"Para kang nakakita ng multo diyan?"
Umatras pa ako kahit wala nang maia-atras pa at nag-inarte na lang ako na biglang sumakit ang legs ko para lang mapa-pikit ako. Para hindi ko na rin makita ang salamin sa kanya. Hindi ko akalain na ngayon lang ako kinilabutan sa salaming tinitingnan ko sa kanya. I know, euphemism na 'tong ginagamit ko dahil kung panget ang sinabi ko, ay parang sinasabihan ko na rin ang sarili ko na panget, kahit totoo naman.
Gusto ko pa sanang umupo kaso bigla nang nag-bell kaya naman dali dali na akong lumabas ng silid, nang nagkasalubungan kami ni Rubin. Alam niyang nandito ako?
"Relinne. Sabi na nga ba dito kita makikita e." Sarcastic niyang sinabi nang ilalakad pa niya ako sa loob ng clinic ngunit nagpumilit akong huwag pumasok. "Late na ako, Rubin."
"Me either. Mag-cutting na lang tayo. May pag-uusapan tayo." Mas lalo pa akong nagpumilit lumayo dahil sa sinabi niyang iyon.
"Hindi pwede. Ako lang kaya panget sa classroom namin. Siyempre sasabihin niya bakit wala yung panget sa class niya." Rason ko, baka sakaling maawa siya sa'kin ngunit parang hindi siya magpapatalo.
"Mas okay nga 'yon e para mas maganda daloy ng class kapag walang panget na umiistorbo." Napanganga ako sa inis dahil sa banat niya kaya hindi naman ako nagpatalo. "So sa tingin mo nakaka-istorbo yung ganda ko?"
"Kung mayro'n ka."
Pinagtaasan ko naman siya ng kilay at talo na ako. Nagpahila na ako sa kanya paloob ng clinic. Nang nakapasok na kami sa loob ay pinaningkitan ko naman siya ng mata dahil pinaalis na lang niya ang lalaking sumasalamin sa pisikal kong anyo kanina. Ganito na ba talaga kapag horn effect--na kapag pangit ang nakita mo sa pisikal ay iisipin mong panget na rin ang kalooban nito?
"Alam mo may atraso ka pa sa'kin. Hindi mo man lang ako tinulungan kanina..." putol kong sabi sa kanya dahil na-bother ako sa ginawa niya sa lalaki. It is somewhat rude, and does that mean I am rude too?
"...At nang-asar ka pa dahil gustong gusto mo talaga kaming paglayuin ni Aviarro kanina." At pinagpatuloy ko na lang ito sa gusto ko talagang sabihin sa kanya. Nagsimula kasi ito noong madalas niya akong makita na tumitingin kay Aviarro. Mapa-cafeteria man o mapa-classroom. Hanggang sa lumapit na lang siya sa'kin at biglang sinabi na siya na raw ang sagot sa katanungan ko. Hindi niya nga masagot ng maayos kung bakit gusto niya akong tulungan sa ganitong paraan at ang sagot niya ay dahil may gusto lang siyang pagtawanan at ako 'yon.
"At napaka-bully mo talaga." Pagbibiro ko naman sa kanya nang sinamahan ko pa ito ng pabirong palo. Pareho na kaming humalakhak nang bigla na lang kaming napatahimik.
"Bully naman talaga 'yan e." Bigla namang singit ng lalaking pinaalis niya para makaupo kaming dalawa. Tumingin ako kay Rubin kung nanga-asar ba 'yon or nagpapapansin lang? Kapansin pansin din naman ang itsura niya. Ayoko lang siyang sumasalamin sa akin.
"Ruvie please, nakita mo namang may kausap ako?"
Napatayo naman si Rubin at ikinagulat ko na iyon dahil hinarap na niya si Kuyang singitero. Tumayo ako sa likuran ni Rubin at tumingin naman sa'kin ang lalaki. Iniwas ko naman ang mata ko sa kanya dahil sa husgang ginawa ko sa isip ko kanina. Binabawi ko na.
Pero ang mga multo ba, panget ba sila? Kasi nakakatakot sila e, so baka nga panget ang anyo nila? Or haka haka lang iyon ng mga tao? E ano nga rin ba ang haka haka? Hakala na panget ang multo pero magaganda naman talaga?
"Ano? Para kang nakakita na naman ng multo."
Inulit na naman ng Ruvie ang linya niya kanina na ayun namang ikinatawa ko na lang bigla dahil nag-synchronize sa isip ko ang haka haka--but for the record, Nakikita ko ang sarili ko sa kanya, lalo na't binu-bully nga rin ako ni Rubin.
BINABASA MO ANG
Unpleasant Beauty (Kapintasan #1)
JugendliteraturThis is a story of two people na hindi nabiyayaan ng matinong itsura sa pisikal na anyo, ngunit bawing bawi naman sa panloob dahil mabait talaga sila; well at least they thought. Kapag dalawang panget ang nagkatuluyan, maganda ba ang kakalabasan? Ka...