Chapter Nine: The Trapped Kiss
(Check out the youtube link on the right side and play if you want. This was the theme song of our ninth chapter. Now Playing: Taya by Up Dharma Down)
***
Milfuelle:
Nandito ako ngayon along garden pero malayo naman kay Toji...
Hanggang ngayon, hindi ako maka-move-on sa nakita ko, at lalong di ko rin siya matingnan at makausap kahit sa mga mata niya...
"Milfuelle baby!" paparating na boses...
At nagulat ako ng biglang yumakap sa'kin sa likod 'yung boses na paparating...
Alam kong si Frank iyon... Geeezzz... Nababadtrip na nga ako kay Toji, nang-iirita naman 'tong Frank na 'to?!
"Saan ka ba nanggaling at bigla bigla ka na lang sumusulpot na parang kabute!?" gulat na gulat kong tanong sa kanya.
"Kamusta naman kayo ni Toji na boyfriend mo, nagkaayos na ba kayo? Di rin naman ako magtataka kay Toji kung sa labas eh handsome pero sa loob ay may pagkama-L?! Hahaha!" sagot naman niyang may pagkapilyo... Ssshhh... Bakit ba pinag-iisipan niyang may pagka-manyak si Toji? Hindi siya ganon no?!
Umiilag sa'kin si Frank matapos niyang sabihin 'yon kaso, hindi ko naman siya sasaktan o babatukan eh... Naiiyak na lang ako sa mga iniisip ko...
"May problema ba?" tanong ni Frank na may pag-alala...
Ako, tulalang lumiligid ang mga luha sa mga mata ko...
Hanggang sa kusa na itong tumulo...
Toji:
Dinala ako ni Say sa isang bahagi ng garden malayo sa kinaroonan namin ni Milfuelle kanina...
May mga sinabi siyang ilang mga bagay tungkol sa'min ni Milfuelle at sa pag-uusap nila kanina sa school...
"So sinabi na ni Milfuelle sa'yo na kami na... Kasi sabi niya na gawin namin sikreto iyon, at 'yun naman ay ginawa ko..." sabi ko sa kanya...
"Yeah, at kung kailangan niyong may pag-usapan tungkol dito, nandito ako para sa'yo..." nakangiting sagot naman sa'kin ni Say.
Tumalikod ako ng kaunti sa kanya...
"Okay, nalilito ako, hindi ko alam kung bakit may iba sa kinikilos ni Milfuelle na siya namang kinababahala ko..." share ko sa kanya ng problema ko.
"Well, obvious naman na may something na nagpa-badtrip sa kanya..." sabi naman niya.
Napalingon ako matapos niya sabihin iyon... At para bang may laman ang sinasabi niya...
"Nakita mong, nagmouth-to-mouth sina Milfuelle at Frank nung isang araw, malamang iba talaga ang mararamdaman mo, kapag nahalikan na ng iba ang girlfriend mo, right?" dagdag pa niya na siya naman ikinagulat ko.
"Pero, di iyon ang point ko, kung hindi iyon binigay ni Milfuelle kay Frank, maaaring mamatay si Frank, at hindi naman iyon mean na iyon ang ikinababahala ko... Kailangan ko na talagang kausapin siya bago matapos ang araw na ito..." akma na ako aalis matapos kong sabihin iyon kaso, pinigilan ako ni Say at hinila ang bag ko pabalik sa kanya...
"Ayokong gawin mo 'yon, baka 'di niya maintindihan lalo... Look, telling someone that does not bother you is the same someone that it does bother you... You should know that!" sabi pa niya na kinagulat ko ulit.
"Tapos, anong gagawin ko?!" Tanong ko naman sa kanya...
Nag-wink siya ng left eye niya at nagsalita...
BINABASA MO ANG
PEACH GIRL (Adapted)
RomanceSi Milfuelle, simpleng babae ngunit may kinaiinisan sa kanyang sarili, pagiging morena nito. Dahil sa kutis niyang ito, naalala niya parati yung sinasabi ng bestfriend niya 9 years ago tungkol sa ultimate crush niyang si Toji.... Pero may umepal si...