Hi! May nagbabasa ba ito? Comment po kayo para malaman ko.
***
KABANATA 2Madilim na ang paligid ngunit hindi pa kami nakakarating sa paroroonan namin. Nakatunganga lang kaming lahat dahil sa pagkainip sa byahe.
"Ito ba talag ang daan papunta doon?" tanong ni Joy na nasa likod.
"Baka naman naliliaw na tayo ha!" singhal naman ni Heena.
Hindi na lang ako nagsalita at nakinig na lang sa music sa aking cellphone habang nakadungaw sa bintana. Tanging palayan lang ang nakikita ko habang papunta kami doon.
"Belle." tawig ni Tyrone sa akin. Hindi ako sumagot. "Hoy, Belle." anito.
Sinulyapan ko siya at tinaasan ng kilay.
"Ano?" tanong ko at muling tumingin sa labas.
"Gutom ka na ba?" tanong nito. Narinig ko ang hiyawan ng mha kaibigan nito sa kanyang tanong. Umirap ako at hindi sumagot.
"Kami Ty, gutom na." nakangising saad ni Red sa kanya.
"Edi kumain ka. Bahala ka sa buhay mo." inis na pahayag niya sa kaibigan.
"Ito naman. Nabasted lang ganyan na." biro no Kyle at humalakhak. Nakitawa na rin ang ibang kasamahan sa sinabi nito.
Nagpatuloy lang kami sa pagbyanyahe. Walang hangganang palayan aya ang nakikita ko at tanging puno rin lang ang nakakasalamuha namin habang nagbyabyahe.
Napasulyap ako kay Tyrone na humihikab.
"Ok ka lang?" pabulong na tanong ko. Tumango lang ito habang nakatigin sa daan na halatang antok na antok na.
Nilingon ko rin ang mga kasamahan namin sa likod. Nakatulog na ang mga ito, si Red at Joy ay nakatulog pareho pati narin si Heena at Kyle.
Tinignan ko muli ang dinadaanan namin at napamura na lang ako ng pagewang-gewang na ang sasakyang sinasakyan namin. Napatingin ako kay Tyrone na nakayuko na sa manubelo. Napamura muli ako inikot ang manubela para hindi kami mabangga ngunit huli na ang lahat.
Bumangga na ang sasakyan sa isang malaking puno at lahat ng tulig ay nagising na dahil sa nangyari.
"A-anong nangyari?" tanon ni Heena habang humihikab at unti-untinh minumulat ang mga mata. Nanlaki ang mga mata nito ng nakita ang sasakyan. "Shit?" mura nito at tumingin sa akin.
Binuksan ko ang pintuan at padabog na bumaba. Sumunod rin si Tyrone sa akin. Hinawakan niya ang aking kamay kaya napatingin ako dito.
"Ano?" inis na singhal ko.
Wala na. Wala na kaming masasakyan at hindi namin alam kung saan kami pupunta. Ni hindi nga namin alam kung saang lugar na kami eh. Paano na lang kami makakaalis sa lugar na ito?
"Sorry nakatulog ako." paumanhin niya. Hinablot ko ang kamay ko na hawak nito.
"It's ok. Hindi mo naman kasalanan. Alam kung pagod at antok ka dahil ikaw ang namaneho. Walang may kasalanan." sabi ko at tumalikod tyaka nilibot ang paningin sa lugar.
Maybe, may mga sasakyan namang dumadaan dito aa lugar na ito diba? Meron diba? Sana nga.....
Bumaba na rin ang mga kasamahan namin at dinaluhan kami sa labas. Tinignan rin nila ang sasakyan na bumangga sa puno.
"Baka pwede pa iyan. Try mong i-start Red." utos sa kanya ni Kyle. Nakailang ulit na silang ginagawa iyon pero di talaga pwede.
Napahimalamos ako ng aking mukha gamit ang aking kamay. Saan na kami tutungo ngayong gabi na ito?
"Asan na ba tayo?" tanong sa akin ni Joy.
Hindi ako umimik dahil wala akong maisasagot sa kanyang tanong. Hindi ko rin alam kung saang lugar na kami ngayon. Sana naman walang mangyaring masama sa amin dito ngayong gabi.
Nakakatakot pa naman dito. Puro puno at kakahuyan lang ang nakikita namin. Isama mo pa ang malawak na palayan pati narin ang mga hayop na makikita dito. Nakakatakot.
Napayakap ako sa sarili kung katawan ng biglang umihip ang malamig na hangin sa aming paligid. Nanginig ang aking tuhod at tumaas ang balahibo ko dulot nito.
"Naririni niyo 'yun?" kinakabahang tanong ni Heena sa amin. Napatingin ako sa kanya at tinignan siyang takot na takot.
"Ha? Ano 'yun? Wala naman kaming naririnig." pahayag ko. Pati narin ako natatakot sa kanyang sinabi.
"Wag ka ngang magbiro ng ganyan." usal ni Kyle sa kanya.
"Meron talaga." aniya at tinignan ang tinatapakan naming kalsada. Nanlaki ang mga mata niya kaya naman napatigin rin kaming lahat sa kanyang tinitignan. "Palaka!" sigaw nito at agad na nagtatalon papunta sa sasakyan.
Napailing na kang ako dahil palaka lang pala ang naririnig niya.
Napasulyap ako sa isang arko ng baranggay. Pinanliitan ko ang aking mga mata para makita ko ang pangalan ng lugar na iyon.
Welcome to Baranggay Maligaya
Apat na salita ang nakaukit doon sa itaas. Napatingin rin ang aking mga kasama sa aking tinitignan pero nahagip ng aking paningin ang isamg kakaibang bagay.
Isang matang kulay pula na nakatigin sa kinaroroonan namin.
Nanginig ang buong katawan ko pati narin ang kaluluwa ko sa takot. Kinilabutan ako sa aking nakita.
***
BINABASA MO ANG
Ang Baranggay Maligaya
TerrorSYNOPSIS: Dahil tapos narin naman ang klase nila Belle ay napagpasyahan nilang magbakasyon sa isang lugar. Ngunit habang nakasakay sila sa Van ay may hindi inaasahang nangyari. Nabangga ang Van sa isang malaking puno sa isang madilim na paligid ngun...