Side Story: From the Past

649 7 0
                                    

Disclaimer: You can not read this. This is a side story. Not Andi and Xian's story. But someone from the past's point of view.

Dalawang taon na din simula nung nawala sya sa buhay ko. Hindi ko alam na ganito magiging epekto ng sitwasyon na yun sa buhay ko. Isang malaking pagkakamali na pinakawalan ko sya. Buong buhay ko isa lang naman yung gusto kong mangyari, yung mahalin ako ng seryoso, yung totoo. Sa kanya ko lang naranasan yun. Sya lang nagpakita sa akin na totoong may mga tao pang hindi manloloko. Sya lang yung minahal ko higit pa sa sarili ko.

Pero dahil sa isang malaking pagkakamali, nawala sya sa buhay ko. Ang tanging babaeng minahal ko. Isang malaking kalokohan yung ginawa ko. Hindi ako naniwala sa kanya kahit na alam kong nagsasabi sya ng totoo. Bakit nga ba hindi ako naniwala sa kanya? Nasaktan ko sya ng hindi ko alam yung ginagawa ko.

Pina-iral ko yung pride ko at naniwala ako sa ibang taong walang ibang ginawa kung hindi sirain ang relasyon namin. Madaming nangyari. Higit pa sa akala kong yung hindi ko pagtitiwala sa kanya ang tanging kasalanan ko.

Gusto kong bumalik sya sa buhay ko. Gagawin ko lahat para sa kanya. Handa akong magbago. Pero kahit na anong gawin ko, wala na e. Wala na talaga akong magagawa sa laki ng kasalanan ko sa kanya. Hindi ko naman sya pinagpalit sa ibang babae. Hindi ko kayang gawin kay Andi yun.

Lumayo ako para mag-isip. Para magkaroon ako ng panahon para mapatunayan sa kanya na nagbago na ako. Pero sa paglayo ko, doon ko nalaman yung mas malaking problema.

Ngayong pagbalik ko. Handa na kong ayusin lahat ng problemang naiwan ko. Handa na akong harapin si Andi. Miss na miss ko na si Andi. Kamusta na kaya sya? Mapapatawad pa kaya nya ako?


Nakita ko yung best friend nyang si Kate sa isang coffee shop. Siguro ito na yung pagkakataon para maumpisahan ko yung pagbabago sa buhay ko.

Unang-una, si Andi.

Nilapitan ko sya, "Kate?" Napatingin sya sa akin na parang nagtataka.

"Ethan? Buhay ka pa pala?" Gulat syang napatingin sa akin. Ramdam kong hindi nya ako gustong makita.

"Kate naman.." yun lang nasabi ko. Tatanungin ko na ba sya kung nasaan si Andi? Bu-bwelo muna ako. "Kamusta ka na? Si Andi? Kamusta na sya?"

Inirapan nya ako pero sumagot pa din sya, "Bakit bumalik ka pa?" Hindi sya sumisigaw pero sa tono ng pananalita nya, ramdam kong ayaw nya akong kausapin. Napangiti sya pero sa hindi magandang paraan. "Ethan, iniwan mo si Andi dahil sinabi sayo ni Lea na may ibang lalake sya at niloloko ka lang nya. Ginawa ni Andi lahat para magpaliwanag. Alam nating dalawa na hindi ganong klaseng babae si Andi. Pero anong ginawa mo? Hindi ka naniwala. Gumanti ka pa!"

Pinipigilan kong umiyak. Masakit marinig ulit sa ibang tao yung mga nagawa ko. Pinilit kong kalimutan yun. Pero hanggang ngayon, wala eh. "Mapapatawad pa ba ako ni Andi?" Yun lang naisip ko dahil yun lang gusto kong malaman.

Natawa sya sa tanong ko, "Nagpapatawa ka ba?"

"Mahal ko pa din sya. Alam kong mahal nya pa din ako" Dahil naniniwala talaga akong mahal nya ako.

"Ethan! Gumising ka nga. May anak ka na diba? Hindi ka na mahal ni Andi. At isa pa, may mahal na syang iba! Masaya na si Andi. Bumalik ka na kung saan ka nanggaling. Wag ka ng bumalik!" Nasaktan ako sa lahat ng sinabi ni Kate. Pero totoo. Totoo lahat ng yun.

Napayuko na lang ako, "Kate, pakisabi na lang kay Andi..."

"Wag kang mag-alala, hindi ko sasabihin kay Andi na nakita kita" Sabi niya sa akin, at umalis na sya.

Pakisabi kay Andi, sorry. Sorry sa lahat ng mga kasalanan ko. At papatunayan ko sa kanyang nagbago na ako.

My Famous BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon