Chapter 1: Salamin

542 14 24
                                    

"Basta ang gagawin mo lang, kapag sumignal ako na nandiyan na si Kyle ay do'n ka na magpapaka-clumsy." Utos niya sa'kin habang nakatingin kami kung saan ginagawa na ng mga kaibigan niya ang mastermind nila. Bigla akong kinabahan pero bahala na. A desperate girl needs a desperate plan--ayon 'yan kay Rubin.

"Tapos kapag patakas na kami papunta sa hallway, tsaka mo kami salubungin para madapa ka. Kunwari ay hindi mo kami nakitang tumatakbo papunta rito para hindi halatang scripted. Ewan ko na lang kung hindi ka pa tulungan ni Vro sa lagay na 'to."

Patuloy ang kabog ng dibdib ko at hinati ko sa gitna ang buhok kong amoy dry shampoo. "Ayan na, papunta na sila. Sumugod na si Kyle. Bahala ka na diyan." At humina na ang boses niya dahil sa dali dali niyang paglayo sa'kin.

Mariin akong sumandal sa takot nang nakikita ko na silang tumatakbo papunta rito sa hallway. Bahala na.

"Vro nandiyan na si Kyle bilis."

Pabulong na sabi niya sa barkada nito ngunit sa bilis ng pangyayari ay huli na ang lahat. Hindi na sila nakatakas dahil hinigit na nung Kyle si Aviarro at sa bilis ng pangyayari ay sinandal na siya sa pader. Sa pagkataranta ko ay napatayo na lang ako na parang statwa dahil hindi mo maipagkakaila na nakakatakot ang bagsik ng Kyle na ito. Ano kaya ang ginawa ni Rubin para magalit ito ng ganito?

"STAY AWAY FROM CARLY, kung hindi ay hindi lang ito ang madadatnan mo." Susuntukin na sana ni Kyle si Aviarro habang kine-kwelyuhan na niya ito ngunit hindi ito natuloy dahil sa malakas na pagsigaw ko. Hindi niyo ako masisisi, mahal ko yung susuntukin niya. Kailangan ko talaga sumigaw, kahit na naiiyak na ako sa kaba dahil palpak na naman 'tong pinlano namin ni Rubin, na pati ang pores sa mukha ko ay naglalabas na rin ng mga luha dahil sa open spaces na mga butas.

Napatingin naman ang magkakaibigan sa'kin at iyon naman ang ikina-ngiti ko ng awkward habang si Rubin ay ang laki ng ngiti--abot hanggang tainga.

Napatalon naman ako sa gulat nang itinulak ng malakas ni Kyle si Aviarro sa pader. Sa pag-eskapo nito ay iyon naman ang ikinabangga niya sa'kin, dahilan para matumba ako ng tuluyan. Dahil sa malakas na pwersa ni Kyle, ang nanginginig kong tuhod ay nanghina na. Hindi na ako makatayo at sana pagiinarte na lang ito para makuha ko ang chivalry ni Aviarro ngunit nagsimula nang pumilipit sa sakit ang legs ko kaya naman hindi na rin ako makapagsalita.

Nakita ko ang saya sa mukha ni Rubin habang ako naman ay hindi na makagalaw. Hindi man lang niya ako tulungan sa kalagayan ko. Para inisin siya ay pumunta ako sa kanya na parang sirena. Habang nakahampalusay ako sa sahig ay unti unti akong umuusad papunta sa kanya ng gano'n ang posisyon ko. Ewan ko na lang kung hindi pa niya ako pansinin.

"Vro 'diba may pasok pa tayo? Tara?"

Ang mga lalaki sa harap ko ay abalang abala kay Aviarro habang ang sirena sa harap nila ay hindi man lang nila mapansin pansin. Sirena is bakla...that explains it. Tumayo na lamang ako na parang zombie ang posisyon because boys like stuffs like that. Yung mga gore. Ano kayang lasa ng crush ko?

"Are you okay? Nadamay ka pa tuloy." Nanlaki ang mata ko nang umalalay na si Aviarro John sa harapan ko at iyon naman ang hindi ko ikinahinga, dahilan para mabugahan ko siya ng pinipigilan kong hininga at naamoy niya ata ang chewing gum na wala nang flavor ng mint; o kaya baka yung barbeque ang naamoy niya na lunch ko kanina.

"Vro, ko-kopya ka pa ng assignment sa'kin 'diba? Tara na."

At unti unti na lang akong binitawan ng crush ko, all because of Rubin. Nanga-asar talaga. Bwisit.

"Are you okay? Nadamay ka pa. Pasensiya ka na kay Kyle." Isang pamilyar na linya naman ang narinig ko sa likuran ko. Pagkaharap ko naman ay bumungad sa akin ang isang mayaman na estudyante dito sa Sparluke? Pa'no ko nalaman? Sino'ng hindi mayaman ang bibili ng jacket ng Sparluke? Edi ako.

"Hi. Ang ganda po ng jacket niyo. Matagal ko na po talagang pinagpapantasiyahan 'yang varsity jacket e." Prangka kong sabi sa kanya at may naka-burda pang Carly sa bandang baba ng left side at may logo ng Sparluke sa taas. Nakakainggit.

"Thank you. You can buy one at the campus bookstore. Sa may university ko 'to binili. Ang panget kasi ng jacket ng high school 'diba?" Dali dali akong tumango sa kanya at tumawa na lang din ng kagaya ng tawa niya. Siyempre yung pang-magandang tawa. Ang chaka kasi ng tawa ko. Para bang nabubulunan ang pagtawa ko, hindi pang-dalagang Pilipina.

"Pero ikaw si Carly? Yung pinagaagawan ng 'boys' kanina?" At pina-arte ko pa ang boys na accent kahit na wala naman sa voice ko ang mag-inarte ng gano'n.

"Ah, oo. Ang ganda ko 'no?"

"Echosera. Feel na feel teh?" Pero siyempre ay hindi niya sinabi 'yan. Ang mga magaganda ay humble 'yan. At sobrang panget ko talaga. Ang ironic nga lang sa'kin dahil ang pagha-humble ko ay ang panget ko kahit totoo naman.

"Hindi naman. Nagbigay lang ng rose si Avi kanina."

Napa-atras naman ang mukha ko sa sinabi niya at hindi ko alam kung ano'ng expression ng mukhang nagawa ko, basta alam ko ay kadiri tingnan. Tiningnan ko na rin kasi minsan ang sarili ko sa salamin. Mabuti na lang ay hindi nabasag dahil nalaglag lang ito sa sobrang kaartehan ko na napangitan sa sariling mukha.

"So sasali ka pala sa upcoming pageant..." Sabi ko dahil sa school kasi namin ang pageant season ay roses season din. Ang mga lalaki, pwede rin namang babae, ay bumibili ng roses to vote. I guess si Aviarro my crush binoboto niya itong si Carly. Dami na siguro niyang roses na binigay.

Naputol din ang sasabihin ko nang dumating na si Kyle na ni-rumble si crush kanina. Tinabihan siya nito at tumingin naman si Carly pataas dahil sa tangkad nito.

"Look what have you done, Kyle. Nadapa siya kanina dahil sa'yo."

"Ano akala mo sa'kin, hindi nadapa?"

"Hindi."

"Hindi nga ako nadapa pero pinapadapa mo ako. Pinaparusahan mo ako, Carly."

"Ang cheesy!" Napatakip naman ang bibig ko dahil ang cheesy ng linya, kaya naman umalis na ako sa harapan nila at napagpasiyahang dumaan ng clinic para magpagamot. Pagkarating ko ay may lalaking nakaupo na ang ulo naman niya ang hinawakan niya. Tinabihan ko naman ito para kunwari ay friendly ako.

Tiningnan ko ang sideview ng kanyag mukha. Okay na sana ngunit nagulantang na ako sa pagkaharap niya sa'kin. Ikinagulat ko, na napatayo ako nang wala sa oras dahil tila parang salamin ang nakita ko sa kanya. Ako, matatakot pa sa itsura ko? Pero hindi pwedeng ganito ang repleksyon ko sa salamin. Mukha akong 'di nag-shampoo kahit nag-shampoo naman talaga ako at ang laki laki ng eyebags ko.

Yung labi ko sobrang dry at sobrang halata pa ng kulangot. Saan galing ang salamin na 'to?

Unpleasant Beauty (Kapintasan #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon