Hinarap ako ni Ruvie sa mga taong judgmental at hindi ako makaalis sa paghawak niya sa magkabilang braso ko. I simply can't.
"Ano ba naman kasi yung Relinne na 'yan" sigaw ng isa nang nakarinig ako ng bulong mula kay Ruvie. "Why don't you turn around and hug me."
Ang lakas ng loob niyang sabihin iyon sa akin. Pagkatapos niya akong harapin sa mga animal na 'to para husgahan ako ay siya pa ang iiyakan ko? No thanks. Umurong na ang luha ko. Hindi kaiyak iyak ang tindig niya. Eww. Yung mga Tigidig ko baka maiyak pa sa takot dahil sa hangin niya.
Tinulak ko naman palayo si Ruvie dahil sa ginawa niya habang si Rubin naman ay nakaabang sa akin kung sakaling tatakbo ako papunta sa kanya pero hindi ko gagawin 'yon para lang siya ang mag-comfort sa akin. Hell no, Salvajes!
Pagkalabas ko sa backstage ay sa mismong entablado ng auditorium na ang kinatatayuan ko at nagulantang naman ako sa nakita kong mga taong nakaupo sa mga upuan. Nasa 20 din sila at pinagtitinginan nila ako. Bakit kasi madalas akong expose ngayon? Parang ang mga pimples ko. Ayaw na tuloy akong lubayan. Nagpapapansin kasi e.
Parang ako ba?
Bumaba ako ng stage nang napalingon ako sa likuran dahil susundan ako ni Rubin. Ang lakas ng loob niyang habulin pa ako. Pagkatapos niya akong pagtawanan at sadyain na talisudin kami ni Carly. Gusto ko mang tumakbo palayo nang nakita kong isa si Aviarro sa nakatitig sa akin, dahilan para mahiya ako at dahan dahan na lamang naglakad.
On the other hand, nakuha ko na rin naman ang atensiyon ng lahat ng tao dito at kung akala nila ay wala na akong mukhang maihaharap ay ito siya ngayon o? Ang mukhang gustong gusto nila titigan. Magsawa sila.
"Relinne ano ba?"
Natigilan ako sa pagiilusyon ko nang narinig ko muli ang pagtawag sa'kin ni Rubin. Dahil gusto kong magpahabol ay hindi ko siya pinansin at dire-diretso ako palabas ng auditorium. Sa inaasahan kong susundan pa niya ako palabas ay hindi siya sumunod. Nakakainis naman. Akala ko ba naman ay maa-achieve ko yung habol scene na parang sa mga palabas.
Dahil nagawa nilang inisin ako ay naisip ko na isumbong na si Rubin kay Kyle ngunit parang basang basa ni Rubin ang isip ko dahil tinawag niya muli ako.
"Relinne."
"Rubin ano ba--"
Natigilan naman ako dahil si Aviarro na pala ang nakaharap ko. His presence. His self; Standing in front of me. Siya pala ang mapapahamak kung magsusumbong ako sa Kyle na iyon.
"Hinahanap ka ng magkapatid do'n, and Rubin asked the favor to tag you along." Mahinahon na sabi nito nang na-estatwa na talaga ako nang tuluyan. Iba talaga ang epekto niya sa akin. Napatingin naman ako sa malalim niyang mga mata at medium brown ang kulay nito. Hindi gano'n ka-dark. Napalunok naman ako sa semi-shaved niyang balbas sa kanyang baba hanggang patilya, na talaga namang na-emphasized ang kanyang jaw at sa undercut niyang buhok.
"A-aviarro, pasensiya ka na kung nadamay ka. Hindi ka dapat kasali rito sa gulo namin." Nauutal kong utas nang ngumiti naman siya sa akin ngunit alam kong napipilitan lang siyang gawin iyon. "Ah, hindi. Hindi naman talaga ako kasali. Naki-usap lang si Rubin sa akin." At napahiya ako ro'n. Nagiilusyon lang pala akong kasali niya. Sinasali ko lang naman siya. Hindi naman masama yo'n ah, kaso parang masama nga dahil mapagkakamalan akong desperada nito--I mean hindi pa ba?
"Ayoko. Itago mo ako."
"Saan naman?" Pagtatakang sagot niya nang dali dali akong pumunta sa likod niya at hinila hila ko siya para sa pagtatago ko. Mananantsing lang pala ako. Nanginginig kong hinawakan ang balikat niya at idinikit ang mukha sa likuran niya. Ang bango niya grabe. Yun bang kahit na magpawis siya ay mas kakalat pa ang bango niya. Ang sarap.
BINABASA MO ANG
Unpleasant Beauty (Kapintasan #1)
Novela JuvenilThis is a story of two people na hindi nabiyayaan ng matinong itsura sa pisikal na anyo, ngunit bawing bawi naman sa panloob dahil mabait talaga sila; well at least they thought. Kapag dalawang panget ang nagkatuluyan, maganda ba ang kakalabasan? Ka...