Chapter Five: This Feelings
(Check out the youtube link on the rigtht side and play if you want. This was the theme song of our fifth chapter. Now Playing: What's come over me by Frente)
Continuation...
Oo, si Frank nga yung lumulutang sa tubig ng pool... Nag-alala na agad ako, ngunit naniguro parin at baka ginugood time lang ako nung hambog na yun, kaya upang makasiguro, lumapit ako sa pool line at sinigaw ko ng malakas ang pangalan niya.. Ngunit, hindi pa rin gumalaw ang katawan...Muli, nag-alala na talaga ako at lumusong na sa tubig upang sagipin siya...
Pagkatapos kong iahon sa tubig si Frank ay inihiga ko siya sa pool side... Natataranta na akong hindi ko alam ang gagawin dahil wala pa ring malay si Frank... Sa sobrang pag-iisip ko, naalala ko yung mga seminar sakin nung nagpapart time ako bilang lifeguard sa beach... At Oo. Ginawa ko ang CPR... At pinapump kong maigi siya upang marevive...
Toji:
Pinapapapunta ako ni Say sa pool nitong school, at sinabing nandun daw sina Milfuelle at Frank nang sila lang... Sumunod ako ngunit parang di ako makapaniwala, ngunit mapilit si Say at sinamahan pa ako sa pagpunta... Nang makarating kami sa pool, oo, tama si Say, nandun nga si Milfuelle at si Frank sa aktong nakahiga si Frank at parang nakayuko si Milfuelle at humahalik ito sa kanya... Nakaramdam ako ng pagseselos at si Say naman ay napatigil sa pagsasalita ng kung anu ano tungkol dun sa dalawa at napatingin sa nangyayari, at muling nagsalita na pasigaw..
"Ahh!!! Grabe, nakakadiri... Humantong na pala sila sa ganitong eksena?!!"
Ako naman tuloy parin sa panunuod... At nagsalita ulit si Say...
"Oh... ayokong panoorin!!"
"Wait.." Tugon ko ng may mapansin akong kakaiba... "May something dito na hindi maganda at parang may mali..." sabi ko pa habang lumalapit ako sa direksyon kung saan si Milfuelle at Frank...
"Milfuelle, anong nangyari?!" tanong ko kay Milfuelle.
"Toji, nakita ko siya sa pool at walang malay... Dalian mo, tumawag kayo ng ambulansya!!!" sagot naman ni Milfuelle. Ngunit bago pa ako kumilos, nakita kong nagkakamalay na si Frank at nauubo na sa tubig na nainom ata niya kanina sa pool...
Nang magkamalay na si Frank ay dinala na lang namin siya dito sa clinic ng school...
Milfuelle:
"Okay na siya Milfuelle, walang anumang napuruhan sa kanya, kaya wag ka ng mag-alala atsaka isa pa, salamat na rin at binigyan mo siya ng kaukulang CPR para marevive ang pasyente, kung di sa CPR mo wala na si Frank ngayon... Masyado na kayong nagtatagal na dito sa school, kayong dalawa, magsi-uwi na kayo" sabi ng doktora ng clinic sakin nung mga oras na nadala na dito sa clinic si Frank.
"Hay, salamat naman..." tugon ko. Kumikilos na ako palabas ng clinic kasabay si Toji... Hehehe, oo, tama ang dinig niyo, si Toji ay nandun din nang magsalita si Frank...
"Thanks for saving me Milfuelle, I love you baby!!!"
Nagulat ako sa sinabi niyang yun at nainis, pero nawala iyon at natawa na lang ako nang batukan siya ni dok sa kapilyuhan niya...
"Pwede ba, itikom mo na yang bibig mo, at magpahinga ka na lang.." sabi nung doktora.
"Dok, wag ka namang ganyan sa pasyente mo..." sagot naman ni Frank.
"Hindi pwedeng laging ganyan Frank, at pwede humiga ka na at magpahinga..." tugon ulit ng doktora. Natatawa na lang talaga ako sa pakikinig sa kanila at habang pinahihiga ng doktora si Frank ay nagsalita pa ulit ito...
"I can't say thanks enought Milfuelle, but I'll see you tommorow!!"
Dinedma ko yung sinabi ni Frank at umalis na ako... Sumunod naman si Toji pagkalakad ko... Magkasabay kaming naglalakad pauwi ng magsalita si Toji...
"Ang swerte ni Frank at nandiyan ka..."
"Yeah, tama ka, yes... Huh?! I mean, wala akong kinalaman sa kanya pero ginawa ko iyon bilang kaibigan kasi wala siyang kamaly-malay..." mga sagot ko na prang tuliro.
Tumingin sakin si Toji at tumingin ulit sa ibang direksyon... Nag-iisip ako sa mga sinasabi niya ngayon, feeling ko may mga laman iyo at siguro iniisip niya yung about sa CPR na ginamit ko sa pagsagip kay Frank...
"Milfuelle" sabi ni Toji. Ngunit nakatalikod sakin.
"Narinig ko lahat ng pag-uusap niyo ni Frank kahapon..." dagdag pa niya.
"Ha?! Narinig mo?!" sagot ko... Sabay Flashback sa nangyari kahapon...
***FLASHBACK
"Oo tama ka, gusto ko na si Toji since nung elementary palang kami..."
***END OF FLASHBACK
Waaahhhh!!! Patay na! Narinig niya rin yun panigurado.... Anung gagawin ko!!!
Mukha akong ewan ngayon nakikinig ng magsalita siya ulit... At humarap na sakin....
"You know, hindi ko naman hate ang mga babaeng may morenang kutis, in fact, I think I like you too..."
Natameme ako at nakatingin sa kanya na medyo gulat ang pagkakatitig, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko o irereact ko, basta nagliwanag bigla ang lahat sa aming dalawa...
CONTINUE...
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Author's Note:
Pasensya na po kung natatagalan ang pag-update, medyo may sira ang net nitong gamit ko pero nakakaraos din...
sa mga gusto pa ring sumuporta dito sa kauna unahan kong serye, keep reading pa rin... At mamahalin ko ang inyong suporta... at syempre, kailangan ko rin ng mga boto at komento niyo para alam ko kung nagugustuhan niyo pa ba ang kwento o hindi, at para na ring mapabuti ko pa yung mga eksena sa mga susunod ko pang mga sulatin...
Maraming salamats and Jah Love!!!
-morph
BINABASA MO ANG
PEACH GIRL (Adapted)
Roman d'amourSi Milfuelle, simpleng babae ngunit may kinaiinisan sa kanyang sarili, pagiging morena nito. Dahil sa kutis niyang ito, naalala niya parati yung sinasabi ng bestfriend niya 9 years ago tungkol sa ultimate crush niyang si Toji.... Pero may umepal si...