#76 in Horror. Thank you so much!
***
KABANATA 5
Kinaumagahan ay halos hindi na ako makabangon sa hinihigaan ko dahil sa sakit ng aking likod dulot ng matigas na hinihigaan namin kagabi. Wala kaming choice.
Napatingin ako sa mga katabi ko pero nakita ko ni isa ay wala na sila. Umupo muna ako at kinusot ang aking mga mata bago tumayo. Nagtungo ako sa kusina para tignan kung andun sila ngunit ni isang tao at wala.
Nagtungo ako sa bintana at binuksan iyon. Napapikt ako sa dukot ng sinag ng araw. Muli kung isinara ito qt lumabas ng bahay at doon tumambad ang mga kasamahan ko na nakatayo at nakatingin sa mga kabahayan.
"Gising ka na pala." sabi ni Tyrone ng nakita niya akong lumabas ng bahay. Tumango lang ako at tumabi.
Tinignan ko rin ang mga tinitignan nila. Ang mga taong naglalakad papunta kung saan na may dalang bigao o anuman. Wala namang kakaiba dito, mukhang magbebenta sila ng gulay o kakanin sa kanilang palengke.
"Gusto niyo bang pumasyal? Pasyal muna kayo para malibang naman kayo." ani Lola.
Umu'Oo ang lahat sa sinabi Lola. Ako rin sumang-ayon ako sa kanila na mamasyal muna dito sa kanilang baryo para maging pamilyar naman kami sa bawat sulok dito at para hindi kami maligaw.
Nalaman ko na sinabi na pala ni Lola sa kanila na walang dumadaan na mga sasakyan dito o sa arko man. Tanging ang pag-asa lang namin na maka-alis dito ay ang sasakyan naming naiwan sa may labasan sa arko, andun rin yung mga ibang kakailanganin naming pagkain.
Baka pagkatapos na lang naming libutin ang lugar ay babalikan namin ang sasakyan para ayusin at kung hindi man namin maayos ang sasakyan ngayong araw ay mapipilitan na naman kaming makituloy kay Lola kahit nahihiya na kami dahil sobra-sobra na ang kabaitan nito sa amin.
Naligo at nagbihis kami, magaalas nwebe na ng natapos kaming kahat at handa na kami sa paglilibot. Syempre, kasama namin si Lola para naman maging tour guide namin at para hindi kami maligaw dito sa kanila kung sakali.
Naka plane white tshirt lang ako at naka pantalon lang. Si Lola naman ay may dakanh isang bigao na may kakanin na kulay brown. Hindi ko alam kun ano iyon, parang kanin ang itsura pero dikit-dikit at hugis rectangle ito.
"Gusto niyi bang tikman iting tupig?" tanong niya sa amin.
Lumapit kami doon at kumuha ng tigiisang 'tupig' na sinasabi nito. Kumagat ako ng kaunti at nung wala akong nalasaan ay kumagat muli aki ng mas malaki. Nginuya ko ito pero wala parin akong malasaan. Ganun rin ang ginawa ng mga kasamahan ko, hindi nami ata nakalahati iyon ay ayaw na namin dahil nga walang lasa. Masarap sana iyon kung walang lasa.
"Wala pong lasa." pahayag sa kanya ni Red.
"Ganun talaga dito. Lahat ng mga pagkain na kinakain nila at binebenta walang lasa." aniya.
Nagsimula na kaming maglakad. Sila Red, Kyle at Tyrone ang nagbitbit ng bigao na hawak ni Lola kanina sa bahay.
"Bakit naman po?" tanong ni Joy sa kanya.
"Hindi nila nagugustuhan ng mga tao dito yung mga pagkain na may lasa." aniya.
Napasulyap ako sa kanya at hindi na lang umimik sa kanyang sinabi. May anli talag dito sa lugar na ito at hindi ko alam kung ano iyon. Kaikangan kung malaman kung ano ang kababalghan na bumabalot aa lugar na ito.
Nakarating kami sa bayan. Maraming tao na andun na nagbibibenta ng mga paninda nila pero ang pinagtataka ko ay bakit halos lahat ata ng tao na nadadaanan namin dito ay napapalingon sa kinaroroonan naming lahat at napapatigil sa ginagawa.
Napatingin ako sa isang babae na hinihiwa ang karne ng baboy sa may gilid haban may bumibili sa kanya. Hiniwa niya ang karne nitong madugo-dugo pa sabay tingin sa aki at ngumisi. Hindi ko alam pero natakot ako sa ngisi niyang iyon kaya naman hindi na ako nagtangka pang tumingin sa ibang tao.
Pumwesto kami sa may gandang kagilidan. May pwesto si Lola doon.
Nilapag nila ang paninda at tumulong na rin kami sa pagdisplay sa lamesa na nasa harapan. Medyo matagal rin kaming naka-upo na lahat doon hanggang sa may lumapit sa aming isang lalaki na may edad na.
"Sino iyang mga kasama mo?" tanong niya habang nakatingin sa paninda namin.
"Wala mga bisita ko lang sila. Aalis din yang mga yan dito. Ano bang bibilhin mo?" tanong ni Lola.
Tinuro niya ang isang kakanin. Iplinastik ko iyon at ibinigay sa kanya at nung kunin niya ang plastik ay nagulat ako sa paghaplos niya sa aking mga palad kaya agad kung binawi ang aking kamay.
Naka-upo lamg kaming lahat doon at inoobserbahan ang mga taong nagtitinda at bumibili doon. Mag-iisang oras narin simula nung nakarating kami dito.
Ayaw niyo bang mamasyal dito? May malapit lang na falls dito sa bayan. Ang Karasukus Falls na makikita sa kapag dineretso niyo ang daan na iyan." ani Lola habang tinuturo ang maliit na eskinita.
Nagkatiginan kaming lahat na animoy nag-uusap ang aming mga mata. Nakita ko ang excitement sa mga mata ng aking mga kasama na gusto nilang pumunta sa ganoong lugar kaya naman sumang-ayon na kang rin ako sa kanilang gustong mangyari.
Nagtungo kami sa sinasabing eskinita ni Lola at nung nakalabas na kami sa eskinita ay totoo ngang may isang napakagang falls na makikita na malapit lang sa bayan.
Ang rumaragasang tubig nito ay ang tangi mo lang marieinig at ang mga huni ng ibon na naroroon. Maraming malalaking bato na nasa falls na ito at ang bawat pagbagsak ng mga tubig sa mga bato ay paramg mga awitin. Nakakaenganyong maligo ngayon dito dahil sa init ng panahon.
"Woooh. Cool." manghang pahayag ni Kyle.
"Tara maligo tayo?" tanong sa amin ni Heena. Napailing kaagad ako.
"Wala tayong mga damit. Anong gusto niyo? Maglakad sa bayan habang basang-basa tayo?" tanong ko habang natatawa.
"Pwede rin." sagot ni tyrone at ngumisi sabay tingin aa akin at kinindatan. Umirap lang ako.
Nagulat na lang ako ng bigla silang lumusong sa tubig ng falls at naghihiyawan sa tuwa na nararamdaman nila na animo'y ngayon lang sila nakaligo.
"Belle. Tara! Wag kang KJ!" sigaw ni Joy sa akin.
Narinig ko ang pagtili ni Heena dahil sa paghambulos ni Kyle sa kanya ng tubig. Tumawa naman si Kyle ng nakita niyang tumama ito sa mukha ni Heena.
Napailing na lang ako at umupo doon at piananuod sila.
Sinulyapan ako ni Tyrone at nagulat na lang ako nung naghubad ito. Nagsihubaran narin ang mga lalaki ng kanilang pangitaas. Ibinato nila ang kanilang damit sa kinaroroonan ko pero buti na lang hindi ako tinamaan.
Humalakhak pa ang mga ito at muling nagsabuyan ng tubig.
Napatingin muli ako kay Tyron na nakatalikod. Ang kanyang likod ay hindi mo maipagkakaila na maganda ang kanyang katawan dahil likod pa lang ay ulam na. Lalo oa nung inangat niya ang kanyang kanay at naginat. Napakagat na lang ako ng labi at napatingin sa itaas ng falls.
Nanlaki ang aking mga mata ng nakita ko ang tatlong mababangis na aso na may kulay pulang mga mata na nakatigin sa amin. Napaatras ako at sa pagatras kung iyon ay hindi ko nakita ang isang malaking bato kaya naman napahiyaw ako ng napahiga ako sa batuhan habang masakit ang katawan na tumama doon.
***
BINABASA MO ANG
Ang Baranggay Maligaya
HorrorSYNOPSIS: Dahil tapos narin naman ang klase nila Belle ay napagpasyahan nilang magbakasyon sa isang lugar. Ngunit habang nakasakay sila sa Van ay may hindi inaasahang nangyari. Nabangga ang Van sa isang malaking puno sa isang madilim na paligid ngun...