Pagkatapos gamutin ng Azilang ito ang sugat ni Aviarro ay inalalayan nitong patayuin siya. Akala mo naman ay hindi na kaya ni Aviarro yan. Masyado lang siyang papansin. Nakakainis.
Nang nilapitan ko naman silang dalawa para alalayan din si Aviarro ay pa-simpleng tinanggal ni Azila ang pagkakahawak ko sa balikat ni Aviarro. Nakakabwisit naman talaga, oo.
"Sige, thank you nurse. Okay na ako." Napapapikit pa rin sa sakit si Aviarro pero nagpupumilit pa rin itong ahas na ito. What's wrong with her? "Ay baka kasi mapilay ka."
Nainis ako sa komento ng babaeng ito kaya naman pinrangka ko na ito. "Ang OA naman ng pilay, baka ikaw mapilayan sa ginagawa mo. Mababalian ka ng buto sa ginagawa mong pagakbay ni Aviarro sa'yo. Sige ka, mabigat pa naman ang buto ng lalaki." Sarcastic kong sagot nang pinanlisikan niya ako ng mata. Napansin naman ni Aviarro na medyo pagalit na ang utas ko kaya naman tumango siya sa akin at humarap kay Azila.
"She's right. I mean I can handle this. May class pa rin kasi kami." Mahinahon niyang pagpapaliwanag at dahil wala nang nagawa ang babaeng ito ay nakarinig pa kami ng hum na ikinarereklamo niya ang pag-reject sa kanya. Napangiti ako sa kawalan dahil uwian na pero ang lame ng excuse ni crush. Ano nang nangyayari sa mga taong in love, lalo na sa babaeng katulad ko? Gusto na lang talaga akong solohin ni Aviarro.
--ngunit nawala naman ang last hope ko nang may tatlong lalaking dali dali na lang sumulpot dito sa clinic at lumapit sa nakatayong si Aviarro. Napanganga naman ako dahil para akong nakakita ng Hollywood stars. Ang ga-gwapo.
"What happened?" Tanong ng pinaka-matangkad sa tatlo at mukhang ito ang pangalawa. Dahil malinaw ang mata ko, ay ipinikit ko ang isang mata ko para tingnan ang maliliit na letra sa kanyang I.D.
Armand, Sarro David
Pang-screen name ang pangalan. Artistang artista.
"Pa'no niyo nalaman na nandito ako? Umalis na kayo. May klase pa kami." Nakakatangang rason ni Aviarro nang napa-tingin ang tatlo sa akin. Sa pagsabi ni Aviarro ng 'kami' ay sinulyapan niya ang maaliwalas kong mukha na medyo hindi. Ang kalat kasi. Kailangan walisin ang mukhang ito, but enough with the mess. This is it...
"Hi, I'm Relinne Quiseo. Ako nga pala ang sister-in-law niyo for now on. Ang sweet nga ng Kuya niyo e. Ang sweet namin..."
Atat na ako sa magiging speech ko. "Who's her?" Tanong ng pinaka-maliit sa kanila. Well, "practically" dahil halos magkakasing-tangkad lang sila. Ang pinaka-bunso nga lang sa kanila ay tantsa ko nasa 16, which is almost kasing edad ko lang dahil 18 lang ako.
Bagay pa ba tayo, Aviarro? Almost 21 ka na for heaven's sake!
Umubo naman ako para sa distraction effect ko sa kanila ngunit mukhang distract na distract nga sila, hindi sila attract sa ginawa ko. Wrong timing dahil wala pa akong mint gum ngayon. No minty fresh breath. 'Di sila makakahinga nito, but I will let them breathless. Watch.
"I'm Reli--"
"Section B siya. Si Relinne Quiseo. Kaibigan ko."
Natigilan naman ako sa sinabi ni Aviarro nang inover heard ko pa sa tainga ko ang kaibigan na word. Para akong nabuhayan ng loob at kaya pang mabuhay hanggang 1000 years dahil kaibigan na ang turing niya sa akin. Ka-i-bi-gan.
Napatingin naman ang magkakapatid sa akin, including Aviarro na nasa likod ng tatlo. "Relinne these are my brothers. Sarro, Arroe and Grano."
Awkward naman akong ngumiti dahil mukhang nagbibiro si Aviarro. At nagtataka lang ako na bakit ang mga pangalan nila ay tunog may sakit. Or tunog ng pangalan ng sakit? Oh well.
BINABASA MO ANG
Unpleasant Beauty (Kapintasan #1)
Fiksi RemajaThis is a story of two people na hindi nabiyayaan ng matinong itsura sa pisikal na anyo, ngunit bawing bawi naman sa panloob dahil mabait talaga sila; well at least they thought. Kapag dalawang panget ang nagkatuluyan, maganda ba ang kakalabasan? Ka...