Chapter 13: Kaartehan

47 1 0
                                    

"Haha ikaw talaga Salvajes, ang galing mong magbiro." Komento ni Carly at patuloy ko pa ring pinanlisikan ng mata si Ruvie. Kaka-bwisit talaga 'tong lalaking 'to. Nakaka-insulto. "By the way, ano nga palang ginagawa niyo rito?" Sunod na tanong pa ni Carly at gusto talaga niyang maki-usyoso. Nakakahiya. Bakit ba kasi ako nahihiya at naiinis at the same time?

"Ikaw Rubin, ano'ng ginagawa mo ba't kasama mo ang dalawang ito?" Sunod na namang tanong ni Carly at medyo naiirita na ako. Nagpapahalata kasi siya. "Ah, sinasamahan ko lang 'tong dalawa." Napatingin sa'kin ang Rubin na ito at sinenyasan akong magusap kami kaya naman tumayo siya at sumunod na lang ako. Hindi na siya gano'ng ka-demanding sa'kin at mas mukha na siyang soft-spoken kung kausapin.

Tumayo kami sa labas ng CR at nag-inarte ako sa pag-cross arms. "What?"

"Ang arte mo."

Napanganga naman ako at tiningnan siya ng masama. "Ano akala mo sa'kin, 'di ka kilala? Nagseselos ka lang kay Ruvie at Danka e."

"Whatever."

"Napaka-arte mo na talaga."

"Bakit, paki-alam mo?"

"Hindi bagay sa'yo. Ganyan ba'ng kaartehan ang tinuro ko sa'yo?"

"Ikaw ang dahilan kung bakit naging ganito ako kaarte. Minamaliit mo ako e at ganitong pagiinarte lang ang solusyon ko para maki-bagay naman ako sa mga magaganda na tulad ni Carly."

"Well you don't need to fit in because you are standing out."

"Yeah right. Nags-stand out ang kapangitan ko."

"Mas lalong pumapangit kapag pinipilit."

"So pilit yung pagiging maganda ko--"

"Panget. Mas lalo mo pang pinipilit yung sarili mo na pumapangit ka lang. Nakakaturn off."

"Bastos!" Napasigaw kong sabi sa kanya at naagaw namin ang atensiyon ng lahat--including the three. Kung maganda lang sana ako ay ipagtatanggol ako ng kung sino man dito pero chismis ang nakuha ko.

"See? I told you, don't even try to fit it. Stand out!"

Bigla naman niya akong hinila at pilit na dinidikit niya ang sarili niya sa akin nang nagulat naman ako sa dumating na si Ruvie. Nag-panic at bigla na lang niyang tinulak palayo ang Kuya niya. "See what I mean, Relinne? Don't you really do it. Kapag ibang tao mismo ang gagawa sa'yo ng ganito ay magiging natural na lang ang pagtrato sa'yo ng mga tao."

"Kagaya nitong si Ruvie, gano'n?" Sarcastic kong sagot sa kanya habang si Ruvie ay naguguluhan sa amin. "Rubin pwede ba? I'm in the middle of a conversation tapos tsaka mo akong uutusan ng ganito?" Bulong ni Ruvie sa kuya niya na rinig na rinig ko at umalis na ito para bumalik sa Danka na 'yon.

Masama ko siyang tiningnan at nag-cross arms na naman ako. "Ano, magkasabwat pala kayo para pagtripan na naman ako?"

"Oo"

"Napaka-prangka mo. I hate you."

"Ang arte mo."

Dahil nainis na nga ako kay Rubin ay hinila ko na rin si Carly kila Ruvie at sa Danka na 'yon para bumalik na sa lamesa namin. Hinarap ako ni Carly pagkaupo namin. "O, bakit ka nagkakaganyan?"

Sinundot sundot ko yung ice cream ko habang siya pinagpatuloy pa niyang kainin yung sa kanya. "E kasi si Rubin. Nakakainis. Mga Salvajes talaga!" Pinaringgan ko talaga ang magkapatid--emphasizing their surname. "Si Rubin lang ba o pati si Ruvie?"

"O please! Pwedeng both? Kasi si Rubin tatratuhin niya lang ng tama ang babae kapag maganda katulad mo--comparing Ruvie..."

"What about him?" Singit ni Carly nang hindi ako nakapagsalita. Napatingin naman ako kay Ruvie at na-realized kong parang siya lang ang makakaintindi sa'kin--nevermind dahil ayaw niya pala yung mindset ko. "Nevermind."

Unpleasant Beauty (Kapintasan #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon