Chapter 15: Beauty Panget--Pageant

21 2 0
                                    

Hindi ko alam pero ang babaw talaga ng problema ni Carly. Bakit gano'n ang mga magaganda? Kapag pinagaawayan sila parang hawak nila ang mundo ng dalawang lalaki at ang bigat na sa kanila no'n? Feeling nila nananakal na sila, habang kaming mga panget ang hinahawakan tapos kapag sinasakal na kami wala kaming karapatan magreklamo?

At kahit na-eliminate na siya sa pageant, maganda pa rin siya. Ako nga 'di kasali in the first place pero walang binatbat.

Araw na ng pageant at mga candidate ay abalang abala sa kaka-make up. Na-realized ko na lang bigla ang sinabi ni Carly, yung sinabi ko na rin, na ang mga babae nagpapaganda lang para matanggap ng tao. Tingnan mo ako, hindi tinatanggap kasi wala nang iga-ganda sa'kin.

Dahil nakasira raw ako ng gamit sa backstage noong preparation, ay may mandatory volunteer ako. Kasalanan na pala ang ma-amuse sa mga bagay.

"Pwede paki-kuha ng highlighter ko sa bag ko." Sabi ng isang candidate habang nakaharap siya sa vanity mirror at ni-wave niya ang kamay niya para kung may nag-abot man ng pinapakuha niya. Walang pumansin sa kanya at ako ang malapit sa tinuturo niyang bag. Napatingin siya sa'kin at nakakunot. "A-ako ba?"

Nauutal kong sabi at napataas pa ang kilay niya kasi ako nga ang inuutusan niya. Nakakainis naman. Utusan lang pala ako rito. "Yung highlighter ko please pakikuha na?"

Napatingin na lang ako sa taas dahil ayoko tong ginagawa ko. Nang binuksan ko ang handbag ng babae ay may nakita akong pencil case at binigay na nga ang highlighter. "Ano 'to?"

Tanong nitong nakaka-bwisit na babae at pilosopo ko siyang sinagot, "highlighter"

"Ano, magagamit mo 'to sa make up? Neon yellow na highlighter? Gusto mo gamitin ko sa'yo 'to? Tanga mo namang babae ka--" lalaitin pa sana ako ng babaeng 'to nang may biglang sumingit sa'min. "Nasa'n ka ba kasi, Torrine? Ang tanga naman kasi ng babaeng 'yan. Highlighter ng make-up yung pinapakuha ko tapos yung highlighter sa pencil case yung kinuha."

Nginitian naman ako ng babaeng sumingit at sinenyasan na ako na umalis na since siya pala yung make-up artist. Bwisit. Pagkatapos akong laitin ni girl na 'di naman gano'n ka-pretty ay nakatunganga na lang ako. Mukha na akong tanga. Walang silbi. 

"R-Relinne right?" Tinanong naman ako ng babaeng Torrine ang pangalan at tumango ako kasi Relinne nga naman ang pangalan ko. Sa wakas nagkasilbi na rin ako. Infairness, nakaka-miss din pala si Rubin kahit na binu-bully ako. At least alam kong friends naman kami at may napagti-trip-pan siya at alam kong secure ako sa kanya.

"Y-yeah" May duda kong sagot. Sino ba naman kasing magta-tanong na lang ng pangalan ng may pangalan? "'Diba ikaw yung naka-sira ng mga dress nung rehears--" Hindi ko na siya pinatapos pa dahil pina-mukha talaga sa'kin na maninira ako. "Oo, yung hindi alam kung ano ang highlighter." At sumingit na naman itong burikat na babaeng ito. Tinawanan pa ako. 

"H-hoy--" sasagutin ko sana ang kandidata pero pinigilan na lang ako ng Torrine. Umiling ito na sinasabing huwag ko nang patulan. Siyempre dahil mabait ako ay wala na akong sinabi. "Umm, Relinne can you do me a favor?" Tanong naman ng Torrine at pumayag na lang ako para makawala na sa impyernong ito. Ayoko na maging alalay lang dito 'no.

"Busy kasi ako make-up-pan 'tong si Chanen e, at inuutos kasi sa'kin ni Sir Luigi na i-transfer na ang mga gown na gagamitin para mamaya. Okay lang bang ikaw na lang ang gumawa?" Pakiusap niya sa'kin at nginitian naman niya ako. Mukha naman siyang mabait pero bakit parang may kutob ako na mali 'tong gagawin ko? Dahil ba sa grin ng babaeng ito o dahil na-trauma lang ako dahil nakasira ako noong rehearsal? Bahala na. Ayoko rin kasi na wala akong ginagawa. "Ah, oo naman! Para naman 'di na ako makagulo rito." Parinig ko sa babaeng mukhang highlighter at tinarayan lang ako nito.

Unpleasant Beauty (Kapintasan #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon