Chapter 15: One of the Reasons

305 5 7
                                    

"Nasaan tayo?" tinanong ko sya pagpasok sa bahay.

"Ito yung favorite hiding place ko"

"Hiding place?"

Ngumiti lang sya sakin. Ito yung ngiti na gustong gusto kong nakikita sa kanya. "Yup! Kapag may problema, kapag gusto kong mag-isip, kapag punung-puno na ko sa mundo tapos hindi ko na alam gagawin ko, o kapag gusto ko lang mag-isa tapos tahimik, dito ako pumupunta. Dito din ako pumupunta kapag ayokong may makakita sakin na umiiyak"

"Ah. So, bakit tayo andito? Bakit mo ko sinama dito?"

Niyakap nya ako bigla. "I love you, Andi"

Hindi ko alam kung bakit pero nabigla ako sa ginawa nya. Palagi naman nyang sinasabi na mahal nya ko. Nagui-guilty tuloy ako na umiyak ako. Alam ko na mahal nya ko.

Niyakap ko sya ng mahigpit. "I love you too, Xian". Pinipigilan kong umiyak ulit kasi walang dahilan para doon.

Habang yakap nya pa din ako, nagsalita ulit sya, "Madaming rason para umiyak. Pwedeng nasasaktan ka, pwedeng masaya ka, pwedeng natatakot ka, pwede ding hindi mo na kaya. Hindi kita tatanungin kung bakit ka umiiyak. Basta sana alam mong madaming rason para mahalin kita. Ayokong makita ka kung paano kita nakita nung unang beses na nakilala kita. Mahal na mahal kita Alex. Hindi ko hahayaan na masaktan ka ulit"

Naiiyak nanaman ako pero ngayon may rason na. Masaya ako na marinig sa kanya yung mga sinabi nya ngayon. Masaya ako kasi sa dami-dami ng taong pwedeng magmahal sakin, sya yung binigay sa akin.

"Mamahalin kita sa paraang alam ko. Alam mong hinding-hindi kita kayang saktan. Kung isang araw magkaroon ng rason para masaktan kita, tandaan mo na may mga bagay na hindi ko kontrolado. Alex, kaya natin to" Niyakap nya ko ng mas mahigpit.

May mali. Ngayon alam kong may mali. Hindi kami, pero tungkol sa aming dalawa. "Hindi kita tatanungin kung anong problema o kung bakit mo ko dinala dito. May tiwala ako sayo at alam ko kung ano man to, kaya natin to"

"Thank you. Thank you for everything"

Kung ano man tong problemang to, hindi ko pa alam pero natatakot na ako.

----------------------

"O sige, dito na lang ako sa sahig" kanina pa namin pinagtatalunan kung saan sya matutulog.

"Xian, hindi naman kailangan. Matutulog lang naman tayo. Masyado kang gentleman. Bakit ba ayaw mo kong tabihan?"

"It's not time yet and I respect you and your mom. Intindihin mo na lang please, Andi? Hm? Ayaw mo ko sa sala, e di dito nga ako sahig na lang"

"Sige ka, kapag dyan ka natulog, sa sala ako matutulog"

Tinawanan nya lang ako sabay sabing, "kaya mo ba? Madalim na doon ngayon. Alam mo ba kung nasaan yung switch ng ilaw? Malamok pa doon. Tsaka may multo..."

"Xian!!! Tama na. Lalo mo kong tinatakot e"

"Ang cute mo pag natatakot ka. Kaya mahal kita e" hinalikan nya ko sa labi at inayos yung higaan nya sa tabi ng kama. "Good night, babe" at humiga na sya.

Humiga na din ako. Masyadong malaki yung kama para sa akin pero naappreciate ko na nirerespeto ako ni Xian. Isa sa mga rason kung bakit mahal ko sya.

Nahihirapan akong matulog dito. Sinilip ko si Xian. "Andi? Babe? Bakit gising ka pa?"

"Namamahay? Inaantok na talaga ako pero hindi ako makatulog. Ikaw, bakit gising ka pa?"

"Iniisip kasi kita e. Iniisip ko kung okay lang. Kung masarap tulog mo"

"Kaya siguro hindi ako makatulog"

"Akin na kamay mo" inabot ko sa kanya yung kamay ko na malapit sa kanya, "paggising mo, hawak mo pa din kamay ko. Matulog ka na ha"

Sa mga simpleng bagay katulad nito, sobrang napapasaya nya ako.

"Good night, babe" sabi ko sa kanya.

"Good night, babe. Even in your dreams, always remember that I love you so much"

a/n: I'm trying to make each chapter longer but it's hard updating on mobile. But I tried. Also, shoutout to wattpad user kx_eya for power liking all the chapters. Also, guys talk to me please. I need feedbacks on how I'm going to make this better pa. Reach me in however you could (indicated on my bio). I love you guys. If you're still here with me and reading this, THANK YOU SO MUCH!!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 20, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Famous BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon