Chapter 8: Dress

37 3 6
                                    

"Ano ba, bakit ka ba nagagalit sa akin? Ikaw pa talaga ang magagalit ngayon?" Napansin ko sa mukha niya na gusto niyang matawa dahil sa nangyari ngunit pinalitan niya agad ang mukha at nagpasiyang maggalit-galitan. "Ang arte mo, Rubin. Ano naman kasi ang inaabangan mo sa banyo kanina? May lalaking CR naman kayo ah. Gusto mo samahan pa kita."

Pilosopo kong sagot at pilit ko sa kanya pero mas kumurba ang mga kilay nito para makumbinsi niya akong dapat tumahimik na lamang ako.

"Relinne, galit ako. Huwag mo nang dagdagan pa."

Pagiinarte niya at tumingin lang ako sa taas para asarin siya dahil wala sa lugar ang galit-galitan niya ngayon. "O ano ngayon? Atsaka please don't you ever hang out with me again. Pagkatapos mo akong pag-tripan kanina ay tsaka mo na lang sasabihin na nagalit ka sa ginawa ko. Ano ako, alipin mo na dapat papayag na lang ako na ganunin mo? Parehas kayong magkapatid" Pagrereklamo ko sa kanya at kumunot ang noo niya sa pagka-taka. Na-realized ko na naging taklesa pala ako at dapat ay hindi ko sinabi sa kanya na ayaw ko na'ng makipag-hangout sa kanya dahil siya lang talaga ang kaibigan ko rito kahit may kapalit.

"Relinne, ang OA mo. Hindi ko sinabing galit ako sa'yo dahil dapat nag-react ka in a certain way sa pang-aasar ko kanina. Huwag masiyadong apektado." Nainis ako sa sinabi niya, kaya naman ay bigla na lamang nag-init ang loob ko at napagpasiyahang magpasabog ng hinanakit ko.

"Rubin ano ba? Porket lang ba panget ako ay kailangan utusan mo na lang ako sa mga bulaklak na 'yon? Oo na. Alam ko naman hindi ko deserved makatanggap ng rosas dahil para lang 'yon sa magaganda. Ano ang bagay sa'min? Yung mga tinik ng rosas gano'n? Kung sa bagay, kami naman kasi yung sagabal sa kagandahan 'diba?" Medyo mangiyak ngiyak kong sabi at overreacting na kung overreacting pero hindi naman niya 'ko tinatrato bilang tao man lang.

"Napaka-OA mo naman. Pinagalitan ko si Ruvie kanina dahil what he did is wrong. Siya ang may pakana noon at hindi ko alam na gagawin niya 'yon sa'yo. Sinakyan ko lang siya kanina. Kilala mo naman ako 'diba? Kung pagti-tripan kita, wala akong kinukuntsaba kundi ang sarili ko lang."

Natigilan naman ako sa rason niya at kumabog ng malakas ang dibdib ko dahil mali nga ako. Nagiinarte nga lang ako. Tila dahil sa mga sinabi ko ay naistatwa ako sa kinatatayuan ko at napakagat ako sa labi ko. I want to say sorry pero mapa-pride ang mga babae kaya iyon ang susundin ko.

"Sorry."

Hindi pala kami mapa-pride. Rosas kami na dapat iniintindi na minsan ay nalalanta kaya dapat na dinidiligan.

"Halika, harapin natin ang Ruvie na 'yon." Sabi nito at tumango siya, as a gesture na gusto niya akong sumama sa inaaya niya. "Forget about Ruvie. Just forget about i-it." Nauutal kong sabi at bigla na lang niya akong tiningnan ng masinsinan. "Wow, look who's trying to fit in. Sige ka, hindi nakakaganda ang pagutal na pagsasalita."

Napangiti naman ako sa sinabi niya at pinalo na siya ng pabiro. Nakakainis talaga 'to. "And the redundancy? Forget and forget?" Dagdag niya sa panghuhusga nito at tumawa na rin ito.

"But you are trying. Keep working on it."

Tumango naman ako at inakbayan niya ako. "Heh, akala mo diyan may atraso ka pa sa akin." Sabi ko at dahil nga sa dami na niyang ginawa sa akin, katulad na lang ng pagkaladkad sa akin o sa pangaasar niya ay napatingin ako sa rosas na binigay sa'kin ni Carly. Talagang subukan lang ako nitong Rubin na ito ay isusumbong ko siya na set up lang ang lahat ng ito. Na itinutulak pa niya lalo si Aviarro kay Carly.

Pumunta naman kami sa auditorium ni Rubin kung saan daw matatagpuan si Ruvie dahil parusa raw talaga ng kapatid niya ang mag-volunteer work para sa darating sa pageant. Pagkapasok namin ay raw pa ang stage. May babae at lalaki naman do'n ang natayo sa likod ng mikropono habang ang iba ay abala sa pagkabit ng mga palamuti.

Unpleasant Beauty (Kapintasan #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon