Chapter 3: The kiss

117 6 2
                                    

Chapter Three: The kiss 

(Check out the youtube link on the right side and play if you want. This was the theme song of third chapter. Now Playing: Halik by Kamikazee)

Continuation...

Hinahampas ko si Frank sa sobrang kahihiyan at inis kasi, he means that kumalat na ang rumors tungkol samin na siya namang gawa gawa lang niya... 

"Paano na yun matatanggal?! Ang sama mo?! Wala ka bang gagawing solusyon sa chismis na gawa gawa mo?! Paano na yung image ko!! Ahhhh!!!" sigaw ko sa kanya. 

Nang matapos ko sabihin yun, may biglang nag-pop-up na tanong sa isipan ko... Paano kung nalaman na yun ni Toji?? Nakakahiya... Malamang iiwas yun sakin, at mag-iisip ng hindi maganda... 

"Frank please, gawan mo 'to ng solusyon... Ayokong tumagal pa itong kasinungalingan habangbuhay dito sa campus!!" dagdag ko pa. 

Tumingin si Frank na may good vibes sa kanyang mga mata at nangingiti na para bang may ibig sabihin... 

"Alam ko na..." sagot niya. 

"Talaga? Paano?" tanong ko. 

"Gawin nating totoo ang chismis..." sabi niya. 

Gumalaw siya at lumapit ito bigla at... Marahang hinalikan ako... Natatili lang akong nakatitig sa kanya ngunit nang mahalikan niya na ako, di ko na nagawang umiwas pa at parang natulala na lamang ako nang maglapat na aming mga labi... 

Tumigil na siya at nagsalita... 

"Ngayon ay hindi na ito kasinungalingan! Hahaha... Kapag may nagsabi sa labas about this atleast masasabi kong totoo ito! Haha..." 

Natili pa rin akong tulala kahit na nagsasalita na siya sa harap ko... Kinaway kaway ni Frank ang mga kamay niya sa mukha ko, pero tulala pa rin ako sa nangyari at nagsalita siya... 

"Aba, hindi ka pa ata natatauhan... Siguro kailangan ko pa ulit itong ulitin..." 

Lumalapit na ulit siya para halikan ulit ako, pero this time di na ako tulala kaya tumitig na ako ng masama at sinikmuraan ko siya gamit ang tuhod ko nang dahil sa inis at irita ko at sumisigaw ako ng gawin ko yun... 

"Ahhh!! Lumayo ka nga sa akin!!!" ***Boogsh!! 

"ahhh!" pumalakda ulit siya at... 

"Hindi ko na lang sana sinagip ka sa katubigan at that day sa beach!! Nakakainis ka!" sigaw ko sa kanya habang nakahiga siya sa lupa sa sobrang sakit na binigay ko sa sikmura niya... Tumalikod na ako at akmang aalis na sa ginagalawan ko at patakbong lumalayo at iniiwan siya... si Frank ay iniwan kong nakahawak sa sikmura niya, dala na rin siguro sa sakit ng ginawa ko. 

Pumunta ako sa malapit lababong may gripo at binuksan upang magahilamos... Naghilamos ako, pinipilit kong burahin ang mga bakas ng mga labi niya sa labi ko... Hindi talaga ako makapaniwala, sino siya sa tingin niya ang sarili niya para gawin yun? at sino naman ako para gawin yun?! At nagpatuloy akong naghilamos ng naghilamos. At napaisip ulit... Ang halikan ako ng wala man lang pasabi... Hindi talaga ito tunay na kiss... 

Meanwhile... 

Habang nasa Locker room kami ni Say... Nakakarinig kami ng mga nagchichismisan sa likod namin habang nagpapalit ako para sa swimming class namin... Nang si Say ay nagsalita... 

"You mean, ginawa niyo yun?! Naghalikan kayo katulad ng sinasabi ng iba?"

Tinalikuran ko si Say para iwasan na ang pangungusap at akmang lalabas na ako ng locker room pero patuloy parin sa pagsasalit itong si Say...

"Oh, come on Milfuelle?! Ngayon ka naman di nagsasalita?!" dagdag niya.

Nang makarating ako sa may pintuan ng locker room, binuksan ko ito para makalabas ng mabuksan ko ang pinto, bumungad sa harap ko at ng pinto si Toji na naglalakad, ngunit huminto siya sa harap ko at tinignan ako na para bang may ibig sabihin... Nakatingin din ako sa kanya at ramdam kong nangangatog ang mga tuhod ko sapagkat alam kong alam na niya ang bali-balita tungkol sakin... At alam ko ring nadidinig niya sa mga oras ding yun ang mga usap usapan dito sa locker room... Ikaw ba namang nag-uumpukan at nag-chichismisan kayo na pagkalakas lakas ng mga boses na para bang sinasadyang iparinig lahat ang usapan? Pagkatapos akong tingnan ni Toji, lumingon na ito sa direksyon kung saan siya pupunta at para bang ang awkward na inisnaban ako... Naiwan ako sa pinto na tinitignan na lang ang paglayo niya at di ko alam na nasa tabi ko na pala si Say nang magsalita ito...

"Di ako makapaniwala, tumingin lang si Toji sa'yo na parang di ka nag-eexist dito!" parang ewan kung natutuwa o concern yung boses ni Say sa pagkakasabi.

Nag-iisa ako ngayon sa isang tabi sa may lilim. Nag-iisip ako, nagsasalita ako sa isip ko patungkol kay Toji... Siguro nga narinig mo na, narinig mo na ang tungkol sa halik na iyon gaya ng sabi ng iba... Never akong nagkiss sa isang lalaki na hindi ko naman nakaka-date man lang o hindi ko naman boyfriend... Lahat yun ang iniisip sakin at parang outcast na ako dito sa school... Bakit pa nangyari sakin ito, ang gusto ko lang naman mula pa nung nasa elementary ako ay si Toji... Kahit itong school, pinili ko lang naman itong pasukin dahil alam kong dito din siya papasok... Its just not fair... Tumulo ang mga luha sa aking mga mata na para bang may sariling buhay ito at bumagsak sa sahig na kinauupuan ko... Yumuko ako at iniiyak na lang ang mga pangyayari... At nang... Nagulat ako, dahil may humahawak sa magkabilaang balikat ko at may lumapat na ulo sa likuran ko... At nagsalita...

"Such a delicate feminine frame you had..." nagmula sa boses sa likuran.

Ah! Kilala ko ang boses na 'yon... Hinanda ko ang sarili ko upang mabatukan ang taong humahawak sa mga balikat ko at napagtagumpayan kong mabatukan... Tama nga ako, si Frank iyon... Ang hambog na si Frank... Pumalakda ulit siya sa sahig at nagsalita ako...

"Ilayo mo nga yang mga kamay mo sa katawan ko, baliw!!!"

"Bakit? Nagkiss na tayo diba, anung problema kung humawak ako sa balikat mo?" sagot pa niya.

"Shut up!!! Nakikita mo ba? Ayaw kitang makita Frank!!" sigaw ko.

"Ang umupo lang habang nasa swimming class ay isang buwang absent..." sabi niya pa.

Nairita ako kaya nakatikim ulit siya ng mga batok sakin... At nagpaliwanag ako...

"No, its not!! Kaya ako nandito dahil ayoko na muling mababd sa arawan, maliwanag?!"

"Para sakin ang mga tipo ng kutis mo ay much better kesa sa mga mapuputi... Gets?!' sagot pa niya.

Nakita kong nagtitinginan samin ni Frank ang mga usiserang mga classmate namin at mukhang pinaguusapan na naman kami...

CONTINUE...

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Author's Note:

Like I said mag-a-update po ako kung kelan may free time...

So Continue reading this book...

Jah Love!

-morph

PEACH GIRL (Adapted)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon