Kabanata 13 (Part 1)

3K 117 7
                                    

Sorry sa mabagal na pag update haha!

***

Para akong tuod sa aking kinalalagyan ngayon. Hindi makagalaw at hindi alam kung ano ang gagawin ko. Pare-pareho lang kaming nakatingin lahat sa himapapawid at sa paligid namin.



"Ang dami nila." dinig kung bulong ni Maria kay Tyrone.



Malamang madami sila duh! Tinitignan mo na nga. Gusto kung sabihin iyon sa kanya ngunit tinikom ko na lang ang aking bibig. Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito dahil sa babae na yan.



"Ano ng gagawin natin?" tanong ko sa ama ni Maria. Nilingon niya ang paligid at parang may tinitignan kaya nilingon ko rin ito.



Huminto ang paningin niya sa mga kahoy na nakalatag sa kanilang bahagi. Hindi ko alam kung bakit niya tinitignan iyon.



"Alam niyo ba ang kahinaan ng nga aswang at manananggal ay ilaw o apoy." sambit nito sa akin.



Pagkasabi niya yun ay nakuha ko na kaagad ang gustong ipagiwatig nito. Dinukot niya ang bulaa niya na naaa likuran at kinalbit ang aking nga daliri. Napatingin ako sa binibigay niya sa akin. Isang lighter. Kahit wala siyang sinabi ay alam ko na ang gusto niyang ipahiwatig sa akin.



Nilingon ko si Tyrone ngunit hindi siya nakatingin sa akin kaya si Kyle na lng ang sinabihan ko ng aming gagawin total busy naman ang walang hiya g tyrone na yan.



Tumango naman ito at nakuna ang aking plano na sinabi. Humugot ako ng bala ng palaso sa aking likuran at nilagay sa aking pana. Tinutok ko ito aa mga mananggal para maging alerto.



"Pagkatira ko sa isang aswang dito ay dapat agad na kayong tumakbo papunta sa kabilang dako." anito. Palihim akong tumango at sinusuri ang distansya ng aminv tatakbuhin. "Nakikita niyo ba ang kulay pulang galon doon? Mga gasolina iyon dapat niyong ibuhos sa mga kahoy para agad na lumagablab ang apoy doon." aniya. Tango lang ang naisagot ko sa kanya. Kinakabahan ako sa aking gagawin sana naman malagpasan namin ang suliraning ito.



Lumapit siya sa isang aswang na handa ng lumapa aa amin at bago pa tumama ang sibak niya sa ulo ng aswang ay tumakbo na kami ni Kyle papunta aa mga kahoy.



Umungol ang nga aswang kaya hindi na kami nagaksaya pa ng oras at agad na inihagis kay Kyle ang lighter at tyak ko binuhat ng mabilis ang isang galon ng gasolina. Ibinuhos ko sa mga kahoy na nakahilera na andun. Ibinato ko sa paligid ang lalagyan ng gasolina.



Nilingon ko si Kyle at sinenyasang ok na.



Paglingon ko sa mga kasamahan ko ay isang manananggal na ang nakitang kung lumilipad papunta sa akin habang nakalabas ang mababangis na ngipin at mga kulo at handa na akong kagatin. Napapikit na lang ako at hinintay ang katapusan ko.

***
Maraming grammars at typos kaya pakiintindihi . Ill post the part 2 bukas. Thank you!

More comment mas mapapabilis ang updates. Hehe

Ang Baranggay MaligayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon