Chapter 8: 6 Months Later

545 8 3
                                    

Matagal-tagal na din kaming magkakilala ni Xian. Espesyal sya sa akin at ramdam ko din namang espesyal ako sa kanya. Masasabi kong kahit paano nakilala ko na sya base sa mga sinasabi nya sa akin, pero hindi ko alam kung ganon ko na ba talaga sya kakilala.

Kahit minsan, hindi nya pinaramdam sa akin na hindi ako nag-iisa. At sana naipapakita ko din sa kanya na ganon din ako para sa kanya. Pero sobrang layo ng estado ng buhay naming dalawa. Sikat sya at ako, simpleng estudyante lang. Pareho kaming busy araw-araw. Minsan na lang din kaming magkita. Pero alam ko sa sarili ko na may isang taong andyan kapag malungkot ako. Kahit na minsan, sya yung dahilan kung bakit ako nalulungkot kasi hindi ko sya nakikita.

Pero isang tawag or message nya lang. Nagbabago na ang lahat.

Hanggang ngayon nagtataka pa din ako kung paano naging ganito ang buhay ko.

"Hindi ka pa nililigawan ni Xian sa lagay na yan? Yung totoo, manhid ka ba?" Kumakaen kami ni Kate ng lunch dahil dinalaw nya ako sa school. "Alam mo, Andi, medyo matagal na ding pasweet-sweet sa'yo yang si...."

"Shhhh!! Baka may makarinig sa'yo!" Dali kong sinabi kay Kate bago pa nya masabi ang pangalan ni Xian.

"O bakit? Kinakahiya ka pa din ba nya?" Tanong nya sa akin.

Nagulat ako sa tanong nya. "Hindi naman sa ganon. Baka kasi umaasa lang ako sa wala. Alam mo naman na gusto ko sya, maging artista man sya o hindi gusto ko sya. At alam nya din yun. Pero ayan, artista nga sya. Mas madaming bagay yung kailangan nyang unahin. At hindi ako kasama doon. Tanggap ko na yun. May priority sya. Ganon din ako." Sa totoo lang, hindi ko alam kung tama ba yung mga sinabi ko. Hindi ko na din naisip. Pero madalas yan yung mga bagay na nararamdaman ko.

Natahimik si Kate sandali. Ramdam ko na iniisip nya kung ano yung mga sunod nyang sasabihin sa akin. At ako, naghahanda lang kung ano man ang sabihin nya.

Tahimik pa din si Kate. Kaya nagsalita na ako. "Hindi naman kailangang nasa isang relasyon kayo para maparamdam mong mahal mo yung isang tao. Nag-eeffort naman sya diba? Nakikita naman natin kung gaano nya kamahal yung trabaho nya"

Hindi pa ako tapos sa mga sinasabi ko, nagsalita na ulit si Kate, "Eh diba sinabi nya din na mahal ka nya?" Hindi ako umimik. Ayoko na lang magreact.

Kailangan ko na din bumalik sa klase ko. Kaya nagpaalam na ako kay Kate para bumalik sa school.

Sa loob ng school, habang naglalakad ako papuntang classroom ko. May nakita akong mga estudyanteng nagkukumpulan sa may canteen. Hindi ko pinansin at dumiretso na lang ako sa classroom.

Halos walang tao sa classroom, puro yung mga lalakeng classmates lang namin. Tinanong ako ng isang classmate kong lalake kung bakit ako nasa classroom, "Diba may klase tayo?"

"Oo, pero si Xian Lim andoon sa canteen. Hindi mo ba nakita?" Si Xian??? Anong ginagawa nya dito? "Andoon nga yung prof natin eh. Papapicture daw sya kay Xian"

Pupunta ba ako o hindi? Hihintayin ko bang magtext o tumawag muna sya sa akin? Nako naman, tong si Xian talaga.

"O ano, Andi? Hindi ka pupunta doon?" Tanong ng isa pa naming classmate.

Nag-isip muna ako sandali, "hindi, ang daming tao doon e"

Tinext ko na lang si Kate para itanong kung anong gagawin ko

Me: KATE!!!!! Nandito si Xian sa school. Pero hindi ko pa sya nakiktia. Dinudumog sya ng mga estudyante dito. Anong gagawin ko?

Ilang saglit lang nagreply agad si Kate.

Kate: Ang sweet talaga ni Xian. :"> Puntahan mo na sya no baka maagaw pa ng ibang yan.

Me: Pero hindi nya sinabi sa akin na pupunta sya? Halos lahat ng classmates kong babae pati na prof namin andoon.

Hindi na nagreply si Kate.

Nagring yung phone ko. Si Xian, tumatawag.

Syempre, sasagutin ko yung tawag nya. "Hello?" 

"Hello, Andi. Andito ako sa school mo ngayon" May naririnig pa akong mga babaeng gusto daw magpapicture sa kanya. "Saan classroom mo? Pwede ba kitang puntahan? May ginagawa ba kayo?"

Kinakabahan ako at hindi ko alam kung bakit "Wala pa naman. Galing dyan yung prof ko, kung nasaan ka man. Bakit ka nagpunta? Alam mo naman na ganyan mangyayari diba?"

"I'm okay, Andi. I just want to make it up with you" Hindi naman kailangan ganito pero, oo, kinikilig ako.

Bago pa ako makapag salita ulit, dumating na yung prof namin. Kitangkita yung saya nya, ngiting-ngiti pa sya. "Xi, andito na yung prof namin. Thank you."

"Thank you for what?"

"Thank you kasi nasa good mood yung prof namin dahil sayo"

"Oh. So, see you after your class? I'll wait for you na lang" How could you possibly not love him, right?

Kahit ako, hindi ko pa sya nakikita, ngiting-ngiti na din ako. "See you. And good luck" Pajoke kong sinabi sa kanya.

Tumawa sya saglit, "Okay. I love you, Andi" sabay baba ng phone.

I love you, too, Xian.

My Famous BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon