More comments, more votes, more updates!
***
KABANATA 6
Napapikit ako ng naramdaman ko ang hapdi dulot ng pagkakahiga ko aa may batuhan. Napangiwi ako sa sakit at gusto kung tumili sa aking nararamdaman.
Napasinghap aki ng may biglang humawak sa aking braso, minulat ko ang aking mga mata at tumambad si Tyrone na basa ang katawan habang nakatingin sa akin.
Inalalayan niya akon tumayo at pina-upo sa aking batuhang maganda at makinis. Dahan-dahan niya akong pina-upo doon at halos mapangiwi ako sa sakit na aking nararamdaman.
Yung feeling na ang sakit sakit talaga at gusto mong ilabas ang hinanakit. Iyin ang gusto ko ang tumili sa akit na dulot nito.
Muling napabaling ang aking tingin sa may taas ng falls at nung tinignan ko iyon ay wala na ang tatlong mababangis na aso na nakatingin.
Lumapit na rin ang mga kasamahan namin sa kinaroroonan ko.
"Ayos ka lang ba? Masakit ba?" tanong ni Joy at hinawakan ang aking likod.
Napahiyaw ako sa hapdi at halos kurutin ko si Tyrone sa ginawa ni Joy na paghawak sa aking likuran. Gusto kung sapakin si Joy ngunit wala akong lakas na gawin iyon ngayon.
"Shit!" hiyaw ko. Agad namang nilayo ni Joy ang kamay na nakahawak sa aking likuran.
Naramdaman ko ang pag-angat ng aking damit ng dahan-dahan at hinubad nila iyon. Tanging ang bra ko na lang.
"Dumudugo ang likod mo at ang daming gas-gas at sugat." puna ni Heena habang tinitignan ang aking likod.
Napahiyaw ako ng naramdaman kung kumirot ang iilang sugat ko sa likod. Shit naman kasi!
"Umuwi na tayo at doon na lang natin gamutin ang natamo mong sugat." ani Tyrone kaya naman napatigin ako sa kanya na seryoso ang mukha.
Dinampot niya ang basang damit nito at sinuot. Isinuot rin muli sa akin ni Heena ng dahan-dahan ang aking damit.
Itinayo nila ako at nagulat na lang ako ng biglang lumuhod si Tyrone sa aking harapan na para bang gusto niya akong sumakay sa kanyang likuran.
"Sakay ka na. Akong bahala sayo. Hindi mo makakayang maglakad." aniya.
Aapila sana ako ngunit napatingin ako sa mga traydor kung kaibigan na naglalakad ng palayo. Kaya naman wala na akong nagawa kundi ang sumakay sa kanyang likuran.
Naa-awkard ako sa aming posisyon isama mo pa ang lamig na nararamdaman ko sa aking katawan dahil sa basa nitong damit.
Nagtungo kami kay Lola para magpaalam. Tinanong niya ang nangyari at sinabi naman nila ang lahat ng nangyari.
Halos lahat ng mga taong andun ay nakatingin sa amin pero hindi pala sa amin kundi sa akin likod na bakas ang kulay pulang dugo doon. Napangiwi muli ako sa haodi na aking nararamdaman.
Lahat ng nga mata nilang lahat na bawat dinadaanan naming mga tao ay napapalingon sa aking sugat at hindi ko alam kung bakit. Napapangisi ang iba habang nakatingin doon.
Ang mga kasamahan ko ay nasa harapan namin walang silang pakealam kahit basa silang naglalakad sa maraming tao na nakatingin.
Nakarating kami sa bahay at agad niya akong pina-upo sa isang kahot na upuan na nasa sala. Hinubad naman ni Heena ang aking damit.
Nagtungo si Joy sa kanyang mga gamit at may kinalkal at nung nakita na niya ang kanyang hinahanap ay ipinakita nito ang kulay berdeng bote ng alcohol at isang plastik ng bulak.
Napangiwi ako at napailing sa aking nakita. Alchol, alcohol shit! Mahapdi iyan lalo na kapag itatapal mo sa sugat sa iyong katawan. Oo, maiibsan nga ang sakit ngunit hindi parin maalis ang sakit na dulot nito.
Hindi na ako umarte pa. Kahit natatakot ako sa sakit ay titiisin ko para lang gumaling ako ng masmaaga. Walang mangyayari sa amin kung mag-iinarte pa kami dahil tulad ko, pare-pareho lang ang aming gusto na maka-alis dito.
Naramdaman ko ang basang bulak na dumampi sa mga sugat ko. Napahoyaw ako sa sakit na dulot ng alchol at halos mabali ang kamay ng inuupuan kung kahoy ngayon dahil sa pagkakahawak ko.
Tiniis ko ang hapding dulot nito. Kumuha sila ng isang damit at ginupit ito para pangtakip lang sa mga duguang sugat ko.
Ang ginawa ko lang sa bahay ay nagahinga, nakahiga o kaya naman naka-upo habang ang mga kasamahan ko ay sumusubok na magluto ng kung anong pagkain na nasa kusina.
Sakto namang magaling na magluto si Tyrone kaya naman nung may nakita silang gulay na andun ay niluto na nila iyon para may makakain kami. Napagpasyahan rin naming mga alas singko ng hapon at babalikan namin ang sasakyan para kunin ang mga pinamili naming mga gamit.
Muli nanaman nila akong inilalayan papunta sa kusina. Ang pakiramdam ko tuloy ngayon parang pabigat ako sa kanila. Medyo ok na rin naman ang aking katawan, hindi tulad nung umaga na halos mapangiwi ako sa hapdi at sakit.
"Wag ka ng sumama, Belle." ani Tyrone sa akin. Umiling lang ako at pinagpatuloy ang pagsusuot kong aking sapatos.
"Sasama ako. Kaya ko na rin naman. " sagot ko at nauna ng lumabas sa kanya. Sumundo naman siya sa akin kung nasaan ang aming mga kaibigan.
"Ayos ka na ba?" tanong ni Red. Tumango ako at tumabi kina Joy.
"Ayos na hindi na masakit. Salamat pala sa inyo." sabi ko.
Ngumuso si Red habang pinipigilan ang pagngisi.
"Magpasalamat ka kay Tyrone dahil siya ang halos nag asikaso sayo." nakangising saad sa akin ni Red. Nilingon ko si Tyrone na nakatingin sa akin.
"Salamat." maikling pahayag ko at tumalikod na tyaka nagsimulang maglakad. Narinig ko pa ang hagikhikan ng mga lalaki. Napailing na lang ako.
Bandang ala singko y media ng nakarating na kami sa sasakyan. Ganun parin iyon nung iniwan namin ganito parin ng nadatnan namin. Nakabangga parin sa malaking puno.
Kinuha na namin ang pakay namin sa sasakyan. Nilabas namin ang mga pinamili namin sa Market noon. Tinignan namin ng mga lalaki ang sasakyan kung maayos ba nila iyon o hindi. Sana lang maayos nila para makaalis na kami at makauwi. Ayaw ko ng tumuloy sa lintik na bakasyon na iyan.
Nilabas namin ang mga groceries na andun. Nilapag namin sa gilid. Muli naman akong pumasok sa loob ng sasakyan, iginala ko ang paningin ko at may napansin akong tatlong guhit sa bintana ng sasakyan.
Hindi ko masyadong pinagtuunan iyon n pansin dahil baka may bata lang na nagsulat-sulat sa bintana ng sasakyan. Naranasan ko na rin noon yung ganun yung magsulat sa mga maaalikabok na sasakyan.
"Belle, tara na. Papalubog na ang araw." ani Heena sa labas.
Lalabas na sana ako ng bigla akong mapatingin sa bandang bubong ng sasakyan at ganun na lang ang panlalaki ng aking mga mata ng biglang kung makita ang tatling straight na guhit na parang kuko habang butas ang bubong dahil sa gawa ng guhit na ito.
Doon na lang akong nakakasiguradu na ang nakita ko ring ganun na guhit sa may bintana ay hindi gawa ng mga bata.
Shit!
Pero sinong may gawa nito? At anong nilalang ba siya?
***
BINABASA MO ANG
Ang Baranggay Maligaya
HorrorSYNOPSIS: Dahil tapos narin naman ang klase nila Belle ay napagpasyahan nilang magbakasyon sa isang lugar. Ngunit habang nakasakay sila sa Van ay may hindi inaasahang nangyari. Nabangga ang Van sa isang malaking puno sa isang madilim na paligid ngun...