"Mr. Salvajes, bakit late ka sa klase ko? Nasa'n ang excuse slip mo?" Rinig kong saway ng teacher ng section A kay Ruvie at nakita ko ang iba, including Aviarro's group na nadismaya dahil ang defect version ng Salvajes brother ang nasa harap nila, instead yung isang maayos ayos na salbahe rin naman. I kind of feel the same way of being an outcast. Ganitong ganito ako e, except may dahilan nga lang siya para maging late at dahil 'yon sa pagsumbong niya sa'min ni Rubin.
Habang sumisilip ako sa bintana ng klase ng section A ay nakita kong may inabot si Ruvie na excuse slip at narinig kong sumakit daw yung ulo niya kanina. Kaya pala nasa clinic siya kanina.
Buti pa siya may excuse. Ako wala. Patay!
"Thank you and by the way Mr. Salvajes at Ms. Tenefrancia, pinapatawag kayo sa library for remedial tutorial." Sunod na sabi ng teacher nila nang naka-isip ako ng paraan para ma-i-excuse ako, pero patay na talaga ako nito. E kung gumawa na lang kaya ako ng pekeng slip para ma-i-excuse rin ako?
Dahil sa sobrang paranoid ko ay tumayo ako sa harap ng pinto ng section A para kausapin si Ruvie. "Kay Ruvie Salvajes po?"
At ang mga tao naman ay naghiyawan dahil sa sinabi kong 'yon. Nakakahiya. "Okay hija. Sa backdoor na lang kayo magusap. Ruvie, huwag mong kakalimutan na pumunta sa library pagkatapos." Tumango naman ako at gano'n din si Ruvie nang dumiretso ako sa pangalawang pintuan ng classroom nila para kitain si Ruvie.
"Ano'ng kailangan mo." Matamlay niyang sabi.
"Hi." Sarcastic kong bati dahil may kailangan ako sa kanya at awkward akong ngumiti.
"Listen."
"Ayokong makinig e. Yung tenga ko kasi reserved sa pakikinig sa Physics lecture namin." Manang mana ito sa kapatid niya. Kung hindi nakakainis, nakakabwisit.
"Alam mo kung ayaw mong kumanta ako rito ng Listen ay papakinggan mo ako." At mukhang pinipili niya na kumanta na lang ako kaya naman napagpasiyahan ko na lang na ipahiya siya. "Ruvie...listen, I am alone at a crossroads. I'm not at home in my own home. And I've tried and tried~" Mala-sintunado kong pagkanta at nilaksan ko ito para ma-distract ang buong klase, makausap ko lang siya for excuse slip.
"Hey, I am trying to lecture here. Can you please take that outside my class?" Success at tinawanan na nga ako ng mga kaklase niya. "I don't have space for distraction here. Ruvie? 'Diba't sinabi ko pumunta ka na sa library? Si Skype nauna na ah?" Saway na ng teacher nila at hinila ko na si Ruvie palayo sa section A. Buti nga at pinagalitan siya!
"Ano'ng gusto mong sunod na kantahin ko? Or ano'ng gusto mo, panget na lyrics o panget na boses--" Natigilan naman ako sa pang-asar ko sa kanya nang nilagay niya ang mga daliri sa hairline nito. Badtrip na si Salvajes number 2.
"Alam mo kung ida-date mo lang ako para lang sa lalaking mas ungas pa sa akin ay huwag na. Magpapauto ka pa kay Rubin. Akala mo naman matutulungan ka pa no'n."
At sa sinabi niyang 'yon ay medyo nakumbinsi niya ako sa parteng huwag na ako makinig kay Rubin, but Aviarro is Aviarro. He's inside. Bukod sa puso ko ay nasa classroom siya.
"No one cares about how against--sa pagkakaibigan namin." I stated at napatingin siya sa kisame dahil sa sinabi kong iyon. "And nobody cares about your friendship with him, but you." Napanganga naman ako sa pagco-correct niya sa akin at akmang iiwanan na niya ako ngunit pinigilan ko na siya agad.
"Ikaw naman, hindi ka talaga mabiro. Isa lang naman akong laitera na kailangan ng excuse slip e." Pahina nang pahina ang boses ko nang sinabi ko sa kanya 'yon nang tiningnan niya lang ako na parang wala siyang narinig. "Excuse? What's going to be your excuse then? Na nag-excuse ka para i-date ako? Ayon lang naman 'yon 'diba? Para makuha mo yung man of your dreams mo? Nonsense."
BINABASA MO ANG
Unpleasant Beauty (Kapintasan #1)
Novela JuvenilThis is a story of two people na hindi nabiyayaan ng matinong itsura sa pisikal na anyo, ngunit bawing bawi naman sa panloob dahil mabait talaga sila; well at least they thought. Kapag dalawang panget ang nagkatuluyan, maganda ba ang kakalabasan? Ka...