What about Ruvie's opinion? Sinasabi niyang nasa ganda lang daw ang habol ko at akala niya ay magkakampi kami at pinapamukha niya sa'kin na ang prinsipyo namin ay ang makuntento sa sarili namin at tanggapin kung sino man kami. E, ito na nga ang pino-point out ni Rubin sa akin--na don't fit in. Stand out!
I guess may punto naman itong dalawang Salvajes na 'to. Sadyang bias lang ako. Oo na. Bait na ako ni Rubin dahil kay Aviarro. Panget na nga ang magsinungaling tapos idadagdag ko pa sa kapangitan ko? Hindi na! I am honest as pretty, para kahit papano naman madagdagan ang kagandahan ko.
---
"Vain. Conceited. Ayan ang pino-promote ng pageants na yan! They're so cliché already."
"The beauty they want in us is the beauty outside. Yung beauty na gusto niyo? They are torturing us. Right girls?" Nakita kong parang walang uma-agree kay Carly. Kawawa naman. Sabi ko naman kasi sa kanya na huwag nang ipilit ang natural beauty pageant na 'yan!
"If we're going to represent ourselves as beautiful, then why do we show them the fake version of us with make-ups and shits? 'Di ba mas okay yung ipapakita lang namin kung sino lang kami? Or better, the worst of us para makita nila ang beauty behind our worst time and worst look. Tama. Oo gano'n na lang. The winner would get a chance to show the best of them." Talagang pinilit pa ni Carly ang gusto niya at ngayon ay nakapansin na ako ng ilang tango. Ang lakas talaga ng hatak ng babaeng 'to.
Nagkatinginan naman kami ni Carly at kumindat siya sa'kin. Nakita naming may sinusulat na ang coordinator sa mga sinabi ni Carly at pinasa pasa na ito sa mga contestant sa pageant.
"To be fair, whoever agrees on Carly Nixon, please sign the proposal. Magkakaro'n tayo ng petition about this and it will be posted to the public. Good luck to you, Carly."
Tumili naman si Carly dahil sa pagkumbinsi niya at hinawakan niya ang dalawang kamay ko, kasabay ng pagtalon namin dahil sa excitement. "Now girls, raise your hands kung agree kayong sumali si Relinne para makita niya ang worth niya? This petition is her idea anyway."
Hindi na ako nagulat. Yung mga babae para bang nag-turn down sa pipirmahan nila dahil sa birong sinabi ni Carly. Nainsulto ako ah? Narinig ko namang may tumawa at si Rubin 'yon. He's back!
"G-guys! Joke lang 'yon. Magaling lang talaga magbiro 'tong si Carly. Huwag seryosohin..." Humina naman ang boses ko dahil alam kong dadagdag na naman 'tong si Rubin. This Salvajes, ang salbahe talaga!
Natapos na ang meeting tungkol sa pageant at kasama ko pa rin si Carly. Hindi ko naman kasi alam na bubukuin pala ako nitong si Carly, edi sana pinigilan ko man lang siya o hindi pinagsalita. Hindi ko na tuloy alam kung may mukha pa ba akong ihaharap--or should I say, sa harap ni Rubin dahil feeling niya trying hard talaga ako maki-fit in kahit na sinabi niya sa'kin noon na I don't have to.
"Carly dapat 'di ka talaga nagbiro ng gano'n e. Nakakahiya tuloy." Sabi ko sa kanya pero parang di siya sumang-ayon sa sinabi ko. E ako naman kasi yung napahamak at 'di naman siya. "Relinne c'mon. May point ka naman e. Sadyang ayaw ka lang nilang pagbigyan--"
"Kasi alam nilang galing sa'kin. Siguro naman kung 'di mo sinabi na suggestion ko 'yon edi sana okay lang."
"Edi inamin mo rin na okay talaga yung suggestion mo." Bwisit naman kasi 'tong si Carly. Sino ba naman kasi ang hindi magpapaganda sa pageant? Kaya nga pageant e kasi ganda--ay panget pala ang malapit na word na pageant kaya siguro bagay talaga ako. As if naman pagbibigyan nila ako na sumali. Hindi naman ako ganun kaliit. Sa mukha lang talaga ako walang ihaharap.
Hindi na lang ako nakasagot sa kanya at 'di na rin nakapag-salita pa. "Oh c'mon Relinne. Hindi mo talaga 'ko kakausapin? Kung ayaw man ng mga girls yung idea edi kawalan nila. All they care is how smooth our edges are."
BINABASA MO ANG
Unpleasant Beauty (Kapintasan #1)
Ficção AdolescenteThis is a story of two people na hindi nabiyayaan ng matinong itsura sa pisikal na anyo, ngunit bawing bawi naman sa panloob dahil mabait talaga sila; well at least they thought. Kapag dalawang panget ang nagkatuluyan, maganda ba ang kakalabasan? Ka...