pa naabutan mo" nahihiya na siguro si Kate kay Xian ngayon.

"So, minsan ka lang makakita ng artista?" Palapit sa akin si Xian habang kinakausap ako. "I'm sorry. Simula ngayon babawi na ako sayo"

Hindi umiimik si Ethan. Si Andrew lang naman yung makulit. "Totoo ba to? Teka tatawagin ko sila"

"Wag!" Sigaw ni Kate kay Andrew. "Andrew, ano ba? Ganyan ka na ba katanga?"

"Anong ginagawa mo dito?" Tinanong ko ulit sya. Nakatayo na sya sa harap ko.

"I was on the way naman and I texted Kate kung saan yung exact location nyo. So, here I am! I missed you, babe!" Sabay yakap sa akin. Niyakap ko din sya. Sa kanya ako naiyak. "O, you're crying again. I'm sorry"

"Thank you. Thank you kasi dumating ka. Narealize ko na sobra mo kong natulungan. I love you"

"I love you, too, Andi. Tahan na"

"Xian?" Lumait si Kate sa amin, "as much as gusto kong andito si Andi, pwede mo ba syang iuwi na? Alam mo na, si Ethan andito. Si Andrew makulit"

"You know what, Kate, feeling ko magkakatuluyan kayo nyang Andrew na yan" ngumiti sya na parang inaasar talaga si Kate.

"No, Xian. Anyway, Andi, sorry. Hindi ko alam na magiging ganito"

"Okay lang, Kate. Uuwi na lang ako. Mas okay pa nga siguro. Ayusin ko lang gamit ko tapos aalis na kami"

"Seryoso ba to? Kailangan malaman ng buong barkada to" hindi pa din makapaniwala si Andrew sa nakikita nya.

"Andrew, tama na. Hayaan mo na sila. Aalis naman na din sila" at nagsalita ulit si Ethan.

"Next time na lang ha" sabi ko kay Kate and Andrew. "Paki-explain na lang sa iba"

"And, you don't have to lie to them. Tell them the truth I was here at sinundo ko si Andi"

"Hindi mo ko sinundo, pinauwi ako ni Kate" sabi ko kay Xian.

Nagpaalam na kami. Sumakay na ko sa kotse ni Xian habang nilalagay nya yung gamit ko sa trunk ng kotse nya.

"Si Xian Lim!!!" Narinig kong may sumigaw galing sa beach house. Sila Gela ata at Beth yun.

Pumasok agad si Xian sa kotse, "let's go!"

"Ikaw lang naman yung hinihintay ko eh" sabi ko sa kanya.

Mahabang byahe nanaman pabalik ng Manila. Pero okay lang kasi si Xian naman yung kasama ko. Yung lalakeng nagpapasaya sa akin. Yung lalakeng dahilan kung bakit ako umiiyak hindi dahil napalungkot nya ko.

Author's note: Sorry that I have to put this on hold but I promise to continue this. I just need more inspiration writing this. I realized this past few months na nagiging lame yung story. But I'll be back on this soon. Thank you guys! And I love you all so much!

My Famous BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon