Chapter 1: Oops, Wrong Guy

1.8K 15 0
                                    

"Andrea! Andrea!"

Knock! Knock! Knock!

"Andrea, bumangon ka na. Susunduin ka na daw"

Hay, nakakabitin naman yung panaginip ko. Andoon na ehh! Malapit na ehh. Yung prince charming kong napakagwapo ihahatid ako sa bahay. Gusto ko pang matulog para ipagpatuloy yung naudlot kong panaginip.

"Andrea? Ano? Sumabay ka na magbreakfast" Paulit-ulit na kumakatok at sumisigaw yung nanay ko. Idea nya kasi na lumabas ako ng bahay dahil ayoko talaga. Ang init sa labas tsaka, ayoko lang. Dito na lang ako sa kwarto ko.

"Ma? Kausapin mo naman si Kate, sabihin mo next time na lang. Sabihin mo may lakad tayo, may emergency or what" Gusto ko lang ituloy yung panaginip ko.

Kumatok sya ulit bago sabihing  "Anak, buksan mo muna tong pinto, mag-usap tayo"

Tumayo ako sa kama at binuksan yung pinto. "Ano po yun, ma? May problema ba?" Tanong ko sa kanya.

Nakatingin lang sya sa akin at ngumiti. "Kagabi? Hindi mo ba naaalala?"

Nagtaka ako, ang naaalala ko lang kasama ko si Kate sa party ng pinsan nya. "Oo, kasama ko si Kate. Birthday ng pinsan nya diba? Pinagpaalam nya daw ako sayo" Sabi ko sa kanya.

Nakangiti na sya, "Paano ka nakauwi? Sabi kasi ni Inday may naghatid daw sayo? Gwapo daw?"

Napapaisip ako, wala akong maalala. "Ha? Teka, pareho ba kami ng napanaginipan ni Inday?"

Natawa lang sya sa sinabi ko. "Mag-ayos ka na Andrea! Ito pera" Inabutan ako ng 3 thousand ng nanay ko. Masasabi kong hindi kami mahirap pero hindi din kami mayaman. Dentista ang nanay ko kaya dentistry din yung course ko. Napilitan, gusto ko talaga maging Architect balang araw. Pero mas malaki daw kikitain ko kapag naging dentista ako. "Bilisan mo na, anak, baka dumating na sya" Dali-daling umalis si mama sa kwarto ko.

"Ma para saan tong pera?" Pasigaw na tanong ko.

Sumilip sya ulit sa kwarto ko at sinabing "para sa lakad mo ngayon" Nakangiti sya sa akin at umalis.

Wala na akong nagawa at dumiretso na lang ako sa C.R. para maligo.

Nakatayo lang ako sa harap ng salamin. Nagtataka din ako sa sarili ko, paano nga ba ako nakauwi kagabi?

Nagsimula na akong maligo. Medyo matagal kumpara sa normal kong ligo lalo na kapag pumapasok. Tinatamad kasi akong umalis. Gusto kong ituloy yung panaginip ko. Hindi mawala sa isip ko yung lalaking napanaginipan ko. Si Xian Lim, sya yung dream boy ko. Literal! Sana totoo ka na lang na nandoon sa party kagabi. Hindi kaya nalasing ako kaya wala akong maalala? "Hala!" napasigaw ako habang naliligo. Sa puntong yun, binilisan ko ng maligo.

 Nagmadali na din akong magbihis. Naisip kong parang wala ako sa sarili ko kagabi. Paano kung si Xian Lim nga ay totoong nakausap ko kagabi? Paano kung... ewan, hindi ko alam. Ang dami kong iniisip. Kailangan kong makausap agad si Kate.

Pero hinalughog ko na yung buong kwarto ko, hindi ko mahanap yung bag na gamit ko kagabi.

"Inday? Inday? Halika ka nga dito" Itatanong ko sana kung alam nya kung saan ko nailagay yung bag.

Pero nanay ko yung umakyat, "Anak bakit? Wala si Inday. Lumabas. Inutusan kong mamalengke"

"Hindi ko ko po kasi mahanap yung bag ko. Nakita nyo po ba?" Pero tuloy pa din ako sa paghahanap.

"Ah, ganon ba? Hindi eh. Bilisan mo na dyan at kanina pa may naghihintay sayo". Ngising pasabi nya.

Nagsisimula na akong magtaka. "Ang aga naman nya. Sige po, patapos na din ako. Tapusin ko lang mag-ayos"

My Famous BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon