Chapter Two: Introducing Frank
(Check the youtube link on the right side and play if you want. This was the theme song of my second chapter. Now Playing: Bizarre Love Triangle by Frente)
Meanwhile...
"Oh Frank!! Nakakatuwa ka naman!! Hahaha..." ani ni Say.
"So... Anung bago sa bag..." sabi ni Frank.
Tinaas ng konti ni Say ang new bag niya para ipakita kay Frank. At nagsalita siya...
"Ah, ito?! Gusto ko talaga 'to..."
"Yan yung bag na nakita ko sa isang babae nung isang gabi... nandun ako sa department store ng may nagsabi kung gaano ka-cheap ang itsura niyan..." tugon ni Frank.
Halata sa mukha ni Say ang panlalamig na parang sila yun ni Milfuelle ang nakita ni Frank sa department store ng mga oras na yun. At naalala niya yung mga kinoment niyang di magaganda sa bag nang si Milfuelle ang may kursonadang kunin ito at bilhin...
"Pagkatapos kunin nung kaklase mo yung bag at balak ng bilhin yun, nagkoment ka dun sa bag kung gaano ka-cheap ang fashion sense nito..." dagdag pa ni Frank sa usapan.
Natameme ng konti si Say pero nagsalita pa rin ito...
"Eh... Hindi ko naman ninakaw sa kanya itong bag..."
Lumapit ng konti si Frank kay Say at isinandal ang kanang kamay niya sa pader na parang nakatukod sa side ng ulo ni Say at palapit naman ng konte ang mukha niya sa mukha nitong si Say... Si Say naman, di na alam ang gagawin kung iiwas pa ba siya sa usapan o haharapin parin nito si Frank. At nagsalita si Frank...
"Look Say, ako yung tipong umiidolo sa mga babaeng kaaya-aya sa paningin ko... Ang mga tipo mo ay walang kainti-interes sa akin... Gusto ko yung tipong malusog at may kabutihan sa sarili katulad na lang ng friend mo... Sa pagiging makasarili mo eh, babagsak kang mag-isa sige ka..."
Sa classroom habang naglilinis ako ng floor, nahulat ako ng pumasok si Say dahil binagsak niya yung bag niya sa desk at may sinabi na mukhang galit na galit...
"Ito!!! Kunin mo na yang letcheng bag na yan!!!"
"Ano?!" sabi ko.
Hindi na nagsalita pa si Say sa tanong ko at bigla na lang umalis at lumabas ng classroom... Nagtaka rin ang mga kasama kong naglilinis ng floor at nagsalita...
"Anong nangyari dun? At bakit naghihimutok sa galit?" girl classmate 1.
"Ewan... Di ko alam dun..." sabi ko.
"Siguro, hindi kinonfest ni Frank ang feelings niya kay Say..." sabi ni girl classmate 2.
Napa-isip ako bigla sa sinbi ng classmate ko... Ibig sabihin nagko-confest ng feelings si Say kay Frank? At sa kabilang side ng utak ko ay may biglang nagdidiwang at ang sabi ko na lang: 'Frank you're my hero!! Isang move mo na lang at napasagot mo si Say, masasave ko si Toji para sakin...'
9:30 am. Tuesday
"Good morning, guys!"
Nagulat ako nang lahat ng estudyante sa loob ng classroom namin ay nagtinginan sakin na para bang may mali tapos nakita ko yung blackboard ng bumungag sakin ang naka-drawing na 'Milfuelle love Frank' na nakahugis puso pa ito... Speechless ako, at napatingin ako kung saan direksyon nakapwesto si Say at mukhang parang wala lang sa kanya at busyng busy sa mga kachikahan niya... Kinompronta ko siya at niyayang makipag-usap dun sa gilid ng school sa may garden para masinsinan kong tanungin ang lahat ng nangyayari...
"Bakit mo ginawa yun?" tanong ko.
"Anong ginawa ko?" sagot naman ni Say.
"So, sinasabi mong hindi ikaw yung gumawa nung nakasulat na iyon sa blackboard?!" pagdadagdag ko.
BINABASA MO ANG
PEACH GIRL (Adapted)
RomanceSi Milfuelle, simpleng babae ngunit may kinaiinisan sa kanyang sarili, pagiging morena nito. Dahil sa kutis niyang ito, naalala niya parati yung sinasabi ng bestfriend niya 9 years ago tungkol sa ultimate crush niyang si Toji.... Pero may umepal si...