Chapter Four: Introducing Toji
(Check out the youtube link on the right side and play if you want. This was the theme song of our fourth chapter. Now Playing: Dare you to move by Switchfoot)
Toji:
Naglalakad ako sa may corridor nng school nang makasalubong ko yung Frank. Tamang tama ang timing dahil hinahanap ko siya para kausapin...
"Ikaw, pwede ka bang kausapin... Lalaki sa lalaki." sabi ko ng makaharap ko siya.
Tumingin siya sakin at tinuro niya ang sarili niya na para bang hindi alam na siya yung tinutukoy ko. Sumunod naman siya kung saan pinapunta ko siya sa isang lugar na liblib at pwedeng makipag-usap ng sarilinan...
"Narinig ko ang chismis na naghalikan kayo ni Milfuelle, totoo ba?" tanong ko.
"Maaari, pero anong klaseng relasyon ba ang meron kayo with Milfuelle?" tanong naman niya.
"Look, ako ang nagtatanong dito..." sagot ko.
At parang walang pakialam na nagsalita ito...
"At isa lang naman ako sa hindi sasagot niyan..." at parang nang-aasar pa.
Tumingin ako ng seryoso sa kanya, mata sa mata...
"Kung gagawin mo iyon ng paulit ulit at guguluhin mo lang siya, better na lumayo ka na sa kanya... Maaring tinitignan mo siya tulad ng ginagawa mo sa ibang babae dyan, pero ibahin mo siya... Maliwanag ba?" sabi ko.
Tiningnan tingnan niya ako mula ulo hanggang paa na para bang nagsususpetsa at nagsalita...
"What if I like her?"
"Wait, anong sinasabi mo?" tanong ko naman.
"If I do, well, mapipilitan kong gawin ulit yun..." sagot naman niya.
"I guess..." parang natauhan ako sa sinabi niya at nagpatuloy siya sa pagsasalita...
"Ang babaeng katulad ni Milfuelle, aware naman siya na pwede siyang magustuhan ng tulad ko, I mean she's hot! you know... Ibang iba nga talaga siya sa mga babae diyan, pwede akong maging boyfriend niya kung gugustuhin niya... yung pagiging tanned skin niya, di na ako magtataka kung magustuhan siyang titigan ng sikat ng araw..."
Lumapit siya sakin at bumulong...
"Tell me, sinong lalaking hindi makakatingin sa kanya kung makikita mong hindi siya nakasuot ng uniporme..." parang boses iyon ng isang malisyoso, at nakaramdam naman ako ng kahihiyan... Tama nga naman siya, iba talaga kung tutuosin si Milfuelle, at kapag sa ganun ding ayos ito...
Lumayo ako ng kaunti dahil naiirita ako sa mga naririnig ko sa kanya at pwersahang sinuntok ko ang pader malapit lang sa gilid ng ulo niya... Nakita kong nagulat siya sa ginawa kong iyon at nagsalita ako...
"Stay away from her or else, kung ano na ang magagawa ko sa'yo..."
Iniwan ko si Frank kung saan kami nag-usap at pumunta ako sa locker room ng batiin ako ni Say...
"Hi, Toji! Akala ko umuwi ka na kanina..."
"Huh?!" Niyaya niya akong lumabas at nakipag kwentuhan siya sakin...
"Is it cool kung tawagin kitang Toji, katulad ng tawag sa'yo ni Milfuelle?" tanong niya.
"Ahm, yeah..." sagot ko.
"Oh, that's great!" tugon naman niya ulit ng may marinig kaming boses... Boses ni Milfuelle na nagapapalayas ata ng kausap ng tignan namin kung sino ang kausap si Frank pala... Nainis ako, at napasigaw...
BINABASA MO ANG
PEACH GIRL (Adapted)
RomanceSi Milfuelle, simpleng babae ngunit may kinaiinisan sa kanyang sarili, pagiging morena nito. Dahil sa kutis niyang ito, naalala niya parati yung sinasabi ng bestfriend niya 9 years ago tungkol sa ultimate crush niyang si Toji.... Pero may umepal si...