Chapter 18: That Dreadful Feeling You Wish You Can Avoid But Can't

2.8K 108 9
                                    




                 


Friday morning, dinala ko ang mga gamit ko sa opisina para diretso na akong luluwas sa Makati.

Darating si Ate Joan bukas ng umaga at kahit excited ako na makita siya ulit lalo na at matagal na siyang hindi umuuwi sa Pinas, pinangungunahan ako ng kaba.

I wrote down the things I wanted to tell them dahil ayokong may makalimutan ako.

Kahit hindi ko alam kung kelan ang right moment to tell my family about Liz, inisip ko na lang na kapag nagkaroon ng chance, I'll take it and just let it out.

Coming out.

It's a big deal.

Stepping out of the closet and fully embracing who I am.

That moment when everything is clearer albeit terrifying.

Pero kahit pa nakakatakot at puno ako ng doubts sa balak kong gawin, mas malakas ang tiwala ko sa sarili ko na kaya kong harapin ang magiging consequence ng action ko.

Kaya ko nga ba?

Paano kung umiyak si Mommy at magmakaawa?

Paano kung magalit si Daddy at palayasin ako?

Paano kung madisappoint si Tito Eddie at sisantihin ako sa company namin?

Anong gagawin ko?

Paano kung papiliin nila ako between them and Liz?

Kaya ko bang ipagpalit ang family ko for her?

Kailangan ko ba talagang mamili?

Can't we all just get along?

In a perfect world? Maybe.

I remember the time when I was just starting to learn how to swim.

In-enrol ako ni Daddy sa swimming class pero I was terrified of the water.

I think I was eight years old noon at ayokong bumitaw sa pagkakahawak sa kanya.

Pero very encouraging si Daddy.

Kahit pa malimit akong umiyak dahil sa sobrang nerbiyos, hindi naman siya tumigil na samahan ako sa mga lessons ko hanggang sa unti-unti na akong nasanay.

Nagkaroon na din ako ng mga bagong kaibigan at akala ko, okay na ang lahat hanggang sa sinabi ng teacher namin na we all have to jump in the pool.

Bumalik na naman ang takot ko.

Masaya na ako na nakikipaglaro sa ibang bata at nagpaparticipate sa mga pool exercises.

Jumping in the water is a new challenge at bumalik na naman ang takot ko.

The night before the class, kinausap ako ni Daddy.

Sinabi niya na hindi ako dapat matakot dahil hindi niya ako pababayaan at ganoon din ang instructor ko.

"You'll see, Shirley. Sa umpisa lang nakakatakot pero kapag tumalon ka na sa tubig at nagawa mo ang dapat mong gawin, magiging proud ka sa sarili mo."

"Proud? Why?" tanong ko.

"Kasi natalo mo iyong takot mo."

It didn't make sense to me then dahil I was focused on my fear.

When I decided to jump after avoiding it for a long time, I realized na tama si Daddy.

I also discovered na I was a natural at swimming after ko ma-conquer ang mga kinatatakutan ko.

After that, hindi na nila ako maawat sa tubig.

Shirley (Lesbian Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon