Kabanata 12

3.7K 127 30
                                    

Sorry for slow updates. Pagpasensyahan niyo na ako. Hintay-hintay na lang din sa update haha.

Comments are acceptable also votes! Thank you!

KABANATA 12

Unti-unti kung kinulat ang aking mga mata. Bigla na lang kumirot ang aking ulo kaya naman napahawak ako doon.



Naramdaman ki ang basang dumikit sa aking palad kaya naman tinignan ko ito. Nanlaki ang aking mga mata ng nakita kulo kung ano iyon.



Dugo!



Bigla na lang nagbalik ang mga ala-ala kanina na nangyari. Naalala ko ang babae kanina na humampas sa akin.



Iginala ko ang aking mga mata at tinignan ang paligid. Madilim pa sa labas. Napalingon rin ako sa aking mga katabi na wala pa ring malay.



Bumukas ang pintuan ng kwarto kaya naman nagkunware akong walang malay.



"Maria, anong ginawa mo sa kanila?!" madiin na tanong ng isang baritonong boses.



"Ama, a-akala ko kasi m-mga kalaban sila kaya pinapasok ko sa bahay at hinampas." Sagot ng Maria na humampas sa amin. Gusto kung imulat ang aking mga mata ngunit nanatili akong ganun. Baka kung ano pa ang mangyari sa akin kapag nalaman nilang nagising na ako.



"Mga tao sila! Hindi mga aswang! Ang mga aswang lang ang kalaban natin dito!" Singhal ng kanyang ama.



Napapikit ako ng mariin ng naramdaman ko ang hapdi sa aking ulo. Naramdaman ko ang likido na tumulo sa aking noo pababa sa aking mukha. Napamulat ako ng aking mga mata at pinunasan ang dugo.



Napadaing ako sa sakit na aking nararamdaman kaya naman napatingin silang dalawa sa aking kinaroroonan. Agad na naalarma si Maria kaya agad niyang dinampot ang baseball bat. Ibinaba iyon ng kanyang ama at lumapit sa akin.



Gumapang ang kaba sa aking dibdib at napaatras ako kahit wala na akong aatrasan pa.



"Wag kang matakot hija. Hindi kami kalaban." Aniya at lumuhod sa akin para suriin ako. Napatingin naman ako sa lalaki.



Nasa 30's na ito dahil tinutubuhan na siya ng bigote at balbas. Napalingon ako kay Maria na ngayon ay nakatingin rin sa kinaroroonan ko. Tinaasan niya ako ng kilay ngunit hindi ko ito pinansin.



"Maria! Kumuha ka ng mga gamot!" Sigaw niya sa kanyang anak. Agad naman nitong sinunod ang utos ng kanyang ama.



Nung una niya aking hawakan ay napaatras ako ngunit nung ngumiti siya sa akin ay hindi na ako nangamba pa. Pina-upo niya ako sa upuan na andun. Inalalayan niya ako para maka-upo ako ng maayos.



Tinignan ko muli ang mga kasamahan ko na wala paring malay. Dumudugo rin ang mga ulo nito dulot sa pagkakahampas.



"Ama ito na." Mahinahon na pahayag ng Maria ngunit nakatingin sa akin ng masama.



Kung ordinaryong araw lang sana ito ay kanina ko pa siya pinatulan ngunit wala akong lakas para gawin iyon ngayon.



Binasa ng lalaki ang bimpo sa isang balde ng tubig tyaka ito piniga ng mabuti.



Napapikit aji ng mariin ng naramdaman ko ang pagdami nito sa akin ulo. Gusto kung sumigaw pero hindi ko ginawa halip ay kinagat ko ang aking labi para pigilan ang pagsigaw.



"Masakit ba?" Tanong ng kanyang ama.



Gusto ko itong hampasin ng baseball bat sa ulo at idampi ang bimpo rin sa kanya para tanungin ko kung masakit ba. Oo masakit! Tangna!



Tumango lang ako.



Napalingon ako kay Tyrone na nagpupumiglas sa tali ng kanyang kamay at paa. Napalingon ako sa lalaki at sinensyasan niyang kalasin ang tali nito.



Agad na sumugod si Tyrone ngunit pingipan ko siya.



"W-wag." Nahihirapang pahayag ko. "H-hindi sila mga ka-kalaban." Dugtong ko pa at muling ininda ang sakit na ginagawa nito sa akin.



Kahit papaano ay naibsan ang pagdurugo ng aking ulo. Tinapalan niya ito ng kung anong dahon sa ulo ko. Hindi na masyadong kumikirot kaya hindi ko na rin masyadong ramdam ang sakit na dulot nito.



Gising na rin ang mga kasamahan ko. Ginamot rin niya ang mga sugat nila na natamo, binendahan ang kanilang ulo.



Nilingon ko si Maria na nakatitig kay Tyrone. Nilingon ko rin si Tyrone na hinahawakan ang kanyang ulo. Nilingon ako ni Ty ngunit agad aking umiwas at punatahan ang ama ni Maria.



"Kuya, salamat pala." Pagpapasalamat ko dito.



"Walang anuman. Total kasalanan rin ng aking anak ang nangyari." Aniya. Nilingon ko muli si Maria na ngayon ay kausap na si Tyrone.



Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kakaiba sa aking dibdib pero hindi ko na lang ito pinansin.



"Maari na po ba kaming umalis?" Tanong ko dito.



"Ha? Bakit naman? Delikado at anjan pa ang mga aswang sa labas."



"Kailangan naming maihatid ang tubig ng talon na siyang makakalunas sa aming kaibigan. Kailangan namin iyon maihatid bago mahuli ang lahat." Pahayag ko.



Naramdaman ko ang isang kamay na humawak sa aking braso. Napalingon ako sa taong may-ari nun at nakita ko si Joy na nasa tabi ko.



"Maraming salamat po Kuya sa paggagamot sa aking ulo." Aniya at sinulyapan ako. Tinaasan ko lang siya ng kilay. "Maari na po ba kaming makaalis?" Tanong muli niya. Napalingin muli ako sa lalaki.



Nakita ko sa kanyang nga mata na hindi niya alam kung ano ang isasagot.



"O-oo. Pero sasamahan na namin kayo." Aniya. Parang tumalon ang kaluluwa ko sa aking narinig. "Mas kabisado namin ang daan dito papunta doon at mas maproprotektahan namin kayo sa mga aswang." Aniya.



Hindi na ako umapila pa. Umalis ang ama ni Maria sa harapan namin kaya kami na ngayon ni Joy ang magkaharap na dalawa.



Nginuso niya ang likuran ko kaya naman nilingon ko ito. Nakita ko nanagtatawanan ang dalawa. Umirap ako sa kawalan at tinignan si Joy na nakangiting aso sa harapan.



"Tignan mo nga yang Maria na iyan! Ang landi-landi!" Singhal niya at kumunot ang kanyang noo.



"Hayaan mo nga ang dalawa. Kung gusto nilang maglandian edi hayaan mo. Wala naman tayong pake-alam eh." Pahayag ko habang nakatingin kay Kyle.



"Wala nga ba?" Nang-uuyam na tanong ni Joy. Hinampas ko siya gamit ang kamay ko sa kanyang braso. Humalakhak lang ito.



Hindi na rin kami nagtagal sa loob ng bahay na iyon. Agad naming linisan ang kinalalagyan namin kanina. Hawak-hawak ko pa rin ang aking pana.



Malaki ang naitutulong ng mag-ama sa amin dahil napapadali ang paglapit namin sa kinaroroonan nila Red.



"Belle." Bulong sa akin ni Joy. Nilingon ko siya sa harapan at nginuso muli niya ang aking likuran kaya tinignan ko ito.



Nakita kung magkasabay sila Tyrone at Maria. Umirap na lang ako at tinuloy ang paglalakad hanggang samay nakasalubong kaming sandamakmak na mga aswang.



"Shit!" Napamura ako at napaatras kami.



Kumuha ako ng palaso sa aking likod at tinira sa isang aswang na nasa harapan namin. Nakuha ang isa kaya naman nawala ito pero hindi nakakaulong ang ginawa ko dahil madami pa sila at hindi sila nababawan ng bilang.



Umihip ang malamig na hangin at may narinig kami sa himpapawid na pumapagaspas. Napatingin ako sa itaas at halos manlaki ang aking mga mata ng nakita ko ang maraming manananggal na paparating.



Nanginig ang buong sistema ko dahil sa posibleng mangyari ngayon!

***

Ang Baranggay MaligayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon