Kabanata 11

3.6K 144 20
                                    

Mag comment ang mga nagbabasa at magvote para mainspired akong mag-update. Hahaha.


***

KABANATA 11


Napahinto kaming lahat habang tumatakbo dahil sa malakas na pag-ungol ng mga ito. lahat sila ay nakatingin sa kinaroroonan namin.



Matatalim ang kanilang ngipin at tumutulo pa ang mga laway nila habang nakatingin ang mga mapupulang mga mata sa amin. Wala akong masabi ni isang salita, nabara ang aking lalamunan ng kung ano at para kaming tuod sa aming kinalalagyan dahil ni isa sa amin ay walang gumalaw.



Randam na randam ko ang takot sa aking dibdib dahil sa lakas ng pagtibok nito at sa bilis ng pagtibok sa aking dibdib.



"Sa-saan na tayo?" alanganing tanong ko.



Nilingon ko ang kabahayan na malapit sa amin. Wala akong maisip kundi ang magtago sa isang bahay dito o anuman. Wala kaming magagawa kundi yun lang o ang tumakbo at itaya namin ang buhay namin.



"Bababa na ako. Kaya ko na rin naman at para maskomportable ka." saad ko sa kanya.



Hindi ko ininda ang sakit ng aking likod. Hinigpitan ni Tyrone ang hawak niya sa aking kamay, nginitian ko lang siya at tinanggal unti-unti ang aking kamay sa pagkakahgawak niya. Hinawakan ko ng mahigpit ang aking pana at kumuha ng bala sa aking likod.



Wala kaming magagawa sa ngayon kundi ang lumaban at patayin ang mga ito pero tiyak na hindi naman namin sila makakaya dahil sa dami ng bilang nila. Mas mainam na magtago na lang muna kami at dapat mapanatili namin na sama-sama kaming lahat.



Kapag sama-sama kami ay maproprotektahan na in ang isa't-isa.



"Ano na ang gagawin natin?" tanong ni Joy sa akin habang mahigpit ang hawak niya sa kanyang palakol.



Unti-unti na silang lumalapit at parang natatakam na nila kaming tikman.



"Pagbilang ko ng tatlo tumakbo tayo pakaliwa kung saan andun ang bahay. Takbo lang ng takbo at dapat wag tayong maghihiwalay. KUng meron mang aswang sa harap wag kayong magdalawang isip na patayin ito dahil hindi sila mga tao." mahabang litanya ko sa kanila. "Wag tayong titigil sa pagtakbo, kailangan nating makarating sa loob ng bahay bago mahuli ang lahat."



Nilingon ko ang bewang ni Tyrone kung nasaan ang tubig na makakalunas kay Red. Nakita ko doon na mahigpit na nakatali.



"Kailangan nating madala ang tubig na iyan kay Red bago tayo mahuli." pahayag ko.

Ang Baranggay MaligayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon