Chapter 12: How Far Will You... part2

35 2 1
                                    

Chapter Twelve: How Far Will You... part2

"Anong non sense na pinagsasabi mo at ayaw mong halikan ka niya? Like, he owe just to kiss you.. Alam ko lahat yun, kasi close kami!" nangingiting sabi ni Say sa'kin.

"Huh?!" Hindi pwede! Hindi dapat ako magpadala sa mga sinasabi ng sinungaling na'to!

Nagpatuloy ako sa pagma - mop at tuluyang sinagi ang mga paa ni Say na nakaharang sa mga mina-mop ko. "Excuse me! Tumatagal ang trabaho dahil sa'yo!" sabi ko habang nagma-mop pa rin ng kalaunang di ko akalaing matatalisod ng tuluyan si Say at...

*** Blaggghh!!!

"Huh?!!" kumosyon ng mga tao sa loob ng classroom at napatingin sa kinaroroonan ng kalabog.

Si Say na napahiga sa sahig sanhi ng pagtalisod sa mop ko... Pero bakit? Mahina lang ang pagsagi ko sa mga paa niya? Pero kung makatalisod ay ubod ng lakas sa pagkalabog?

Lahat ng mga tao sa loob ay nag-alala at agad-agad na sumaklolo. Pati ako ay sobrang nag-alala pero di ako makakakilos sa kinatatayuan ko dahil sa pagiisip kung paanong nangyai iyon...

Nandun din si Toji ng mga oras na yun, sumaklolo sa kanyang pagtayo... Pero ng ikilos niya ang mga paa niya, parang helpless ang dating niya.

"I... I'm.... Sor...!!" ibig kong ibigkas sa kanya ang katagang iyon ng...

"Bakit mo ginawa 'to Milfuelle!" si Toji na halatang galit ng magsalita.

Nanatili akong nakatitig sa kanilang dalawa dala na siguro ng pagkalito.

Say:

Iika-ika akong inaalalayan ngayon ni Toji papuntang clinic... Pero ang totoo, medyo masakit ag drama na ito para sakin! Literal na sakit! Siyempre, kinailangan kong magpatihulog para mgaing makakatotohanan ang eksena! Heheheh! A-aray!

"Say... yang pasa mo sa pisngi..." sabing bigla ni Toji habang inaalalay ako.

"Hu-h! 'Wag mo na lang pansinin!" sabi pa ulit niya... Hala! Ang wierd din pala ng isang 'to! Sasagot pa lang ako sa sinasabi niya, biglang wag ko na lang daw pansinin?

Hmmnnn.... Bahala ka!

Nararamdaman kong may sumusunod sa aming dalawa... Lingunin ko nga! Heheheh!

Oooohhh... Si Mil! Mukhang napaniwala ko na naman kayong dalawa! Ahaha... Ngiting tagumpay para sa'yo! Angat isang paa... Hmmmnn... Ano! akala mo napilay mo ako? Akin si Toji ngayon! Bwahahahah!

Nanlaki ang mga mata ni Mil! Success! Bwahahaha!

"Say! Teka!" si Milfuelle. Hala! Hinila ako! Anng gagawin ko?!

"Ano bang nagyayari sa'yo? Hindi ka nama talaga naktan diba?! Nagpapanggap ka lang napilayan ka! Tama ba ako?!" si Milfuelle ulit.

Peste! Makahila naman oh! Nagmumukha talagang nagpapanggap ako eh!

"Ano?! Mil? Pinagsasabi mo? Nahihibang ka na ba? Ako na nga itong nasaktan, pinaghihinalaan mo pa ako sa mga ganyang bagay? Mahiya ka naman!" sabi ko.

Milfuelle:

"Hanggang kelan ka ba ganyan ha! Say?! Nagpapanggap ka, kung minsan ay nanggagaya ka sa mga kagustuhan ko, sa mga inaakto ko! Pero ang totoo ginagawa mo lang lahat ng iyan para agawin sa akin si Toji! Totoo namang hindi mo mahal si Toji! Gusto mo lang siyang angkinin para masabing lahat ng sa akin ay iyo rin!" bulalas ko ng mga oras na iyon sa sinungaling na babaeng 'yan. Medyo napuno ako sa huling sinabi niya, mahiya daw ako? Baka siya ang mahiya sa mga pinagagagawa niya!

"Hindi totoo yan!" sigaw niya sakin.

"Anong hindi?! Totoo! Kaya kung pwede, layuan mo na si Toji!" sabi ko ulit sa kanya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 25, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PEACH GIRL (Adapted)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon