Chapter 7: Good morning?

797 11 2
                                    

Sino ba namang hindi gaganda ang araw kapag ganon yung gumising sa'yo? Kinikilig pa.

Dali-dali ko syang tinawagan, pero hindi ko na tinuloy. Baka maistorbo ko sya sa tulog nya. Kaya tinext ko na lang sya. (Good morning, Xian. Thank you for that message. Thank you for making me happy.) Send.  Yun lang naisip kong sabihin. Siguro okay naman na yun.

Palabas na ako ng kwarto ko nung nagring yung cellphone ko. Si Xian! Tumatawag sya. Sasagutin ko ba o hindi?

Syempre sasagutin ko diba. "Hello?"

"Hi Andi. Any plans for today?" Tanong nya sa akin.

Aayain nya kaya ako ulit lumabas? Sayang. "Oo e, pupunta akong school para magenroll"

"Oh. You want me to come with you? Para makabawibawi na din ako sayo"

"Ha?" nagulat ako sa tanong nya. Hindi ko alam kung nagjojoke lang sya o seryoso ba talaga.

Napatawa sya, "Tanong ko po kung gusto mo po bang samahan kita. Kung gusto mo at kung okay lang ba sayo"

Gusto ko ng sumagot ng syempre gusto ko, sino ba namang aayaw diba? Pero, si Xian Lim to e. "Ah, e.. sigurado ka ba dyan sa mga sinasabi mo? Madaming tao doon"

"Ah, yun ba? Ano naman? Teka, siguro kinakahiya mo ako no?" Biglang may tumawa na kasama nya na pamilyar yung boses. Yung pinaka pamilyar na boses na kilala ko.

"Nasaan ka, Xian?"

"Andito, sa kusina nyo. Naghahanda ng breakfast mo kasama mommy mo" Sabay tumawa ulit. "Halika na dito Andi. Kaen na tayo."

Hindi ako makasagot. Para bang nagloading yung utak ko. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko.

"Andi? Hello? Pababa ka na ba?"

"Ah. Eh. Teka, mag-aayos lang ako. Baba na din ako." Nakakahiya naman kasi kung baba ako ng ganito kagulo yung itsura ko.

"Ganon ba? Hm? Actually.."

"Xian! Halika muna dito, iho. Tikman mo tong niluto ko." Pasigaw na sabi ni mama kay Xian. Para pa nga syang natatawa. At ako, syempre nagtataka.

 Binilisan kong magligo at mag-ayos. Nakakahiya naman kay Xian kung paghihintayin ko sya diba? Syempre excited na excited ako na makita sya ulit. Hanggang ngayon, parang nananaginip pa sin ako. Sana hindi na talaga ako magising sa panaginip na to.

Paglabas ko ng kwarto ko, napangiti ako agad sa nakita ko. May mga chocolates pababa ng bahay namin. Yung favorite kong chocolates. Ito na naman, kinikilig na naman ako. Isa-isa kong kinuha yung chocolates hanggang sa makarating ako sa dinning area. Wala si mommy, wala din si Xian. Nasaan kaya silang dalawa?

Lumabas si Xian galing sa kitchen na may dalang tray ng pagkaen. Nilapag nya sa table tapos pinaupo nya ako. "Good morning, Andi".

Yung ngiti nya, kakaiba talaga. Hindi ako nakapagsalita at ngumiti na lang din ako sa kanya. Yung parang abot tenga na ngiti.

"Sorry talaga, Andi. Free day ko naman ngayon kaya babawi ako sayo" Binigay nya na sa akin yung plato ng pagkaen ko. Simple lang yung breakfast namin pero kinikilig talaga ako.

Lumapit si mommy galing din syang kusina, "si Xian nagluto nyan"

"Talaga, Xian?" 

"Sorry yan lang kaya kong lutuin e"

"Okay lang naman e" Sabi ko sa kanya.

"Saan lakad nyo ngayon?" tanong ni mommy sa amin.

Nagkatinginan lang kaming dalawa ni Xian. "Diba pupunta kang school ngayon?" tanong nya sa akin. "Masasamahan pa naman kita e"

"Mag-eenroll ka na, Andrea? Talaga? Totoo na yan? Gusto mo ng bumalik sa school?" Gulat na parang natatawang sabi sa akin ni mommy.

Yung totoo, hindi ko alam kung gusto kong bumalik sa dati kong school. Ang alam ng mga tao doon, huminto ako sa pag-aaral dahil sa exboyfriend ko. Pero hindi naman totoo yun e. Puro isyu na din ang naiwan ko sa dati kong school. Hindi ko pa sila kayang harapin. Hindi ko na alam kung sino yung mga totoong kaibigan ko doon. Hindi ko alam kung sino mga mapapagkatiwalaan ko doon. Gusto ko na magsimula ng bagong buhay. Sakto din dahil may nakilala na akong bagong tao sa buhay ko.

Nung sasagot na ako sa tanong ni mommy, nagsalita si Xian, "Hindi po, tita. Maghahanap po kami ng bagong school po. Gusto nya daw pong lumipat sana. Kung okay lang daw po sa inyo?"

Tumingin si mommy sa akin na parang napapaisip. Yung tingin nyang gusto nyang magalit pero pinipigilan nya kasi may bisita. "Okay"

"Okay?" Okay? Yun lang sagot nya?

"Okay lang naman basta lalo mong pagbutihan na mag-aral. Ayaw mo na ba talaga doon? Dahil ba yan kay..."

"Ma! Pinag-usapan na natin yan. Tapos na yun, matagal na. Hindi na dapat natin pinag-uusapan ang nangyari na" Ramdam ko na medyo na-awkward si Xian. Hindi na kasi sya sumagot ulit. Wala din kasing alam si mommy tungkol sa mga isyung naiwan ko.

"Basta, okay lang. Kasama mo naman si Xian kaya alam kong hindi ko maglalakwatsa lang. Xian, pakibantayan si Andrea ah. Kapag may ginawang kalokohan yan paki sabi na lang sa akin. O sya, aalis na ko. Andrea, i-lock mo ng maigi yung pinto at gate a. Papasok na ko" Hinalikan ako sa pisngi ni mommy.

Nagmano naman sa kanya si Xian. "Sige po, tita, ako na pong bahala sa kanya"

Umalis  na si mommy at naiwan kaming dalawa sa dinning area. Nang maramdaman namin na malayo na si mommy, nagsalita na ako ulit. Isang malakas na buntong hininga, "Hindi naman ganon yun e. Hindi naman dahil sa kanya"

"Alam ko. Ramdam ko naman. Sorry kasi hindi ko naman akalain na ganon yung magiging reaction nya" Hinawakan nya yung kamay ko. "Basta andito lang ako, sasamahan kita"

My Famous BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon