"Ms. Quiseo, what were you thinking? Ayon sa adviser ng section B ay sinubukan mong i-peke ang excuse slip." Mahinahon na sabi ng guidance counselor habang ako naman ay nakatingin lang sa isang sulok. Gusto ko man siyang dedmahin ngunit lumakas ang loob ko nang natanaw ko si Rubin na pumasok sa office. Mukhang kasali rin ata siya sa trouble dahil may isa ring school guidance ang humila sa kanya papunta rito.
"Mr. Salvajes, ikaw? Gumawa ka pa ng scandal. Ano'ng iniisip mo bakit kailangan mo pang i-tolerate itong si Ms. Quiseo?"
Umupo naman sa harap ko si Rubin nang ngiting ngiti ito sa'kin, na para bang tuwang tuwa pa siya sa nadatnan namin. "Naisip ko po na girl power ang ginawa niya dahil sa pambabastos ni Ruvie sa kanya." Direktang sabi ni Rubin nang napanganga naman ako do'n. Walang hiyang ito. Ipapahamak pa niya ang sarili nitong kapatid.
"Ruvie Salvajes, your brother? Bakit kailangan mong siraan ang kapatid mo sa issue mo?" Prangkang pagkatanong ng guidance counselor nang umayos ng upo si Rubin at mukhang mapapaikot na lang niya ng ganun gano'n ang lamesa.
"Bakit ko kailangan pagtakpan ang kapatid ko kung ang patakaran naman ng eskwelahan ang pinaka-importante sa lahat? Ma'am, he's my brother but rules are rules. There's nothing important than that." At dahil sa speech niyang iyon ay mukhang na-kumbinsi niya ang guidance counselor. Tumango ito at tumayo na si Rubin.
"Okay, Mr. Salvajes. Ipapatawag ko ang kapatid mo and you two--you may go back to your class."
Gusto ko mang kontrahin pa ang sinabi ni Rubin ngunit wala na akong nagawa dahil hinila na niya ako palabas. Pagkalabas naman namin ay bigla ko siyang pinalo.
"Ano 'yon? Ano na lang ang sasabihin ni Ruvie kapag nalaman niyang binaligtad mo ang totoong nangyari?" Pagalit kong tanong sa kanya dahil natataranta na ako sa ginawa niya. Sino'ng kuya ang sisiraan ang kapatid niya?
"Sasabihin niya kung bakit ko siya sinisiraan at dedepensahan ko ang sarili ko. Ganito ang magiging linya ko...
Ruvie, ipinaramdam mo kay Relinne na ayos lang na tratuhin mo siya ng ganito porket na hindi siya maganda. Pinerahan mo na nga ang babae at pina-suhol mo pa ng ice cream...
'Yung mga ganyan. Mako-konsensiya 'yon. Maniwala ka sa'kin--" Naputol naman ang pag-practice niya sa sasabihin sa kapatid nang dumaan na mismo si Ruvie para pumunta ng guidance office. Bago pa man kaming tingnan nito ay overreacting kaming umiwas at tumakbo palayo pagkatapos.
"Siraulo ka talaga." Sabi ko na lang habang natatawa pa kami sa nangyari. Napagpasiyahan naman naming pumunta sa mga section namin at bago pa man kami makarating ay napagpasiyahan kong umamin sa kanya.
"Rubin, parang ayoko na muna magpa-rebond. Hindi ko na muna itutuloy 'tong gusto ko." Mahinahon kong sabi nang nakita kong napa-kunot siya. "Edi huwag ka magpa-rebond. Wala namang pumipilit sa'yo e." Sarcastic niyang sagot nang napa-nganga ako sa natanggap ko.
"Sabi mo kaya kagabi magpapa-rebond tayo."
"Sinabi ko 'yon? Mukhang 'di eepekto sa'yo e. Masyado kasing buhol 'yang ugat sa ulo mo kaya dapat opera sa ulo ang kailangan mo para isa isa nilang ituwid 'yang sabog mong isip."
Na-offend ako sa sinabi niya pero alam kong nabibiro lang siya kaya naman tumawa na lamang ako ng kaunti. "So, hindi ikaw 'yung nag-text kagabi sa'kin?"
"Hindi." Pabiro niyang sagot at tumango na lang ako. Mamaya maya lamang ay bigla na lang siyang tumawa mag-isa. "Sabi na nga ba e. Nakakainis ka talaga."
"Ang sa'kin naman kasi, si Aviarro lang naman kasi 'yang gumugulo at bumubuhol ng sabog mong isip at buhok kaya tigilan mo na 'tong kahibangan na 'to at si Ruvie na lang ang ligawan mo." Nangilabot ako sa sinabi niya nang napatalon ako dahil do'n, lalo na't naalala ko pa ang pisikal na anyo nito. Hindi ko gusto ang makasama ang salamin na iyon.
"I hate you, Rubin. I want Aviarro all along. Tama ba?"
Tumango na lang siya nang pumasok na siya sa classroom niya habang ako naman ay tumingin pa sa bintana para sulyapan si Aviarro at kinamayan naman niya si Rubin. Nang inutusan ni Rubin si Aviarro na tumingin sa direksyon ko ay umiwas agad ako at idineretso ko na lang ang sarili ko sa section B.
Pagkaupo ko naman sa aking desk ay inilapag ko na lamang ang ulo ko na sabi ni Rubin ay sabog. Aviarro on the game pa ba?
Pagsapit ng dismissal time ay walang komento ang adviser namin sa akin, kaya naman dali dali akong lumabas sa silid na parang mga normal na estudyante. Buti na lang nakatakas ako. Pagkalabas ko naman ay sumalubong sa akin si Aviarro, at ang nasa likod niya ay si Rubin na sinesenyasan ako na sunggaban ko na. Siya raw ang bahala sa akin. SIyempre kayang kaya ko na'ng mag-isa si Aviarro at hindi ko kailangan ng tulong niya sa pangsusunggab ko.
"Hi Relinne." Medyo nahihiyang approach ni Aviarro sa akin at parang may something sa likuran niya. Itinaas naman ni Rubin ang kamay niya na may hawak na 1 stem Rose at klarong klaro na iaabot niya iyon sa kamay ni Aviarro sa likuran para ibigay sa akin. It's working!
Gusto ko mang mag-thumbs up ngunit hindi ko magawa dahil baka malaman ni Aviarro na sangkot ako sa set up namin ni Rubin na paglapitin kaming dalawa.
"For you." Pagkabigay naman sa'kin ni Aviarro ng rose ay umalis na si Rubin at tiningnan ko na si Aviarro ng aking mapupungay na mata. "T-thank you. Bakit mo ako binigyan ng Rose?"
"Ah, pinapabigay ni Rubin. Bigay ko raw sa'yo pagka-uwian." Tumango naman ako ng papilit at nakita ko sa malayong distansiya na kinawayan ako ni Rubin habang suot suot niya ang masaya niyang panggoo-good time sa akin, kaya naman tumakbo ako papunta sa kanya at naiwang nakatayo si Aviarro, kahit na ang sakit pa rin ng legs ko. Mapipilayan ako nito e. Salvaje talaga!
"Rubin, bumalik ka rito!" Sigaw ko at wala na akong pakialam kung sitahin na naman ako ng kung sinong officer dito. Bumaba siya ng hagdanan at sa kamuntikan na akong matalisod ay bigla na lang naputol ang stem ng Rose na binigay sa'kin ni Aviarro. Do'n na ako tumigil sa kakahabol kay Rubin at pinulot na lang ang kalahati ng naputol na bulaklak. Napaupo naman ako sa hagdanan habang may mga estudyanteng bumababa. Wala akong pakialam kung iisipin nilang nababaliw na ako. Sumakit na rin talaga ang legs ko. Napagpasiyahan ko na lang na sumigaw.
"Rubin! Bwisit ka."
Mariin kong hinawakan ang rose na nahati sa dalawa at muli kong naalala na parang ito ang Rose na ibinigay ni Aviarro do'n sa Carly, at si Kyle ay nakatira sa boarding house na inuupahan ko. Kung isumbong ko kaya 'tong si Rubin? Masisindak kaya siya sa bagsik ni Kyle? Total si Aviarro ay nasindak e.
Nasisindak pa ba ang lalaking iyon? Paano nafe-freak out ang isang Rubin Salvajes, ang lalaking kurtina na nagagawan ng paraan ang bawat palabas na dina-direct niya? Kurtina nga ang lalaking iyon. 'The show must go on' ang lagi niyang linya. Every show is controlled by our very own, Rubin Salvajes.
BINABASA MO ANG
Unpleasant Beauty (Kapintasan #1)
Teen FictionThis is a story of two people na hindi nabiyayaan ng matinong itsura sa pisikal na anyo, ngunit bawing bawi naman sa panloob dahil mabait talaga sila; well at least they thought. Kapag dalawang panget ang nagkatuluyan, maganda ba ang kakalabasan? Ka...