Chapter Eight: Envy Part 2
(Check out the youtube link on the right side and play if you want. This was the theme song of our eight chapter. Now Playing: If This Was A Movie by Taylor Swift)
Milfuelle:
Alam ko na pinangamgalandakan na naman ni Say sa'kin ang kaisa-isang bagay na gusto ko rin at alam ko ring handa siyang ipaglaban ito mapasakanya lang, pero iba ng sitwassyon kapag si Toji na ang pagtatangkain niyang agawin sa'kin... Kung sa simpleng clip lang nagkakaganito na ako, paano pa kaya kung si Toji na?
Hinayaan ko na lang si Say at yung clip, wala na naman akong mapapala kung iintindihin ko pa yun kung nabili na ni Say, ang importante sa'kin ay si Toji...
Say:
Lumabas ako ng room at alam kong nakatingin sa'kin si Milfuelle at sa bago kong clip... Malamang sa malamang inggit na inggit na yung babaeng yun sa'kin... Hahaha! Pero di ko lang matanggap na sila ni Toji, hindi!
Kinakausap ako nung isang batch namin dito sa labas ng room, baka daw ako ang hiranging prom queen this incoming prom night... At siyempre maning mani lang sa'kin ang pagkapanalo ko rin dun... Kaso...
"Uy! Alam mo ba si Frank? Mas lalong magiging gwapo siguro siya kung makikita natin siya sa prom with his suit... Hmm, nae-excite tuloy ako sa prom!"
"Teka, meron pa si Toji, isa kaya sa mga most adorable dito sa school, tiyak, may dating din yun pagdating ng prom..."
Sabi yun ng mga naglalakarang dalawang babae, at siyempre nilakihan ko na naman ang mga tenga ko upang marinig yun. Tsk... Kakainis malamang din yan si Milfuelle na naman ang pag-aagawan nila sa prom... Di pwede yun, ngayon palang gagawa na ako ng paraan para mapaghiwalay ko na si Toji at si Milfuelle, total, already busted na si Frank sa babaeng yun kaya di na siguro magtatangka pang mangulit yun... At pareho ko silang aakitin... hm.hm.hm.hm....
Milfuelle:
Magkasama kani ngayon ni Toji na kumakain sa isang restaurant at nag-uusap ng mga bagay bagay...
"Anong problema?" sabi ni Toji.
"Ah, wala..." sagot ko.
Medyo, nao-awkward na naman ang feeling ko pag kasama ko siya, at akala ko pa rin eh, nananaginip pa rin ako...
"Bakit parang ilang kang kausapin ako?" tanong niya.
"Ah, sorry never pa kasi akong nag-steady sa pakikipag-usap sa isang lalaki, and ikaw pa lang talaga ngayon... Di ko tuloy alam kung anong sasabihin..." nakayuko kong sinabi habang hawak hawak ang isang pirasong papel...
Hiyang hiya ako, di ko talaga ang gusto kong gawin sa kanya, at pero masaya ako na kasama ko siya ngayon...
"wag kang maga-alala, nasa getting-to-know each other palang naman tayo... So, normal lang yan, itatanong ko lang naman sa'yo kung ano mga paborito mo, yun lang..."
Sabi niya na may maaliwalas ang pagmumukha... Lalo tuloy akong napapamahal sa kanya habang kaharap ko siya ngayon, ibang iba ang feeling ng tanggap ka ng buong puso...
Meanwhile...
Sa school, kinausap ako ni Say tungkol sa problema niya at nanghihingi ng advice, kaso kailangang ako ni Toji within 15minutes sa library...
Kaso mapilit si Say, kaya napaupo na niya ako at nagkwento...
"Tungkol 'to sa isang lalaki na nakikipag-date sa'kin about a week..." pag-uumpisa niya.
BINABASA MO ANG
PEACH GIRL (Adapted)
RomanceSi Milfuelle, simpleng babae ngunit may kinaiinisan sa kanyang sarili, pagiging morena nito. Dahil sa kutis niyang ito, naalala niya parati yung sinasabi ng bestfriend niya 9 years ago tungkol sa ultimate crush niyang si Toji.... Pero may umepal si...