Chapter 16: Guilty as Charged

6 0 0
                                    

Thank you @cgthreena for the cover

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Thank you @cgthreena for the cover. It's been a while since may gumawa ng cover for me haha! Ganda ng buhok ni Relinne, no?

Anyway, here's the update!

---

"Hi Relinne"

"Uy girl. Care to join us?"

"Wow, si Relinne 'yon 'diba? Yung sa pageant?"

"Oo, yung brave girl!"

Akala ko pinagtsi-tsismisan na ako ng mga estudyante. Akala ko kinaiinggitan na nila ako. Nababaliw lang pala ako. Nakakainis. Akala ko ba naman ito na yung araw na titingalain ako ng mga tao. Hindi pala. Mas lalo pa siguro nila akong ibabatikos.

"Oh, ano'ng ngini-ngiti ngiti mo diyan?" Panunukso ni Rubin at um-awkward na tuloy kaya binawasan ko na lang ang ngiti ko. "You're giving me the credit, right?"

Tiningnan ko naman siya ng weird dahil hindi ko na-gets ang sinabi niya. "Ano?"

"I told you I'm gonna build you. Here it is, ito na yung progress. People are starting to like you." Minsan ang sarap hambalusin ng lalaking ito e. Napaka-laki kasi ng ego. Ni-hindi nga niya ako malakad-lakad kay Aviarro kasi ako 'tong humahabol. Tinatakbuhan naman ako palayo. Napaka-sad talaga ng buhay. 

"Kapal mo naman kuya Rubs" Biro ko sa kanya at tumawa siya sa sinabi ko. "Bakit?"

"Kuya Rubs?"

"Oo. Bago kong endearment sa'yo 'yan! Atsaka wala namang pumapansin sa'kin." Reklamo ko sa kanya at na-disappoint dahil wala man lang akong nakuhang atensyon sa mga tao. "Ano ba gusto mo? Yung kakalat yung scandal mo? Dali gagawin ni Kuya Rubs yan para sa'yo." Sinubukan niyang i-uplift yung spirit ko pero ano 'tong scandal na sinasabi niya? Bastos!

Papaluin ko na sana siya pero tinawanan na niya agad ako. "Dumi ng isip mo ah?" Hahaha!"

Nakita namin na dumating na ang prof namin kaya naman humiwalay na kami ng landas. Pumasok na siya sa classroom niya at gano'n din ako. Nang umupo ako ay sumisilip-silip ako sa bintana namin para silipin yung classroom ng section A. Habang sumisilip ako ay naramdaman kong may papalapit sa'kin at yung adviser namin 'yon. Sinenyasan niya ako na pumunta sa lamesa niya sa harapan.

"Ma'am, may problema po ba?" Mahinhin kong sabi kahit na sa loob-looban ko gusto ko nang magwala. Kung kailan ga-graduate na ako ng high school, tsaka pa lang ako na-trouble. Mali na bang silipin ang inspirasyon sa kabilang section. "Relinne ano'ng nangyari?"

Straight na tanong niya na para bang preso ang tinanong niya. Kumabog yung dibdib ko ng sobra. Napahawak agad ako sa puso kong wala namang laman. Ayaw kasi ni Aviarro. Ay nako Relinne tigil-tigilan mo 'tong kahibangan mo ngayon. "Ma'am ano'ng nangyari?" Tanong ko pabalik pero umiling na siya. Ayan na. Lahat na ata ng tao nadi-disappoint ko. Pati ba naman si Ma'am 'di ko rin ma-please. Yung salamin lang ata yung natuwa sa ginawa ko. Oo, si Mr Defect Salvajes. The Salvajes number 2.

Unpleasant Beauty (Kapintasan #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon