Naalimpungatan ako dahil sa malamig na kamay na nakahawak sa aking mukha. Unti-unti kung iminulat ang aking mga mata at sa pagmulat kung iyon ay isang pamilyar na kulay puting dingding ang sumalubong sa akin.
Napahawak ako sa kamay na nakahawak sa aking mukha at tinignan kung kanino iyon. Bumungad sa akin ang nakangiting mukha ng aking ama. Nanlaki ang mga mata ko.
"D-dad?" naluluhang pahayag ko.
"Kumusta ka anak? Ok ka lang ba?" tanong niya.
Hindi ko siya kayang sagutin dahil naguguluhan pa ako sa ngayon. Paano ako napunta dito sa bahay ang pagkakaam ko ay...ay.... kanina lang.... napahagulhol ako sa pag-iyak ng bigla kung naalala ang eksena kanina.
Naramdaman kung pumulupot ang mga bisig ng aking ama sa akin. Maslalo akong humagulhol dahil sa kanya dahil sa pangungulila sa kanya. Kung panaginip man ito ay sana hindi na ako magising atleast kahit sa panaginip man lang na ito maging masaya ako, maging masaya ako sa huling pagkakataon.
"Wag ka ng umiyak mahal kung prinsesa. Kailangan mung maging matatag at tandaan mo andito lang kami sa iyong tabi, hindi ka iiwan at ika'y aming tutulungan. " anito.
Naramdaman ko ang paglayo niya sa akin. Nagtaka ako dahil unti-unti siyang lumalayo at doon na lang ang pagkagulat ko ng biglang may isang matulis na bagay na lumusot sa kanyang leeg.
Napasigaw ako sa kaba at takot sa aking nakita.
Bumulagta ang aking ama sa sahig. Tinitigan ko siyang nakamulat ang mata at nakangiti. Muli kung tinignan ang gumawa nito. Nanlaki ang mga mata ko ng nakita ko ang isang halimaw na nakatayo, kulay itim ito, ang balat niya ay kulay itim na napapaligiran ng laway at ang buntot niya....ang buntot niyang matulis ang ginamit niyang pagpatay sa aking ama.
Napaatras ako mula sa aking pagkakahiga. Napatayo at sumuksok ako sa pader na para bang nagtatago pero alam ko na kahit anong gawin ko wala parin itong silbi.
"W-wag kang lumapit. " kinakabahang sambit ko ngunit lumapit ito.
Napasigaw na lang ako ng bigla kung naramdaman ang buntot niyang papalapit sa akin.
"Belle! " napabalikwas ako ng aking pagkakahiga. Naramdaman ko ang pawisang noo ko dahil sa bangingot na iyon.
Tinakpan ko ang aking mga mata dahil sa sinag ng araw na tumatama sa aking mukha. Unti-unti ko rin inalis ito at iginala ang aking mga mata sa lugar. Nasa bahay kami ni Lola.
Napansin kung nakatingin ang lahat sa akin. Naalala ko nanaman ang nangyrai kaninkanina lang. Hinusgahan nila ako. Umiwas ako ng tingin tiyaka tumayo.
Naramdaman ko ang isang kamay na humawak sa aking palad. Napatingin ako kay Tyrone na nakatingin sa akin. Malamig ko siyang tinitigan at unti-unting inalis ang pagkakahawak niya sa aking kamay.
Nagtungo ako sa kusina. Kumuha ako ng baso at nilagyan ito ng tubig. Inisang lagok ko lang iyon at inilapag ang baso sa lalagyan. Umiyak ako ng taimtim, umiyak ako ng mag-isa doon.
Gusto ko ng sumuko. Ayaw ko na, nakakapagod na. Nakakapagod na ang nga nangyayari sa amin. Walang kasiguraduhan kung mabubuhay man kami dito.
Sa una pa lang sana hindi na kami umalis sa amin. Sana doon na lang kami sa aming mga bahay at walang nagbakasyon. Sana naisip namin ang mga mangyayari bago namin ito ginawa edi sana masaya pa kami ngayon sa piling ng aming pamilya hindi tulad dito na naghihingalo na.
Sinulyapan ko sila, hindi na sila nakatingin sa akin kaya tinitigan ko sila ng matagal para mag obserba.
Sino kaya sa kanila ang tinutukoy ng ama ni Maria? Posible kaya na isa kina Kyle, Red, Tyrone at Joy? Pero sina sa apat, sino sa apat ang halimaw na iyon.
Umiwas ako ng tingin ng biglang napatingin si Joy sa akin.
Lumabas ako ng bahay habang hawak ang aking pana. Naglakas ako sa kalsada at nagbabakasakaling mahanap sila Heena at Lola.
Pinaglaruan ko ang bato sa aking paa habang nagmumuni-muni ako habang naglalakad. Naramdaman ko na lang na may sumasabay sa akin. Napalingon ako sa aking tabi at nakita ko si Tyrone.
Hindi ako nagsalita nagtuloy-tuloy na lang ako sa paglalakad. Alam kung pati siya naniniwala kay Maria na ako ang pumatay sa ama nito.
"Belle". utas niya. Hindi ako umimik at diretso lang ang aking tingin habang naglalakad. "Naniniwala ako na hindi mo kayang pumatay ng tao. " aniya. Napatingin ako sa kanya at agad na nag-iwas ng tingin ng nahuli niya aking tumingin.
"Wala ng saysay ngayon sa akin kung maniwala man kayo o hindi ang importante lang sa akin ay ang makalabas tayo sa impyernong ito." malamig ang bawat pagsambit ko sa mga salitang binibitiwan ko.
Narinig ko ang pagbuntong hininga nito. Hindi ko na lang siya pinansin at malamig na nakatingin sa daanan.
"Bumalik ka na sa kanila. Bumalik ka na kay Maria baka hanapin ka pa nila. Kaya ko ang aking sarili. " pahayag ko.
Maslalo kung binilisan ang aking paglalakad, hindi ko alam kung sumusunod pa ba siya sa akin kaya naman napalingon ako sa aking likod. Nakita ko siyang nakatigil doon at nakatingin sa akin.
Umiwas ako ng tingin at ibinaling ulit sa aking dinaraanan. Muli ko siyang nilingon at halos sinaksak ang dibdib ko ng nakita ko siyang naglalakad palayo sa akin.
Ito naman ang gusto ko diba? Yun nga ang sinabi ko diba? Pero bakit ang sakit pala? Nahuhulog na nga ako sa kanya ng tuluyab at ganito pala kasakit.
Umiyak nanaman ako muli.
Kailan ba mauubos ang nga luha sa aking mga mata? Kailan ba matatapos ang lahat ng ito? Pinalis ko ang luhang nasa pisngi ko at taimtin na umiyak at humikbi habang ako ay naglalakad.
Iiyak na lang ba ako? Iiyak na lang ako sa mga nangyari sa amin? Wala na ba kaming magagawa na malagpasan namin ang pasanin na ito? Nakakapagod na rin pala.
Kung pagsasakripisyo ang tanging paraan para makalabas kaming lahat dito gagawin ko. Kahit buhay ko ang kapalit para maligtas ang nakakarami, kahit ako na lang ang kunin wag lang ang mga kasamahan ko.
Awtomatiko akong napatigil sa paglalakad ng maramadaman kung may sumusunod muli sa akin.
Si Tyrone ba?
Lilingonin ko sana ito pero sa paglingon ko pa lang ay nakita ko na ang isang malapad na kahoy papalapit sa akin. Naramdaman ko ang pagtama nito sa aking ulo bago ako nawalan ng malay.
"Sweet dreams, Belle." malamig na tinig na sambit nito.
***
BINABASA MO ANG
Ang Baranggay Maligaya
HorrorSYNOPSIS: Dahil tapos narin naman ang klase nila Belle ay napagpasyahan nilang magbakasyon sa isang lugar. Ngunit habang nakasakay sila sa Van ay may hindi inaasahang nangyari. Nabangga ang Van sa isang malaking puno sa isang madilim na paligid ngun...