Kabanata 4

4.4K 179 16
                                    

More comment, more updates! Ngayong naiinspired akong magsulat magcomment naman kayo. Haha!

***

KABANATA 4


Halos mapatalon jami sa gulat nung nakita namin ang isang matanda sa aning harapan habang may hawak na lampara.




Nung sinabi niyang sumunod kami sa kanya ay sumunod na kami agad-agad at hindi na kami nagdalawang isip pa. Aangal ka pa ba at mag-iinarte kung may nagkukusang loob na ngang magbigay ng tulong sa'yo? at isa pa mas gugustuhin na lang naming sumama sa kanya kaysa bumalik sa sasakyan na ganun kadilim ang paligid. Nakakatakot.





Hinawakan ng matanda ang kahot na bintuan nito at agad niyang hinila. Tumambad sa amin ang isang madilim na loob ng bahay.





Nang itinapat lang niya ang lampara sa bahay ay doon lang namin naaninag ang kabuuan ng kanyang pamamahay.





Hindi siya malaki tulad ng mga kabahayan sa Maynila ngunit ok na ito basta makatulog lang kami ngayong gabi at bukas na bukas magaabang kami ng sasakyan sa may arko. Meron naman atang mga sasakyan na dumadaan doon.





Pinapasok na niya kaming lahat at agad na sinarado ang pintuan at kinandado ito. Napatingin kami sa kanya at ganun na kang ang gulat namin ng sumesenyas siyang tumahimik kami kaya tinikom na namin ang aming mga bibig.





"Wag kayong mag-iingay. Maririnig nila tayo." bulong niya sa amin at nilapag ang lamoara sa isang kahoy na lamesa.





Tanging lampara lang ang ilaw namon sa loob ng bahay. Sakop naman niya ito ang sala niyang maliit.





Nilagay na namin ang aming mga dalang gamit sa gilid. Nilabas ko muli ang cellphone at tinignan kung may signal at nung nabuksan ko ito ay halos ibato ko ang cellphone ko dahil ni isang signal wala. Kahit isa man kang sana! Ano bang lugar ito at walang kasignal-signal dito?!





"Wala pa ba?" tanong ni Joy sa akin. Umiling lang ako at nilagay muli sa bulsa ang cellphone.





Iginala ko ang aking paningin at nakita ko ang mga bawang na nakasabit sa bintana at pati narin ang  pintuan. Napansin ko rin kanina sa labas ng bahay na may nakapalibot na asin doon.





Nilingon ko si iying matanda para sana magtanong ngunit nasa kusina na siya. Nagtungo naman ako doon at nadatnan ko siyang naghahain ng makakain. Napatingin siya sa akin at ngumiti at tinuloy muli ang ginagawa.





"Kumain na ba kayo? Alam kung di oa kayo kumakain. Tawagin mo na ang mga kasama mo para makakain na kayo at makatulog." bilin niya. Umu'Oo naman ako at nagtungo sa mga kasamahan kun naka-upo sa sahig na kahoy.





"Kain daw muna tayo." sabi ko sa kanila. Agad naman silang nagsitayuan at nagtungo sa kusina.





Hindi kami kasya sa lamesa kaya naman iyong tatlong lalaki ang nakatayo habang kumakain kami. Tanging toyo at isang priton isda lang na tig-iisa kami ang aming kinakain kasama narin ang ulam. Tahimik kang ang hapag at tanging tunog lang ng kubyertos o ang pagnguya namin sa kinakain namin ang ingay na maririnig mo. Wala ni isang nagtangakang mag-open ng isang topic sa amin.





"Paano ba kayo nakapunta dito?" tanong sa amin ng Matanda na hindi pa namin alam ang pangalan.





Nilunok ko ang aking kinakain at agad namang uminom ng tubig na nasa harapan ko. Napatingin ako sa kanya na nasa lababo na naghihugas ng kaldero.





Ang Baranggay MaligayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon