Agad kung dinaluhan ang ama ni Maria habang nahihirapan siyang makahinga. Hindi ko na alam ang gagawin ko ni isa sa kanila ay walang nakagising, dahil nari n ata sa kapagudan pero tiyak ko na may isang taong nakamasid lang sa akin, sa amin at tiyak ko na siya ang may kagagawan nito.
"T-tulong" halos bulong na lang ang lumalabas sa aking bibig. Niyugyog ko si Maria aa kanyang balikat. Hindi pa siya nagising ay mas niyugyog ko siya ng malakas para magulantang ito. "Maria, ang iyong ama!" madiin kung pahayag sa kanya. Nakita ko siyang nagmulat ng kanyang nga mata.
Sinapo ko ang uli ng ama niya para matulungab na lumanghap ng hangin. Umubo ito ng dugo, napapikit ako dahil hindi ko na alam kung ano na ang gagawin ko.
"Ano ang nangyari sa aking ama?!" sigaw niya sa akin. Hindi ako nagsalita dahil kahit ako ay hindi ko alam ang nangyari. Umiyak ito at dinaluhan ang amang duguhan. Tinulak niya aki palayo. "A-ama." umiiyak na sambit nito.
Lumapit ako pero tinulak muli niya ako palayo. Tinitigan niya ako ng masama na para bang ako ang may kasalanan ng pagkamatay ng kanyang Ama.
"Mamamatay tao ka! Walang hiya ka!" sigaw nito na kanyang ikinagulat, naalimpungatan na rin ang kanyang mga kasamahan dahil sa mga nangyayari. "Mamamatay tao!" sigaw niya muli.
Napapikit ako ng mariin sa kanyang sinabi.
"H-hindi ako ang pumatay. Ma-maniwala ka. Hindi ako." sagot ko. Umiling lang ito sa akin tyaka tumayo at hinarap ako. Pinunasan niya ang nga luha niya sa kanyang mga mata.
"Ikaw ang pumatay! Nagkakaila ka pa! Mamamatay tao!" sigaw niya at agaran na niya akong sinugod. Halos mapatili ako sa sakit ng ulo ko dahil sa paghila nito sa akin para bang mahihiwalay na ang anit ko.
"Maria! Huminahon ka!" singhal ni Tyrone at agad na dinaluhan si Maria. Niyakap niya ito patalikod at inihiwalay sa akin.
Napapikit ako ng mariin at dinamdam ang sakin na aking nararamdaman ngayon. Humihikbi na ako sa mga nangyayari sa mga nangyayari sa amin, sa akin. Sa pangyayaring hindi ko naman ginawa na ako ang naakusahan.
"B-belle." natatakot na pahayag sa akin ni Joy. Tinitigan niya ako pababa sa aking kamay. Napatingin rin ako sa aking kamay na puro dugo.
Hunakbang ako papunta sa kanila ngunit sila ay napaatras.
Sa pagatras nila sa akin ay parang sinaksak ako ng punyal sa aking dibdib. Pati ba ang mga kaibigang tinuring ko ay naniniwala na ako ang pumatay?
"Hi-hindi, h-hindi ako ang pumatay." bulong ko. Bumuhos muli ang mga luha sa aking mga mata at kumawala ang mga hikbi sa akin. Napaluhod ako habang nakatingin sa kinaroroonan nilang lahat. Bakit ganun? Parang ako na ngayon ang masama sa tingin nila? Bakit sila natatakot sa akin? Dahil ba ang akala nila ako ang pumatay? Akala ko ba kilala nila ako, kilala nila ako na hindi ko kayang pumatay ng isang tao.
"To-totoo ba, Belle?" tanong ni Kyle.
Tumayo ako muli at tinitigan sila sa kanilang mga mata. Wala ng lumabas na mga luha dito, wala na ata akong mailuluha napiga na ata.
"Ano sa tingin niyo? Kaya ko bang pumatay ng isang tao? Akala ko kilala niyo na ako, akala ko kilala niyo ako na hindi ko kayang pumatay ng isang tao." diretsong pahayag ko. Hindi ko alam kung saan ako nakakuha ng lakas para mabuo ang aking sinasabi. "Ngayon tatanungin ko kayo. Kaya ko bang pumatay ng isang tao na wala namang ginawang masama sa akin? Kaya ko ba?" tanong ko na nakatingin sa kanilang mga mata.
Hindi sila nakapagsalita. Tumalikod na ako at bago ko pa maihakbang ang aking mga nata ay naramdaman ko na ang pag-ikoy ng aking paningin at nawalan ng malay.
***
Sorry mga bes sa sobrang late ng updates hahaha. Enjoy.
BINABASA MO ANG
Ang Baranggay Maligaya
HorrorSYNOPSIS: Dahil tapos narin naman ang klase nila Belle ay napagpasyahan nilang magbakasyon sa isang lugar. Ngunit habang nakasakay sila sa Van ay may hindi inaasahang nangyari. Nabangga ang Van sa isang malaking puno sa isang madilim na paligid ngun...