Chapter Seven: Envy
(Check out the youtube link on the right side and play if you want. This was the theme song of our seventh chapter. Now Playing: Di Kasi by Moonstar 88)
9:30 am.
Milfuelle:
Naglalakad ako ngayon papuntang school... Medyo balisa sa mga iniisip ko habang naglalakad ako. Hindi ko alam kung totoo yung mga pangyayari kahapon o panaginip lang, pero parang hindi... Positibo akong walang gusto si Toji sakin, then out of the blue, nag-confess siya na may gusto siya sakin? Concern parin ako sa pagiging tanned skin ko, pero ngayon, di na ako nagwoworry... Hmm...
"Milfuelle my love!!"
Nagulat ako at nandito na naman ang asungot na si Frank, at biglang niyakap ako... Nagsalita ulit siya...
"Thank you kahapon sa pagsagip sa buhay ko with those tender lips..."
Hmp... Mukang naiirita na naman ako sa inaasal niya ngayon... Hinawakan ko agad siya sa kanyang t-shirt at akmang sasapukin ko ng kamao pero nagsalita muna ako...
"Kung anu ano mga iniisip mo ahh... Dapat hinayaan na langb kitang malunod!!!"
"Hindi naman kasi ako naniniwalang hindi ikaw yung nagbigay sakin ng CPR nung sa beach two years ago... Yung nurse na ang nagsabi, that you already experience in doing CPR plus nung maglapat yung mga lips natin parang dejavu at may naalala ako..." sabi pa niya.
Nagulat ako sa mga pangungusap niyang iyon... At sumagot ako...
"No you're wrong!!! Kaya ko alam ang pagsi-CPR kasi tinrain ako nung naglalife guard ako at dahil na rin sa kasali ako sa swimming team..."
Pagkatapos kong magpaliwanag, naramdaman ko yung ka-wierdohang ginagawa niya sa likod ko...
"Anung ginagawa mo sa likod ko?!!" tanong ko.
"Hinahawa ko lang ang bango ko sa'yo dahil teritoryo nakit at akin ka na ngayon..." bulong niyang sagot.
"You're dillutional!!!" sigaw ko.
"But I love you, baby!!!" sigaw niya rin sakin.
"Oh, tigilan mo nga ako!!!" sabi ko pa. kasi nakakahiya na yung mga pinaggagagawa niya at halos pinagtitinginan na kami ng mga estudyante dito sa school. At nang maramdaman kong may humila sakin paraan upang makalayo ako sa kinikilos ni Frank, nagulat ulit ako, si Toji pala at akma pa sanang lalapit si Frank kung kaya't hinarang na ni Toji ang sarili niya ng tuluyan...
"Keep your hands off..." sabi ni Toji kay Frank.
"Hey, wait, hold up, hindi ko pa narinig ang about dito, pero, kayong dalawa, nagdadate na ba kayo?! Kayo na ba?!" tanong ni Frank.
"You got it, so pwede lumayo ka na..." marahang sagot ni Toji.
"Alright...." sagot pa ulit ni Frank.
"Kapag ginulo ka pa ulit, puntahan mo ako..." sabi naman ni Toji sakin.
Ako naman ay hindi makapagsalita sa kahihiyan... o katorpehan siguro... at medyo ramdam ang kilig sa ginwa niya pero di naman ako makatingin sa mga nangyayari kasi naramdaman kong hinawakan niya ang bewang ko... Di ko tuloy alam kung parte ba yan ng panliligaw sakin... Ang alam ko bawal pa yan eh??
Toji:
Sinagip ko si Milfuelle sa kawalang-hiyaan ng hambog na si Frank... Ewan ko ba, naiirita talaga ako sa inaasal ng lalaking iyon... Nang magsalita ako kay Milfuelle, hindi naman siya umiimik sa mga nangyari at nakayuko lamang... Napansin kong nakahawak na pala ako sa bewang niya na para bang kami na... Shit, di pa pwede yun lalo pa't nanliligaw palang ang move ko... At isa pa, nirerespeto ko si Milfuelle... Tinanggal ko agad ang kamay ko mula sa pagkakahawak at nagsabi ulit ako...
"Ah!? eh... Kung gusto mo lang naman ng tulong ko. Nasa'yo parin ang iyong choice..." natutuliro ko namang nabanggit iyon...
"Hmmm..." sagot niya na medyo tumango tango at nakayuko parin siya...
Milfuelle:
So, hindi nga ito panaginip... Aktwal ngang magdedate mga kami ni Toji!!! Hmmm... Kinikilig ako, pero may naririnig na naman akong mga nagchichismisan...
"Naniniwala ka?"
"Alam ko, nakikipagkita siya sa ibang lalaki..."
"Kawawa naman si Frank, heartbroken ng dahil sa babaeng yan..."
Kahit alam kong may naririnig ako, dinedma ko na lang...
Meanwhile...
Nag-usap kami ni Toji sa isang liblib sa lugar ng sarilinan...
"Huh!? Gusto mo na sikreto muna ang relasyon natin?" si Toji.
Nakayuko akong kausap siya kasi naninibago parin ako sa mga nangyayari...
"Why?" tanong paulit ni Toji.
"Okay, narinig mo naman about dun sa nakaraang rumors about samin ni Frank... Kung malalaman pa ulit ng ibang tao na dinidate kita, malamang iisipin nung mga yun, malandi akong babae, which yun ang ayaw kong namang marinig at kumalat..." sagot ko.
"But, hindi naman kayo diba? Bakit, hidi mo ba ako gusto?" tanong niya pa.
"No, ofcourse not, I like you..." tuliro kong sagot.
"Oh, naman pala eh... Bakit iniintidi mo ang sinasabi ng ibang tao sa'yo?" sabi pa niya.
"No, hindi ko naman sila iniintindi, it's just that, di ako kumportable na pinagpi-fiestahan ng mga malilikot nilang mata habang kausap ka o habang kasabay kita sa iisang bagay..." paliwanag ko.
"Okay, if yan ang gusto mo..." sabi niya pero di ko pinatapos dahil may pinaalala agad ako sa kanya...
"And promise me, hindi mo sasabihin kay Say, kahit anong salita tungkol sa'tin..." bakas sa mukha niya ang pagkagulat ng dahil sa pahabol ko...
"Why?" tanong niya pa.
"Ahh... Kung ayaw mong matalo ng kalaban, syempre, di mo sasabihin ang mga plano mo. tama ba?!" nakangiti kong paliwanag sa kanya.
Meanwhile...
Matapos ang pag-uusap naming yon, pumasok na ako sa room namin, nang may marinig ako mula sa pag-uusap nila Say at ng dalawa naming kaklase...
"Wow ang cute naman niyan Say..." sabi nung kaklase namin.
"Ha, ito ba?" Prenteng prenteng pinangangalandakan ni Say ang bagong hair clip niya sa bangs niya...
"Bagay sa'yo, lalo ka pang gumaganda kapag suot mo yang clip..." sabi pa nung isa.
Nang makita ko yung clip, napaisip na naman ako... Grabe!? yan din yung clip na type kong bilhin nung nakaraang araw...
CONTINUE...
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Author's Note:
Hay... medyo masakip ang ulo ko ng gawin to at parang masama ang pakiramdam, pero worth it naman pag nabasa na... May kasunod pa yan...
Mas maganda kung i-bo-vote or anything under the sun ang gawin...
Jah Love!!!
-morph
BINABASA MO ANG
PEACH GIRL (Adapted)
Любовные романыSi Milfuelle, simpleng babae ngunit may kinaiinisan sa kanyang sarili, pagiging morena nito. Dahil sa kutis niyang ito, naalala niya parati yung sinasabi ng bestfriend niya 9 years ago tungkol sa ultimate crush niyang si Toji.... Pero may umepal si...