Kabanata 8

3.9K 130 10
                                    

KABANATA 8

Halos matumba aki ng umalungol ang paparating na mabangis na nilala sa akin. Napamulat ako ng aking mga mata at nakita kung namimilipit na ito sa sakit havang may nakatarak na isang bala ng pana sa katawan nito.



Hinanap ko kung sino ang may gawa nun at nung nakita ko si Lola na nakahawak ng isang pana na gawa sa kahoy. Muli akong napatingin sa mabangis na aso na nasa harapan ko, unti-unti na itong nagiging abo at bigla na lang nawala.



Doon na lang hindi kinaya ng aking tuhod. Napa-upo na lang ako sa lupa habang umaagos ang aking mga luha sa aking mga mata. Nahagip ng aking paningin ang mga kasamahan ko na tumatakbo papunta sa kinaroroonan namin.



Naramdaman ko ang pagbalot ng bisig ni Heena at Joy sa aking katawan at maslalo akong napahikbi doon. Walang salitang lumabas sa aking bibig, hindi ko kayang magsalita ni isa dahil sa mga kumakawalang hikbi sa akin.



Naramdaman ko ang kamay ni Lola na hinahaplos ang aking likod. Napalingon ako dito.



"Tara na. Alam na nilang lahat. Kailangan na nating makapasok sa bahay." aniya.



Hindi na kami umapila o nagtanong pa. Wala kaming sinayang na oras sa pagkatakbo papunta sa maliit na bahay na tinuluyan namin pero ganun na lang ang gulat namin ng may nakita kaming dalawang malalaking aso na nasa harapan ng bahay.



Naglakad si Lola papunta sa harapan namin at tinutok ang panang hawak nito. Pinuntirya. niya ang isa ngunit tumama lang sa gilid nito. Kumuha ulit siya ng bala ng pana ngunit sa pagtira niyang muli iyon ay hindi nanaman natamaan ni isa man sa kanila.



Maslalong bumangis ang kanilang mukha habang unti-unting naglalakad papunta sa kinaroroonan namin. Kami naman ay naglalakad ng palikod.



Kinuha ni Lola ang huling bala ng pana at tinutok ito sa mga aso. Hinila niya ang pana at pinuntirya ang isa at sa pagtama ng bala sa katawan nito kasabay nun ang pag-ungol niya dahil sa sakit na nararamdaman nito.



Katulad kanina ng isa ay unti-unti na itong nawawala. Ang isa na lang ngayon ang nasa harapan namin.



Umungol ito ng malakas at kasabay nun ay pagtulo ng laway sa kanyang bibig. Bigla muling may lumitaw na isa pang ulo nito. Mas mabangis na ngayon kung titigan mo ang isang toh. Mas malaki siya hindi kagaya ng mga ibang mababangis na aso kanina.



"May mga nakasabit na bawang sa mga gilid ng bahay. Kahit isa man kang makuha natin pwede natin siyang mapatay." bulong ni Lola sa amin.



Iginala ko ang paningin ko sa labas ng bahay at tama ngang may mga bawang na nakasabit doon.



"Susubukan kung kumuha ng bawang pero kailangang maibaling natin ang atensyon niya sa iba para makuha ko ito." sabi ko.



Tiningnan ko sila. Tumango ang mga ito, lumapit namin si Tyrone sa akin at hinawakan ang aking braso.



"I'll help you habang linilibang nila Red ang halimaw na iyan. Ayaw kung may mangyaring masama sa iyo." seryosong pahayag nito habang nakatingin sa aking nga mata, agad akong umiwas at hindi na kang nagsalita.



Dumampot ni Kyle ang isang bato na nasa lupa. Napatingin ako sa kanya at tinanguhan. Ang nga kasama naman namin ay kumuha narin para maibato sa halimaw na nasa harapan namin.



"Hanggang inaagaw namin ang atensyon niya kailangan niyo ng magmadali para makakuha ng bawang." bilin ni Lola sa amin. Tumango kaming pareho at tinignan ang halimaw na naglalaway sa harapan namin.



"Maghanda na kayo. Kailangan niyong makakuha kaagad. Hindi namin kayang ibaling ang atensyon niya ng matagal dahil dalawa ang ulo niya pwede niyang makita ang lahat." ani Lola. Tumango muli kami. Nanlilisik kung tinignan ang halimaw na nasa harapan namin.



"Kapag nakabilang ako ng tatlo tumakbo na kayo kaagad at kumuha bago mahuli ang lahat. Hangga't maari bilisan niyo, walang magpapahuli." aniya.



Umugting ang bagang ko at tinignan ang nakasabit na bawang sa labas ng bahay. Siningkitan ko ang aking mga mata para makita iyon ng mabuti. Nahagip rin ng aking paningin ang isang malaking bato na nasa makapit ng bahay. Nagkatinginan kami ni Tyrone na para bang alam na namin ang gagawin.



"Sige. Mag handa na kayo." muling sabi nito. Kinabahan ako ngunit tinatagan ko ang loob ko. "One.....two.....Three!" aniya.



Pagkasabi niyang iyon ay agad kaming tumakbo papunta sa malaking bato para magtago at kasabay nun ay ang pagbato nila sa halimaw. Maslalo pang bumagsik ito at umungol ng malakas.



Hingal na hingal ako habang nakatago kami sa bato. Tinignan ko si Tyrone at agad na tumangi bago tumakbo ulit para sana kunin ang bawang na nasa bahay pero bigla kaming nahagip ng isa niyang ulo kaya bumaling ang atensyon niya sa amin.



Napahinto ako at napatitig sa mabagsik niyang mga mata pero habang nakatitig ako doon ay may isang malaking bato na nasa ere papunta sa kanyang mukha at natamaan ito. Nanlaki ang nga mata ko ng bumaling siya sa kinaroroonan ni Red na gulat na gulat.



Mabagsik smniyang tinignan si Red. Nanlaki ang mga mata ni Red habang nakatingin doon. Makikita mo sa kanyang mga mata ang gulat at takot na nararamdaman. Maslalo pa itong natakot ng biglang tumakbo ang halimaw papunta sa kanya.



May humawak sa aking kamay at hinila papunta kina Lola. Napatingin ako kay Red na may hawak ng isang bilig ng bawang.



Muli kung binaling kay Red ang atensyon ko. Biglang humiwalay ang mga kasama ko at si Red ang nakatayo sa gitna. Tumakbo siya papunta sa kalsada pero humabol parin ang halimaw sa kanya.



Agad na ibinigay ni Tyrone kay Lola ang bawang. Hindi na nagaksaya ng oras si Lola at agad niyang nilagay sa tali ng pana at hinila ito at tinutok sa halimaw na humahabol kay Red.



Sa pagbitaw ni Lola ng tali ng pana ay kasabay nun ang pagkawala ng bawang papunta sa halimaw. Nakatayo kaming lahat habang kita ng dalawang mga mata namin ang pagtama ng bawang sa katawan ng halimaw at nakita namin kung paani naglaho ito.



Agad kaming tumakbo papunta sa kinaroroonan ni Red na ngayon na ay nakadapa sa kalsada habang tagaktak ang pawis at hingal na hingal.



"A-ayaw ko na." bulong niya sa sarili nito.



Tinignan ko siya habang nakadapa habang ang mga kasamahan namin ay tinutulungan siyang makatayo.



Napatingin ako sa kanyang mga nata at nakita ko ang kulay pulang likido doon. Hinawakan ko ang paa niya at tinignan iyon, ganun na lang ang pnlalaki ng mga mata ko ng nakita ko ang malaking kagat ng halimaw na humahabol sa kanya kanina.



Napatingin ang mga kasamahan ko sa hinahawakan ko at ganun na lang rin ang pagkabigla nila katulad ko.



"Shit!" mura ko ng nawalan ng malay si Red.

***

Ang Baranggay MaligayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon