Chapter 3: The Ride to Surprise

1.1K 12 2
                                    

"Saan tayo pupunta?" 30 minutes na kaming nasa kotse nya, lunch time at syempre nasa Manila kaya sobrang traffic. Maliban pa doon, simula nung sumakay kami sa kotse nya, wala pang nagsasalita sa amin. Nafifeel ko na yung awkwardness kaya nagtanong na ako.

Ngumiti lang sya sa akin, syempre hindi tumitingin. Kahit papaano umuusad na yung traffic paunti-unti. "That night, at Marco's party. You really can't remember anything?"

Ayan nanaman, paguusapan nanaman yung gabing yun. Nalilito na din ako kung ano ba talaga yung nangyari nung gabing yun. "Pumunta si Marco sa bahay nung isang araw, sabi nya sya daw yung naghatid sa akin"

"Really? That guy is really weird, but he's my friend and besides, you now know everything" Paliwanag nya sa akin.

Naiinis ako kay Marco, ginugulo nya lalo yung nasa isip ko. Ngayon kailangan ko na lang malaman kung ano yung mga naikwento ko sa kanya at yung mga nangyari nung gabing yun. "Xian?" Nakaharap ako sa kanya at nablanko nanaman ako.

"Yes?"

"Ah?" Posible palang mangyari yung ganito na makalimutan mo yung sasabihin mo kasi ang gwapo ng nasa harap mo. Kaya humarap na lang ako ulit sa kalye para hindi ako madistract.

Natawa sya, yung cute na tawa nya. "Nakalimutan mo nanaman yung sasabihin mo kasi gwapo yung nasa harap mo?"

"Ha?!" Napatingin ako ulit sa kanya sa gulat ko. Nakuha nya ako doon ah. Nakakahiya na talaga. Technically, first time ko pa lang syang nakita at nakausap ngayon dahil hindi ko maalala yung unang beses. Pero parang kilala na nya talaga ako.

"You're really cute when you do that" Nakangiti syang sinabi yun.

"Xian? Pwedeng wag mo na akong icompliment? Lalo kasi akong nahihiya eh" Ako yung tipo ng taong nakakaappreciate nga ng compliment pero hindi ko alam kung anong sasabihin after nun. Kaya mas okay ng hindi ako makarinig ng compliment kasi mas lalo lang akong nahihiya.

"I know that, too" Nakangiti pa din sya. "May ipapaalala ako sayo" Nagpatugtog sya sa iPhone nya, yung favorite song ko, kanta ni Katy Perry, yung Not Like The Movies. Tumitingin-tingin sya sa akin, naghihintay ata ng reaksyon ko. Pero nagsalita na sya bago pa ako makapagisip ng sasabihin ko. "You told me you love that song. You were singin it pa nga ehh. So, nagdownload ako tsaka pinakinggan ko. Maganda. It made me think"

Napapaisip na din ako. "Aside sa favorite song ko, ano pa yung mga bagay na nasabi ko?" Ayoko na patagalin, gusto ko ng malaman.

Parang hindi natatanggal yung ngiti sa labi nya. Nakaka-in love sya. Sayang. Sana sya na lang si Prince Charming ko. "I'll tell you everything when we get there"

"SLEX na. Saan ba tayo pupunta?" May tiwala naman ako sa kanya pero syempre nagtataka pa din ako.

"Secret. Oh not secret, ayaw mo pala ng may naglilihim sayo. Its a surprise" Isang gabi lang pero parang kilalang-kilala na nya talaga ako. Sana makilala ko din sya.

Ngumiti lang ako. Tumingin sa labas ng bintana.

"Alam mo, Andi.." Nagsalita sya pero hindi nya tinuloy. Napatingin nanaman ako sa kanya. "Wala lang, I knew lilingon ka kapag ginawa ko yun" Malakas din pala sya mantrip. Ngumiti lang ako sa  kanya.

"Okay, sorry for that. Pero alam mo, bilib ako sayo. Ang taas ng respeto ko sayo. Especially a while ago at the restaurant, knowing you're not drunk anymore and you told me about the..."

"Oh, I know na. Thank you. Hindi naman natin kailangan pagusapan yun" Ngumiti ako sa kanya. "Wala ka ba talagang sasabihin kung saan tayo pupunta? Kahit clue? Kahit ano?"

Yung ngiti nya parang permanent. Hindi ka maiinis sa kanya. "You're good at guessing so I'm not giving you any clue" Sabay kindat sa akin. Gwapo na nga magpapacute pa.

After more than a hour of driving, "We're near" Sabi nya.

"Tagaytay" Nung bata ako, tuwing pasko lang kami nagpupunta sa Tagaytay ng pamilya ko. Pero matagal na yung huling beses na nagpunta kami dito.

"Nasurprise ka ba?" Tanong nya sa akin. Malapit na kami sa Picnic Grove. Dito kami madalas nagpupunta. Nasabi ko din ba to sa kanya? Kasi matagal ko ng kinalimutan to.

"Oo." Yun lang yung nasabi ko. Swerte lang at nakahanap kami agad ng mapapagparking. Bakasyon kaya madaming tao. Pero yung lugar na napagparkingan namin medyo walang tao, puro kotse nga lang. "Sure ka bang okay ka lang dito? I mean, ang daming tao dito" Tanong ko sa kanya.

Ayan nanaman yung ngiti nya o, "Oo naman. Tao lang yan. Tsaka bakit naman ako magtatago sa kanila? Eh tao lang din naman ako. Tara? Oh. Wait" Lumabas na sya at nagtaka ako.

Pinagbuksan nya ako ng pinto. Natawa ako dito, ang gentleman nya kasi talaga pero isa lang yung nasabi ko sa kanya pagbaba ko ng kotse nya at hindi thank you yun, "Alam mo ba, there are 2 reasons why a boy opens the car door for a girl. Either bago yung kotse, o bago yung babae. Just saying. Sorry."

Natawa lang sya sa akin. "No need to say sorry. I am not a boy anyway. I'm a man, kaya nga gentleman diba?" May kinuha syang mga gamit sa likod ng kotse nya, mukhan pinaghandaan nya to ah.

"Right. Wait, bakit tayo andito? Nasabi ko din ba sayong espesyal tong lugar na to para sa akin?"

Nagulat sya sa sinabi ko. "Really? Picnic grove? Well, I made a good guess siguro. Tara?"

Ngumiti lang ako. Hinawakan nya yung kamay ko at sa puntong yun hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko. Totoo ba to? Kasi kung panaginip lang sana hindi na matapos to. Sana hindi na ako magising nito. Binitawan ko agad yung kamay nya, ayokong isipin nyang tinitake advantage ko yung pagkakataong yun.

Ayokong umasa. Simple lang ang buhay na meron ako. Simple lang ang buhay ko. Pero hindi simple ang pangarap ko. Yun yung mahalin nya din ako. Pero alam kong mahirap magkatotoo yun. Alam ko namang bumabawi lang sya sa akin.

Itutuloy..

My Famous BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon