Chapter One: Love Hurricane
(Check the youtube link on the right side and play if you want. That was the theme song of my adoptation of my first chapter. Now Playing: Bakit ba ganyan by Imago)
9:30 am. Monday...
"Teka lang manong, anong inaasta-asta mo dyan?! Kitang-kita ka na nga sa akto! Binabastos mo itong babae, tapos, dini-deny mo pa? gusto mo upakan kita diyan? Di mo ba alam na may kaukulang kaso laban sa ginwa mo sa kanya?! Kung ako sa'yo, mag-sorry ka na sa ginawa mo sa kanya!"
"Teka! Bakit ba ako pinagbibintangan mo? wala naman akong ginagawa sa kanya ah?!"
"Aba, teka... Sumasagot ka pa!!" ***Boogsh!***
"Aray!! Sige, suko na ako, magsosorry na ako... Miss, sorry sa ginawa ko, promis di ko na uulitin..."
"Ayan... Tama yang ginawa mo, matauhan ka na... Isipin mo kung sa anak mong babae at asawa mo mangyari yang ginawa mo sa isang inosenteng babae na nasa harap mo ngayon... Baka umiikot na yang tumbong mo sa galit!! Sige patatawarin na kita... Lumayo ka na dito!!! Maliwanag ba?"
"Oo, miss gagawin ko na!!!" Sabay takbo ng lalaking may sala...
"Miss, okay ka lang?"
"Opo, ate, salamat nga pala sa tulong na ibinigay mo, ano po bang pangalan niyo?"
"Tawagin mo na lang ako sa pangalang MilFuelle..."
"Ah, ate Milfuelle, salamat po ulit, sige mauna na po ako...'
"Oh sige, sa susunod, mag-iingat ka ah?"
"Opo, sige salamat po ulit..."
You heard it right... Ako nga pala si Milfuelle... Isang highschool student sa isang public school... Di ko na kailangang pahabain pa, at malalaman niyo rin naman ang tungkol sakin... at isa na dito, ang nangyari kanina na pinaka-aayaw ko... Ang mabastos...
Ay! Tatakbo na ako... At baka malate pa ako sa school....
10:00 am. School
"Hi Say! Ang ganda mo ngayon ah? Ay, yung bag mo ang cute naman..." sabi ng isang estudyante.
Napalingon ako kung saan yung boses ng estudyante, at ni Say.
"Ay! Thank you sa papuri... Maganda ba? Doon ko lang nabili yan sa katabing department store malapit dito sa school..." tugon ni Say.
"Talaga! titingin nga ako dun..." sabi ulit ng estudyante.
Nang makita ko kung ano yung tinutukoy nila... Nagulat ako, yun yung kursonada kong bag nung kasama ko si Say sa department store... At kinonsulta ko pa nga siya kung maganda sakin, at sinabi niya na pangit daw yung design kaya nangimi akong di bilhin... At ngayon, malaman laman ko siya na pala ang bumili?! Grabe, may pagkainggitera pala itong si Say... Siya nga pala, papakilala ko sa inyo si Say... Siya ang bestfriend kong Maganda, Maputi at Sikat dito na babae sa school... Siya na siguro yung masasabi kong pinagpala ng Panginoon... Kaso, may pagkainggitera siya... At ewan ko ba? Pero, kahit nung mga grade schooler pa lang kami, lahat na lang ng magustuhan ng iba gusto niya meron din siya nun... Kahit pa yung mga hilig ko, aagawin niya rin... Kaya nga ayaw ko sabihin kung sino ang crush ko nung mga grade school kami, kasi pag nalaman niya yun baka maging crush niya rin yun... Ang awkward diba?!...
Pero, may naalala akong isang bagay na sinabi niya nung mga bata pa kami tungkol sa crush ko nun...
***FLASHBACK
"Ahm, Milfuelle, kilala mo ba si Toji?" sabi ni Say.
Ramdam kong medyo namula ako, pero di ko pinahalata kay Say, kasi siya yung crush ko... Si Toji.
BINABASA MO ANG
PEACH GIRL (Adapted)
RomanceSi Milfuelle, simpleng babae ngunit may kinaiinisan sa kanyang sarili, pagiging morena nito. Dahil sa kutis niyang ito, naalala niya parati yung sinasabi ng bestfriend niya 9 years ago tungkol sa ultimate crush niyang si Toji.... Pero may umepal si...