Chapter 26: Back To Reality

2.5K 104 1
                                    




                 

Isang linggo.

Hindi iyon sapat para ipagluksa ko si Mama pero kailangan kong bumalik sa trabaho.

Kahit labag sa loob ko, pinilit ko ang sarili ko na bumangon, maligo, magbihis at kumain ng almusal na hinanda sa akin ni yaya.

Nakatulala lang ako sa lamesa habang lumalamig ang agahan na nakahain sa harapan ko.

Nakatingin ako sa bakanteng pwesto niya na para bang hinihintay ko na bigla siyang pumasok sa kusina at saluhan ako sa pagkain o di kaya ay samahan lang ako sa hapag kainan.

"Liz, kumain ka na at baka mahuli ka sa pagpasok," narinig ko ang boses ni yaya at parang ang layo niya.

Nang kumurap ako, nasa harapan ko si yaya at nakatitig sa akin.

Hinawakan niya ang kamay ko na nakapatong sa lamesa.

"Lumalamig na ang pagkain mo," tiningnan ko ang kamay niya na makintab ang balat at magaspang ang palad dahil sa taon na ginugol niya sa pagtulong sa amin ni Mama.

May tumulong luha sa kanang mata ko at hindi ko ito pinunasan.

May puwang sa puso ko na hindi na kailanman mapupunan dahil nakalaan lang ito para kay Mama.

Gusto kong bumalik sa kuwarto at humiga.

Gusto kong magtago sa loob ng kumot at sa mundo.

Ayokong harapin ang katotohanan na kahit malungkot ako, kailangan kong gawin ang mga bagay na para bang walang bumabagabag sa akin.

Ayokong maging matatag.

Gusto kong maging totoo sa sarili ko.

Pero hindi pwede.

Napatingin ako sa bintana at nakita na sumisilip na ang araw.

Tuloy pa din ang pagsikat nito.

Ang orasan na nakapatong sa ibabaw ng tukador ay nagsasabing patuloy pa din ang pag-inog ng mundo.

Sinasabi ng isip ko na kailangan ko pa ding sumabay sa pag-ikot nito pero walang lakas ang puso ko na gawin ang mga bagay na nasa realidad.

Tumayo ako ng hindi man lang umiinom ng kape.

"Hindi ka kakain?" nagtatakang tanong ni yaya.

Umiling lang ako sabay tumalikod sa kanya.

Wala akong gana at hindi lang sa pagkain.

***

Dati-rati, nakikinig ako sa music habang nagmamaneho.

Pero ngayong umaga, tahimik sa loob ng sasakyan.

Bago ko pinaandar ang makina, nakita ko na may text si Shirley at binasa ko ang message niya.

"Liz, I know this is hard time for you and I want you to know that I am here. Call me if you need me. Don't forget that I love you,"

Gusto ko na namang umiyak.

Bakit pa parang lahat ng lang ay nagpapaiyak sa akin?

Ang katahimikan, ang dilim, ang simpleng text message na nagpapaalala sa akin na hindi ako nag-iisa?

Grief.

Iyon lang naman ang sagot.

Ang absence ni Mama sa bahay at sa buhay ko is such a big hole na pakiramdam ko eh unti-unti akong nahuhulog sa lalim nito.

The rational side of me was telling me to be strong.

Na hindi ako dapat bumigay, na dapat akong maging malakas.

Shirley (Lesbian Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon